Unibersidad ng Vilnius
Ang Unibersidad ng Vilnius (Litwano: Vilniaus universitetas; Ingles: Vilnius University) ay ang pinakamatandang unibersidad sa mga estadong Baltiko at isa sa mga pinakamatanda sa Hilagang Europa. Ito ay ang pinakamalaking unibersidad sa Lithuania.
Ang unibersidad ay itinatag noong 1579 bilang ang Akademyang Heswita (Kolehiyo) ng Vilnius ni Grand Duke ng Lithuania at Hari ng Poland, Stephen Báthory. Ito ay ang ikatlong pinakamatandang unibersidad (pagkatapos ng Cracow Academy at ang Albertina, ang Unibersidad ng Königsberg) sa Polish-Lithuanian Commonwealth. Bilang resulta ng Ikatlong Pagkakabahagi ng Poland (1795) at ang Pag-aalsa ng Nobyembre (1830-1831), ang unibersidad ay sinarado at suspendido ang operasyon nito hanggang 1919. Matapos ang World War I, nabigo ang mga pagtatangkang itayo muli ang pamantasan ng bansang Lithuania (Disyembre 1918) at mananakop na pwersang Sobiyet (Marso 1919). Sa wakas, ito ay naitatag muli bilang Pamantasang Stefan Batory sa Poland (Agosto 1919), isang panahong nasundan ng isa pang pananakop ng pwersang Sobiyet noong 1920, at ng dalawang-taong Republika ng Gitnang Lithuania, na inilahok sa Poland noong 1922.
Ang kabuuan ng kampus ng Unibersidad ng Vilnius ay kumakatawan sa lahat ng mga pangunahing estilo ng arkitektura na nanaig sa Litwanya: Gotika, Renasimiyento, Baroque at Klasisismo.
54°40′57″N 25°17′14″E / 54.6825°N 25.2872°E Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.