Unibersidad ng Republika (Uruguay)
Ang Unibersidad ng Republika (Kastila: Universidad de la República, minsan UdelaR; Ingles: University of the Republic) ay isang pampublikong unibersidad sa Uruguay. Ito ay ang pinakamahalaga, pinakamatanda at pinakamalaking unibersidad ng bansa, na may 108,886 mag-aaral (2012). Ito ay itinatag noong Hulyo 18, 1849 sa Montevideo, kung saan ang karamihan ng mga gusali at mga pasilidad ay matatagpuan pa rin.
University of the Republic | |
---|---|
Universidad de la República | |
Itinatag noong | Hulyo 18, 1849 |
Uri | Publiko |
Rektor | Roberto Markarian |
Mag-aaral | about 80,000 |
Lokasyon | , |
Kampus | Urban |
Websayt | www.universidad.edu.uy |
Ranggo
baguhinSa 2011, ayon sa University Ranking by Academic Performance (URAP),[1] ito ang pinakamahusay na unibersidad sa Uruguay at ika-858 pinakamahusay sa mundo.
Noong 2015, ayon sa QS World University Rankings,[2] ito ay may ranggong #651-700 sa buong mundo at #56 sa Latin America.
Mga Paaralan
baguhin- Paaralan ng Agronomiya
- Paaralan ng Arkitektura, Disenyo, at Urbanismo
- Paaralan ng Sining
- Paaralan ng Kimika
- Paaralan ng Pang-ekonomiyang Agham at Pangangasiwa
- School of Engineering
- Paaralan ng mga Humanidades at Agham Pang-edukasyon
- Paaralan ng Batas
- Paaralan ng Medisina
- Paaralan ng Pagnanars
- Paaralan ng Pagdedentista
- Paaralan ng Sikolohiya
- Paaralan ng Agham
- Paaralan ng Agham Panlipunan
- Paaralan ng Pagbebeterinaryo
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "URAP - University Ranking by Academic Performance". Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-05-27. Nakuha noong 2016-12-11.
- ↑ "Universidad de la República (Udelar)".
34°54′09″S 56°10′36″W / 34.9025°S 56.1767°W Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.