Unibersidad ng Mainz Johannes Gutenberg

Ang Unibersidad ng Mainz Johannes Gutenberg (InglesJohannes Gutenberg University MainzAleman: Johannes Gutenberg-Universität Mainz) ay isang pampublikong unibersidad sa pananaliksik sa Mainz, Rhineland Palatinate, Alemanya, na ipinangalan sa imprentador na si Johannes Gutenberg. May humigit-kumulang itong 36,500 mag-aaral (2014) na nakakalat sa 150 paaralan at klinika. Ito ay kabilang sa sampung pinakamalaking unibersidad sa Alemanya. Simula Enero 1, 2005 ang unibersidad ay nireorganisa sa 11 fakultad.

Rebulto ni Johannes Gutenberg sa Unibersidad

Ang unibersidad ay isang miyembro ng German U15, isang koalisyon ng labinlimang mga pangunahing mga medikal na unibersidad sa Alemanya sa pananaliksik.

49°59′35″N 8°14′30″E / 49.993055555556°N 8.2416666666667°E / 49.993055555556; 8.2416666666667 Edukasyon Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.