Unibersidad ng Queensland
Ang Unibersidad ng Queensland (Ingles: University of Queensland; UQ) ay isang unibersidad para sa pananaliksik na matatagpuan sa kabisera ng estado ng Queensland, sa Brisbane, Australia. Bilang isa sa mga nangungunang unibersidad sa Australia, ang UQ ay patuloy na niraranggong una para sa pagnenegosyo, mining engineering at biyolohiya sa Oceania. Ang UQ din ay tumatanggap sa karamihan ng mga magagaling na estudyante mula sa estado. Ang pangunahing kampus ay sumasakop sa kalakhan ng suburb ng St Lucia, timog-kanluran ng Brisbane central business district. Ang ibang mga kampus at pasilidad ng UQ ay matatagpuan sa buong Queensland, ang pinakamalaki ay ang Gatton campus at ang Herston medical school. Ang mga panlabas na establisimiyento ng UQ ay kinabibilangan ng Brunei Clinical School at UQ-Ochsner Clinical School sa estado ng Louisiana, Estados Unidos.
Itinatag noong 1909 sa pamamagitan ng parlyamento ng estado, ang UQ ay isa sa mga pinakamatandang uibersidad sa Australia na kolokyal na kinikilala bilang isang "sandstone university." Ang UQ ay isang tagapagtatag na miyembro ng online higher education consortium na edX, ng Group of Eightc na samahan ng mga unibersidad sa intensibo sa pananaliksik, at ng pandaigdigang Universitas 21 network.
27°29′50″S 153°00′47″E / 27.4972°S 153.0131°E Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.