Unique

(Idinirekta mula sa Unique (musikero))

Si Unique Torralba Salonga, kilala sa pangalang UNIQUE, (ipinanganak Abril 26, 2000) ay isang Pilipinong musikero, manunulat at mang-aawit. Sinimulan niya ang kanyang karera bilang ang mang-aawit at orihinal na frontman ng IV of Spades at pagkatapos ay nagpatuloy siya sa isang solo career.

Unique Salonga
Birth nameUnique Torralba Salonga
Kapanganakan (2000-04-26) Abril 26, 2000 (edad 21)
Maynila, Pilipinas
Mga genre
  • Pinoy rock
  • Psychedelic rock
  • Eksperimental
Trabaho
  • Musikero
  • Manunulat ng awitin
  • Direktor
Mga instrumento
  • Boses
  • Gitara
  • Keyboard/Synth
Mga taong aktibo2014–ngayon
Mga label
Mga associated actIV of Spades

KareraBaguhin

Frontman ng BandaBaguhin

2014–2018: IV of SpadesBaguhin

Noong Hunyo 2014, si Allan Silonga ay nagpasyang bumuo ng isang banda para sa kanyang anak na si Blaster, na siyang naging nangungunang gitarista ng banda. Nakayanan ng mga Silonga na i-recruit ang tambulerong si Badjao de Castro at basistang si Zild Benitez, na mga kaibigan ni Blaster. Si Unique Salonga, na noon ay nagsusulat na ng kanyang sariling musika, ay saka na-recruit na maging nangungunang mang-aawit ng banda.[1][2]

Pumirma ang IV of Spades sa isang record label at inilabas ang kanilang unang single na "Ilaw sa Daan" sa ilalim ng Warner Music Philippines.

Ang pangalawang single ng grupo, "Hey Barbara" ay inilabas noong Hulyo 9, 2017. Sinundan ito ng kanilang pangatlong single na "Where Have You Been My Disco?", na inilabas noong Disyembre 9, 2017, sa Youtube.

Noong 2018, inilabas ng nila ang ika-apat na single na pinangalanang "Mundo". Ito ang naging pinakasikat na single ng grupo sa Youtube. Umabot na sa higit 100 milyon ang kabuuang bilang ng views ng banda sa Youtube.

Napanalunan ng IV of Spades ang New Artist of the Year at ang MYX Bandarito Performance of the Year at nominado bilang Group of the Year sa taunang Myx Music Awards.[3] Napanalunan din ng banda ang Dreams Come True with Air Asia, ang paghahanap ng kompanyang-eroplano ng pinaka-mahuhusay sa rehiyon. Nakasamang magtanghal ng banda si David Foster bilang isa sa kanilang gantimpala.

Noong Mayo 4, Lumisan si Unique Salonga sa IV of Spades upang magpatuloy ng isang solo career.[4]

Solo CareerBaguhin

2018–ngayonBaguhin

Noong 2018, inilabas ni Salong ang kanyang debut single, Midnight Sky, sa ilalim ng label ng O/C Records ng VIVA. Sa parehong taon, inilabas ni Salonga ang kanyang debut album, Grandma, at ang kanyang unang solo concert ay ginanap noong Septyembre 29, 2018.[5]

2020 nang inilabas niya ang kanyang pangalawang album, 'PANGALAN:'[6][7]

DiskograpiyaBaguhin

Mga AlbumBaguhin

Pamagat Taon Sanggunian
Grandma 2018 [8]
PANGALAN: 2020 [9][10]

Mga SingleBaguhin

Pamagat Taon Album Sanggunian
Midnight Sky 2018 Grandma [11]
Cha-Ching! [12]
Sino 2019 [13]
Lamang Lupa PANGALAN: [14]
Bukod-Tangi [15]
Huwag Ka Sanang Magagalit 2020 [16]

kasama ang IV of Spades

Pamagat Taon Album
Ilaw Sa Daan 2016 Mga single na hindi naka-album
Hey Barbara 2017
Where Have You Been, My Disco
Mundo 2018

Mga PagkilalaBaguhin

Taon Gantimpala Kategorya Kapansin-pansing mga gawa Resulta Sang.
2019 32nd Awit Award Best Cover Art "Grandma" Nanalo [17][18]
14th Myx Music Awards Male Artist of the Year Unique Nominado
Rock Video of the Year "Cha-Ching!" Nominado
2020 5th Wish Music Awards Wish Rock/Alternative Song of the Year "Bukod-Tangi" Nominado [19][20]
15th Myx Music Awards Rock Video of the Year "Sino" Nominado
2021 6th Wish Music Awards Wishclusive Rock/Alternative Song of the Year "Sino" Nanalo [21]
Wish Rock/Alternative Song of the Year "Huwag Ka Sanang Magagalit" Nominado

SanggunianBaguhin

  1. Gloria, Gaby (Oktubre 21, 2017). "IV of Spades is ready to boogie". The Philippine Star. Youngstar. Tinago mula sa orihinal noong Marso 8, 2018. Nakuha noong Hunyo 12, 2018.
  2. Fernandez, Denise (Disyembre 1, 2017). "Here's why IV OF SPADES is about to become your new favorite band". Scout Magazine. Nakuha noong Hunyo 12, 2018.
  3. "The boys of IV of Spades get into the Myx | BusinessMirror". businessmirror.com.ph. Nakuha noong Abril 7, 2018.
  4. "IV of Spades vocalist Unique Salonga leaves band". news.abs-cbn.com. Nakuha noong Mayo 5, 2018.
  5. "Ticketnet Online". www.ticketnet.com.ph. Tinago mula sa orihinal noong Septiyembre 25, 2018. Nakuha noong September 25, 2018. Check date values in: |archive-date= (tulong)
  6. "LISTEN: Unique Salonga drops strange new album, 'Pangalan'". www.rappler.com. Nakuha noong Abril 13, 2020.
  7. "Unique Salonga unveils sophomore album Pangalan – listen". www.bandwagon.asia. Nakuha noong Abril 13, 2020.
  8. "Unique surprises fans with solo debut album Grandma". www.bandwagon.asia. Nakuha noong Agosto 13, 2018.
  9. "LISTEN: Unique Salonga drops strange new album, 'Pangalan'". www.rappler.com. Nakuha noong Abril 13, 2020.
  10. "Unique Salonga unveils sophomore album Pangalan – listen". www.bandwagon.asia. Nakuha noong Abril 13, 2020.
  11. Bandwagon (Hulyo 13, 2018). "Unique debuts somber solo single 'Midnight Sky' – watch". Nakuha noong Nobyembre 20, 2020.
  12. Bodegon, Kara (Setyembre 3, 2018). "Unique shows his darker side with self-directed 'Cha-Ching!' video – watch". Nakuha noong Nobyembre 20, 2020.
  13. Bodegon, Kara (Marso 19, 2019). "Behind the Lens: Unique's 'Sino' – watch". Nakuha noong Nobyembre 20, 2020.
  14. UDoU (Hulyo 8, 2019). "LATEST DROP: Lamang Lupa by Unique". Nakuha noong Nobyembre 20, 2020.
  15. Losa, Rogin (Agosto 16, 2019). "Fame is not what it seems in Unique's 'Bukod-Tangi'". Nakuha noong Nobyembre 20, 2020.
  16. "Unique Salonga drops new music video for 'Huwag Ka Sanang Magagalit' - watch". Unique Salonga drops new music video for 'Huwag Ka Sanang Magagalit' - watch | Bandwagon | Music media championing and spotlighting music in Asia. (sa wikang Ingles). Nobyembre 20, 2020. Nakuha noong Nobyembre 20, 2020.
  17. "Awit Awards 2019: Full list of nominees". ABS-CBN News. Hulyo 23, 2019. Nakuha noong Setyembre 18, 2019.
  18. "FULL LIST: Winners, Awit Awards 2019". Rappler. Oktubre 11, 2019. Nakuha noong Oktubre 12, 2019.
  19. "COMPLETE LIST: 5th Wish 107.5 Music Awards Nominees". Wish 107.5. Disyembre 14, 2019. Nakuha noong Enero 20, 2020.
  20. "5th Wish 107.5 Music Awards: Complete List of Winners". Wish 107.5. Enero 19, 2020. Nakuha noong Enero 20, 2020.
  21. "The 2021 Wish 107.5 Music Awards: Official List of Nominees". Wish 107.5. Nakuha noong Nobyembre 22, 2020.

Panlabas na Link o EnlaseBaguhin