Unibersidad ng Udine

Ang Unibersidad ng Udine (Italyano: Università degli Studi di Udine) ay isang unibersidad sa lungsod ng Udine, Italya . Itinatag ito noong 1978 bilang bahagi ng plano ng pagbuo muli ng rehiyon ng Friuli pagkatapos ng lindol noong 1976. Ang pakay nito ay upang mabigyan ang pamayanang Friulian ng isang independiyenteng sentro para sa abanteng pagsasanay sa mga pag-aaral sa kultura at agham. Ito ay isang mahalagang sentro para sa mga pag-aaral ng wikang Friulian.

Ang Unibersidad ay aktibong kasangkot sa mga proyekto ng pagpapalitan ng mag-aaral at kawani sa mga unibersidad sa loob ng Unyong Europeo, Australia at Canada, at kasalukuyang nakikipagtulungan sa ilang mga unibersidad mula sa Silangang Europa at iba pang mga bansa na hindi bahagi EU. Bukod dito, ang Unibersidad ay nakikilahok sa maraming mga proyekto ng pananaliksik sa pambansa at internasyonal na antas. Ang kasalukuyang bilang ng mga mag-aaral na nakatala sa Unibersidad ay tinatayang 17,000.