Unibersidad ng Tübingen
Ang Unibersidad ng Tübingen (Ingles: University of Tübingen, opisyal na Eberhard Karls University of Tübingen, Aleman: Eberhard Karls Universität Tübingen; Latin: Universitas Eberhardina Carolina), ay isang pampublikong unibersidad sa pananaliksik na Aleman na matatagpuan sa lungsod ng Tubingen, Baden-Württemberg. Ito ay isa sa mga pinakatanyag at pinakamatandang unibersidad sa Alemanya, at kilala sa mga larangan ng medisina, likas na agham, agham panlipunan, at humanidades. Bilang isang German Excellence University, ang Tübingen ay regular nararanggo bilang isa sa mga pinakamahusay na mga unibersidad sa Alemanya at lalong kilala bilang isang sentro para sa pag-aaral ng medisina, batas, at teolohiya. Ang unibersidad ay merong mga nagtapos kung saan nabibilang ang maraming pangulo, ministro, komisyoner ng EU, at mga hukom ng Federal Constitutional Court ng Alemanya.
Ang unibersidad ay nauugnay sa labing-isang Nobel laureates, lalo na sa larangan ng medisina at kimika.
48°31′30″N 9°03′32″E / 48.525°N 9.059°E Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.