Ang unilateralismo ay isang doktrina o talatuntunan na kumakandili sa isang-panig na aksiyon. Ang ganitong uri ng aksiyon ay maaaring mauwi sa di-pagpansin ukol sa ibang mga panig, o pahayag ng isang pangako tungo sa direksiyon kung saan ang mga panig ay may matatagpuang kasiya-siya. Ang unilateralismo ay isang neolohismo, (ginagamit sa lahat ng mga bansa), kasalungat sa multilateralismo —ang doktrina na naninindigan ng mga kapakinabangan ng pagsasali mula sa kasindami ng mga panig sa mga bagay na maaari.

Ang dalawang magkasamang salita ay makakatukoy sa mga pagkakaiba sa patakarang panlabas na lumalapit sa mga problemang sabansaan. Kung ang kasunduan ng mga maramihang panig ay hinihiling nang walang takda —halimbawa sa susi ng kahulugan ng mga patakaran ng kalakalang sabansaan —mga kasunduang bilateral (kasangkot ng dalawang kalahok sa isang oras) ay karaniwang nahihirang ng mga maymungkahi ng unilateralismo.

Ang unilateralismo ay maaaring naisin nang higit sa mga hiling kung ang palagay nito ay pinakamabisang gumawa, halimbawa, sa mga isyu na kayang lutasin na walang pagkikiisa. Gayumpaman, ang pamahalaan ay maaaring may pinakamataas na pagpili ukol sa unilateralismo o multilateralismo, at, sa pagkakataon, magsikap upang maiwasan sa mga patakaran na hindi kayang maisakatuparan nang unilateral o mapamimilian upang itaguyod ang mga kalutasang multilateral sa mga suliranin na nakapaglutas na nang unilateral.

Karaniwan, ang mga pamahalaan ay maaaring makipagtalo na ang kanilang kahuli-hulihang o katamtamang-uri na hangarin ay nagsisisilbi sa pamamagitan ng pagpapatibay ng mga panukalang multilateral na panukala at mga institusyon, katulad sa maraming ulit ang kaso sa panahon ng Tugmaan ng Europa.

Wiktionary
Wiktionary
Tingnan ang Unilateralismo sa
Wiktionary, ang malayang talahulugan.

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.