Unibersidad ng Western Cape
Ang Unibersidad ng Western Cape (Ingles: University of the Western Cape, UDUBS) ay isang pampublikong unibersidad na matatagpuan sa suburb ng Bellville ng Cape Town, South Africa. Ang Unibersidad ay may kasaysayan ng malikhaing pakikibaka laban sa pang-aapi, diskriminasyon at disbentaha sa bansa. Gumaganap ito isang natatanging papel upang makabuo ng isang pantay na bansang South Africa. Itinatag ang Unibersidad noong 1960 ng gobyernong South Africa bilang isang unibersidad para sa mga may-kulay (coloured) lamang. Iba pang mga unibersidad na nasa erya ng Cape Town ay ang Unibersidad ng Cape Town, (UCT, orihinal na para sa mga puting nagsasalita ng Ingles) at ang Unibersidad ng Stellenbosch(orihinal na para sa mga puting nagsasalita ng Afrikaans). Ang pagtatatag ng UWC ay isang direktang epekto ng Extension of University Education Act, 1959. Bago matapos ang apartheid sa South Africa noong 1994, naging isang integrado at multi-lahi ang institusyong ito.
33°56′S 18°38′E / 33.93°S 18.63°E Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.