Unibersidad ng Tartu

[[Talaksan:|thumb|Unibersidad ng Tartu 2021]] Ang Unibersidad ng Tartu (Estonyo: Tartu Ülikool, Latin: Universitas Tartuensis, Ingles: University of Tartu) ay isang klasikal na unibersidad sa lungsod ng Tartu, Estonia. Ito ay ang pambansang unibersidad ng Estonia.[1] Ang Unibersidad ng Tartu ay ang tanging mga klasikal na unibersidad sa bansa[2] at ang pinakamalaki[3] at pinakaprestihiyoso[4]. Ito ay itinatag ni Haring Gustavus Adolphus ng Sweden noong 1632.

Ang mga unibersidad noong 1860, sa panahon ng kanyang 'Golden Age'.
Ang Lumang Obserbatoryo ng Tartu Observatory ay nakumpleto noong 1810. Dito nagtrabaho si Georg Wilhelm Friedrich von Struve.
Ang Botanical Garden ay itinatag ni Gottfried Albrecht Germann noong 1803.

Niranggo ng QS World University Rankings ang University of Tartu bilang ika-347 sa mundo 2016, ang pinakamataas sa mga pamantasan sa rehiyong Baltiko.[5] Ang unibersidad ay ika-4 sa Emerging Europe and Central Asia region.[6] Ayon naman sa Times Higher Education World University Rankings, nasa ika-301-350 ranggo ang unibersidad.[7] Ito ay ang tanging unibersidad sa rehiyong Baltiko na nakabilang sa Top 200 na mga unibersidad sa Europa.[8] Ang UT ay kabilang sa Top 1% sa mundo ng "world's most cited universities" sa 10 erya ng pananaliksik.[9]

Ang mga makasaysayang gusali ng unibersidad ay kabilang sa listahan ng European Heritage Label bilang "sagisag ng mga ideya ng isang unibersidad sa Panahon ng Pagkamulat".[10]

Ang Unibersidad ng Tartu ay miyembro ng Coimbra Group at Utrecht Network.

Mga sanggunian

baguhin
  1. As stipulated by the § 2 (1) of the University of Tartu Act.
  2. About the University Naka-arkibo 2017-04-14 sa Wayback Machine. University of Tartu
  3. Study in Estonia topuniversities.com
  4. "Tartu ülikool hoiab Eestis kõige mainekama ülikooli tiitlit" Tartu Postimees.
  5. http://estonianworld.com/business/university-tartu-achieves-highest-position-world-rankings/
  6. "QS University Rankings: EECA 2015". Top Universities. Nakuha noong 2016-04-11.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. University of Tartu Times Higher Education World University Rankings
  8. Best universities in Europe 2016 Times Higher Education, March 10, 2016
  9. TartuUniversity (2017-01-02), University of Tartu - Get Inspired!, nakuha noong 2017-01-02{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Culture: Nine European historical sites now on the European Heritage Label list Naka-arkibo 2016-04-12 sa Wayback Machine. European Commission, February 8, 2016

58°22′52″N 26°43′13″E / 58.3811°N 26.7203°E / 58.3811; 26.7203