Unibersidad ng Paris-Sud

Ang Unibersidad ng Paris-Sud (Pranses: Université Paris-Sud), na kilala rin bilang Unibersidad ng Paris XI, ay isang pamantasang Pranses na nakakalat sa ilang mga kampus sa timog na metro ng Paris kabilang ang mga kampus sa Orsay, Cachan, Châtenay-Malabry, Sceaux at Kremlin-Bicêtre. Ang pangunahing kampus ay matatagpuan sa Orsay (48°42′00″N 2°10′24″E / 48.699890°N 2.173309°E / 48.699890; 2.173309). Ang Unibersidad na ito ay isang miyembro ng UniverSud Paris at ang isang bahaing unibersidad ng federal na sistemang University of Paris-Saclay.

Tanggapan ng pangulo ng Unibersidad, Orsay

Ang Paris-Sud ay isa sa pinakamalaki at pinaka-kilalang unibersidad sa bansa, lalo na sa mga larangan ng agham at matematika.

Apat na nagwagi ng Fields Medal at dalawa sa Nobel Prize ay konektado sa unibersidad.[1]

Noong 2005, ang Unibersidad ng Paris-Sud ay nakipagsanib-pwersa sa HEC Paris, ang nangungunang paaralan ng negosyo sa Paris, at  L'Ecole Polytechnique, isang prominenteng engineering school sa lungsod, upang buuin ang sistema ng Université Paris-Saclay. [2]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Prizes and notable researchers - Université Paris-Sud". Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-10-27. Nakuha noong 2015-12-15.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Della Bradshaw"Audencia links up with engineers",Financial Times, Hunyo 21, 2007

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.