Unibersidad ng Kapuluang Peroe

Ang Unibersidad ng Kapuluang Peroe (Perowes: Fróðskaparsetur Føroya; Ingles: University of the Faroe Islands) ay isang state-run university na matatagpuan sa Torshavn, ang kabisera ng Kapuluang Peroe (Faroe Islands). Ito ay binubuo ng dalawang fakultad: ang Faculty of Humanities, Social Sciences and Education at Faculty of Natural and Health Sciences. Ang unibersidad ay nag-aalok ng mga kwalipikasyon sa antas ng batsilyer, master, at Ph.D. sa parehong fakultad. Maliit lamang ang student body, na mayroong kabuuang halos 600 na mga mag-aaral. Ang unibersidad ay nagsasagawa ng isang taunang paligsahan sa disertasyon na bukas sa lahat ng mag-aaral. Ang wika ng instruksyon ay sa Perowes, kaya naman ito ang tanging unibersidad sa mundo na nagsasagawa ng klase sa opisyal na wikang ito. Ang unibersidad ay may kolaborasyon sa Unibersidad ng Copenhagen at ang Unibersidad ng Iceland para sa mga proyekto sa pananaliksik at ito ay isang kasapi ng UArctic.

Unibersidad ng Kapuluang Peroe
public university
Map
Mga koordinado: 62°01′N 6°47′W / 62.01°N 6.78°W / 62.01; -6.78
BansaPadron:Country data Kapuluang Peroe
LokasyonTórshavn, Tórshavn Municipality, Streymoy
Itinatag1965
Websaythttp://www.setur.fo

Edukasyon Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.