Unibersidad ng Sint Maarten

Ang University of St. Martin (USM) ay isang unibersidad sa Philipsburg, Sint Maarten, na itinatag noong 1989. Ang pagdadalubhasa nito ay sa hospitality programs kung saan inaalok ang Higher National Diploma na akreditado ng United Kingdom. Ang USM ay may 350 part-time at full-time na mag-aaral, at higit sa 500 alumni. Ang pangulo nito ay si Dr. Francio Guadeloupe.

Ang USM ay itinatag noong 1989 sa pamamagitan ni Dr. Albert Claudius Wathey at Ambassador Dr. Hushang Ansary bilang isang annex ng Johnson at Wales University sa Estados Unidos. Ang mga pasilidad nito ay nawasak ng Buhawing Lenny noong 1999, ngunit ang unibersidad ay itinayong muli. 

Edukasyon Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.