Unibersidad ng Saarland

Ang Unibersidad ng Saarland (Ingles: Saarland University, Aleman: Universität des Saarlandes) ay isang modernong unibersidad sa pananaliksik na matatagpuan sa Saarbrücken, ang kabisera ng estado ng Saarland sa Alemanya. Ito ay itinatag noong 1948 sa Homburg sa pakikipagtulungan ng gobyernong Pranses at ito ay nakaayos sa anim na fakultad na sumasaklaw sa lahat ng mga pangunahing larangan. Ang unibersidad ay partikular na kilala sa pananaliksik at pag-aaral sa agham pangkompyuter, komputasyonal na lingguwistika at agham ng materyales.[1] Noong 2007, ang unibersidad ay kinilala sa buong Alemanya sa kahusayan nito sa agham pangkompyuter.

Mga sanggunian

baguhin
  1. CHE Ranking. "News of 06.05.2009 Results from the latest CHE University Ranking". Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-04-04. Nakuha noong 2009-05-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

49°15′20″N 7°02′30″E / 49.2556°N 7.0417°E / 49.2556; 7.0417   Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.