Unibersidad ng Timog Carolina
Ang University of South Carolina (kilala rin bilang USC, SC, South Carolina, o sa simpleng Carolina) ay isang pampubliko, ko-edukasyonal na unibersidad sa pananaliksik na matatagpuan sa Columbia, estado ng Timog Carolina, Estados Unidos, na may pitong satelayt na kampus. Ang mga kampus ay sumasaklaw sa higit sa 145 ektarya sa bayan ng Columbia. Ang Unibersidad ay ikinategorya ng Carnegie Foundation bilang nagtataglay ng "mataas na aktibidad ng pananaliksik" at may pakikipag-ugnayan sa komunidad.[1] Ito ay niranggo bilang isang "up-and-coming" na unibersidad sa ng US News & World Report,[2] at ang mga programa nitong undergradwado at gradwado sa Pandaigdigang Negosyo ay kabilang sa tatlong nangungunang mga programa sa bansa sa loob ng higit sa isang dekada.[3] Ito rin ay nagtataglay ng pinakamalaking koleksyon ni Robert Burns at ng panitikang Scottish sa labas ng Scotland,[4] at ang pinakamalaking koleksyon ni Ernest Hemingway sa buong mundo.[5]
Itinatag noong 1801 bilang South Carolina College, ang Unibersidad ay ang pangunahing institusyon ng Unibersidad ng South Carolina Sistema at nag-aalok ng higit pa sa 350 mga programa ng pag-aaral, mula batsilyer hanggang doktoral na antas, sa pamamagitan ng labing-apat na mga kolehiyo at paaralan. Ang Unibersidad ng South Carolina ay may kabuuang enrolment ng humigit-kumulang 50,000 mag-aaral, kung saan mahigit 30,000 ay matatagpuan sa pangunahing kampus sa Columbia, ayon sa datos ng 2015.[6] Ang USC meron ding ilang libong mag-aaral sa sa mga feeder program at kalapit na kolehiyong teknikal. Ang mga propesyonal na paaralan sa kampus sa Columbia ay kinabibilangan ng paaralan sa negosyo, inhinyeriya, batas, medisina, parmasya, at gawaing panlipunan.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Institutional Profile: University of South Carolina-Columbia". Carnegie Foundation for the Advancement of Teaching. Nakuha noong Nobyembre 1, 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Best Colleges 2010: Up-and-coming National Universities". U.S. News & World Report. 2009. Inarkibo mula sa orihinal noong Agosto 26, 2009. Nakuha noong Nobyembre 1, 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Highlights: Rankings". University of South Carolina. Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-10-12. Nakuha noong Nobyembre 1, 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Burns scholar Roy honored by University of Glasgow". University of South Carolina. Nakuha noong Disyembre 13, 2012.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Baity, Caroline (Setyembre 27, 2012). "After 2,000-piece acquisition, USC now has world's largest Hemingway collection". Daily Gamecock. Nakuha noong Oktubre 21, 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Preliminary Enrollment Report - Fall 2015". Ipr.sc.edu. Nakuha noong Agosto 14, 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)