Unibersidad ng Oklahoma

Ang Unibersidad ng Oklahoma o OU (Ingles: University of Oklahoma) ay isang koedukasyonal na pampublikong unibersidad sa pananaliksik na matatagpuan sa Norman, estado ng Oklahoma, sa Estados Unidos. Itinatag noong 1890, ito ay umiral sa Teritoryong Oklahoma malapit sa Teritoryong Indian sa loob ng 17 taon bago ang dalawa ay nagsanib upang naging ang estado ng Oklahoma. Sa Taglagas ng 2015, ang unibersidad ay may 30,824 mag-aaral na naka-enroll,[1] kung saan karamihan ay nasa kanyang pangunahing kampus sa Norman. Nag-eempleyo ng halos 3,000 miyembro ng fakultad,[2] ang mga paaralan ay nag-aalok 152 programang batsilyer, 160 programang masteral, 75 programang doktoral, at 20 meyjor sa unang antas propesyonal.[3][4]

Aklatang Bizzell na matatagpuan sa gitna ng kampus sa Norman.
Gaylord Hall, ang tahanan ng Gaylord College of Journalism at Mass Communication, natapos ang konstruksiyon noong 2004.

Akademikong profile

baguhin

Ang Unibersidad ay isang malaking residensyal at, pampananaliksik na unibersidad.[5] Ang unibersidad ay binubuo ng labinlimang kolehiyo, kabilang ang 152 meyjor[3] tulad ng abyasyon,[6] meteorolohiya, heolohiya, inhinyeryang pampetrolyo, pamamahala ng enerhiya, arkitektura, batas, gamot, pag-aaral ng mga Katutubong Amerikano, wika ng Katutubong Amerikano (e.g. Cherokee, Choctaw, Muscogee Creek, Kiowa), kasaysayan ng agham, at sayaw.[7] Ang unibersidad ay may isang mataas na enrolment sa apat na taong mga programang full-time sa antas undergradwado.[5] Habang ang dalawang pangunahing mga campus ay matatagpuan sa Norman at Oklahoma City, meron ding mga kaakibat na mga programang hinahain sa Tulsa na may layong palawakin ang pag-akses ng mga mag-aaral sa silangang Oklahoma. Ang ilan sa mga programa sa Tulsa ay kinabibilangan ng: gamot, parmasya, pagnanars, kalusugang pampubliko, alyadong kalusugan at liberal na mga sining.[8]

Mga sanggunian

baguhin

35°12′31″N 97°26′45″W / 35.2086°N 97.4458°W / 35.2086; -97.4458