Ang unikornyo[1], batay sa mga alamat, ay isang uri ng kabayong may isang sungay sa noo na may balbas at paa ng kambing at buntot ng leon.[2] Tinatawag din itong monoseros.[3] Nagmula ang pangalang unikornyo sa pinagsamang mga salitang Latin na unus (isa) at cornu (sungay). Matutunghayan ang kathang-isip na hayop na ito sa maraming mga kuwento mula sa iba't ibang bahagi ng mundo. Karaniwang iniiugnay sa kapangyarihang mistiko ang dugo at sungay ng unikornyo, sapagkat pinaniniwalaang may kakayahang makapagpagaling ng mga sugat, karamdaman, at pagkalason ang sungay (tinatawag na alikornyo; mula sa Ingles na alicorn) nito.

Bagaman tinatawag ding monoseros ang unikornyo, may mga aklat sa Gitnang Kapanahunan o midyebal na panahon ang tumuturing na magkaibang uri ang mga ito. Kapag inihihiwalay sa unikornyo, nilalarawan ang monoseros bilang isang hayop na may ulo ng usa, katawan ng kabayo, mga paa ng elepante, buntot ng baboy, at nagiisang maitim na sungay. Sa Bibliya, bago maisalin patungong Vulgata, nilarawan o tinawag muna ang unikornyo bilang isang "mailap na toro."[1]

Sa paglalarawang pampanitikan, binanggit ni Marianna Mayer[4] (may-akda ng Si Kagandahan at ang Halimaw o Beauty and the Beast) sa kaniyang Ang Unikornyo at ang Lawa (o The Unicorn and the Lake) na "Ang unikornyo ay ang nagiisang kamanghamanghang hayop na tila hindi sumibol mula sa mga kinatatakutan ng tao. Maging sa mga pinakamaagang mga sanggunian siya ay mabangis ngunit may kabutihang-loob, hindi makasarili ngunit mapagisa, subalit palaging may kagandahang misteryoso. Madarakip lamang siya sa pamamagitan ng mga pamamamaraang hindi makatarungan, at sinasabing nakapagpapawalangbisa ng kamandag ang kaniyang nagiisang sungay."[2][5]

Sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 Abriol, Jose C. (2000). "Unicornio, pahina 910". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 The Legend of the Unicorn, Geocities.com
  3. Gaboy, Luciano L. Unicorn, monoseros - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  4. Beauty and the Beast : Student Activities and More for Your Lesson Plans: Marianna Mayer (may-akda ng aklat), Mercer Mayer (tagaguhit ng larawan), 1978 (petsa ng unang paglilimbag), Clarion (tagapaglathala) Naka-arkibo 2008-12-02 sa Wayback Machine., LiteraturePlace.com
  5. Salin mula sa Ingles na: "The unicorn is the only fabulous beast that does not seem to have been conceived out of human fears. In even the earliest references he is fierce yet good, selfless yet solitary, but always mysteriously beautiful. He could be captured only by unfair means, and his single horn was said to neutralize poison."