Si David Walter Foster, OC, OBC (Nobyembre 1, 1949), ay isang Canadian na musikero, record producer, kompositor, mang-aawit, manunulat ng kanta at arranger.[1] Siya ang naging producer ng mga matagumpay na artist gaya nina Bryan Adams, Christina Aguilera, Air Supply, All-4-One, The Bee Gees, Andrea Bocelli, Boz Scaggs, Toni Braxton, Michael Bublé, Mariah Carey, Charice, Cher, Chicago, Destiny's Child, The Corrs, Neil Diamond, Céline Dion, Earth Wind and Fire, Sheena Easton, Gloria Estefan, Jackie Evancho, Josh Groban, Hall & Oates, Keith Harkin, Whitney Houston, Janet Jackson, Michael Jackson, Katherine Jenkins, Chaka Khan, Beyoncé Knowles, Kenny Loggins, Jennifer Lopez, Madonna, Misia, Olivia Newton-John, Brandy Norwood, Nsync, Prince, LeAnn Rimes, Kenny Rogers, Seal, Rod Stewart, Barbra Streisand, Donna Summer, Tamia, The Tubes, Shania Twain, at Yuna. Si Foster ay nagwagi ng 16 Grammy Awards mula sa 47 nominasyon. Si Foster ang kasaulukuyang Chairman ng Verve Music Group.[2]

David Foster
Foster at a ceremony to receive a star on the Hollywood Walk of Fame in May 2013
Foster at a ceremony to receive a star on the Hollywood Walk of Fame in May 2013
Kabatiran
Pangalan noong ipinanganakDavid Walter Foster
Kapanganakan (1949-11-01) 1 Nobyembre 1949 (edad 75)
Victoria, British Columbia, Canada
GenrePop, pop rock, classical, gospel, R&B
TrabahoMusic executive, record producer, musician, composer, songwriter, arranger
InstrumentoPiano, keyboards, French horn, synthesizer
Taong aktibo1971–present
LabelVerve, Reprise, 143, Atlantic
Websitedavidfoster.com

Talambuhay

baguhin

Si Foster ang keyboardist ng grupong pop na Skylark, na natuklasan ni Eirik Wangberg. Ang kanta ng bandang "Wildflower", ay isang top ten hit noong 1973. Kasama ni Jay Graydon, binuo niya ang bandang Airplay. Noong 1975, nagpatugtog siya sa album ni George Harrison na Extra Texture. Sa 1980 Boz Scaggs album 'Middle Man' ay kapwa sumulat si Foster ng kanta at nagpatugtog ng keyboard sa ilang pinakamatagumpay nilang mga kanta kabilang ang "Breakdown Dead Ahead", "Jojo" at "Simone". Noong 1985, sinulat ni Foster ang score ng pelikulang St. Elmo's Fire kabilang ang instrumental na "Love Theme from St. Elmo's Fire" na naging No. 15 sa US pop charts.Sumulat rin siya ng mga score sa pelikulang kabilang ang Michael J. Fox comedy The Secret of My Success (1987). Siya ay nagcollaborate sa kanyang dating asawang si Linda Thompson sa pagsulat ng kantang I Have Nothing ni Whitney Houston sa 1992 pelikulang The Bodyguard. Sinulat ni Foster ang theme song ng 1988 Winter Olympics sa Calgary, Alberta na "Winter Games" na naging soundtrack para sa mga palabas ng fountain sa Bellagio resort sa Las Vegas at Sea World Orlando sa Florida. Noong 1995, siya ay lumagda ng isang kasunduan sa Warner Brothers na pumayag sakanyang magtayo ng kanyang sariling boutique label, 143 Records, bilang isang magkasamang venture sa Warner. Ang isa sa mga unang nilagda ng label ang Irish folk-rock band, The Corrs kung saan siya naging producer ng kanilang debut album. Noong 1997, ibinenta ni Foster ang kanyang label sa Warner at naging senior vice-president sa korporasyon. Sinulat ni Foster, kasama ni Kenneth "Babyface" Edmonds ang "The Power of the Dream" na opisyal na kanta ng 1996 Summer Olympics. na kinanta ni Celine Dion. Si Foster ay nagproduce ng mga major-label debut album para kina Josh Groban (2001), Michael Bublé (2003), Renee Olstead (2004), at Charice Pempengco (2010) na inilabas sa ilalim ng kanyang 143 Records. Sinulat ni Foster at kanyang anak na si Amy Foster-Gillies at kanta ni Beyonce na "Stand Up For Love" bilang anthem ng World Children's Day. Noong Disyembre 15, 2011, kinumpirma na si Foster ang magiging Chairman ng Verve Music Group. Si Foster ang nagproduce ng ika-14 studio album ni Andrea Bocelli na Passione na inilabas noong Enero 2013.

Diskograpiya

baguhin
  • 1972: Skylark (self-titled)
  • 1974: 2 Skylark
  • 1976: Attitudes (self-titled)
  • 1977: Good News Attitudes
  • 1980: Airplay (self-titled)
  • 1983: The Best of Me
  • 1986: David Foster (self-titled)
  • 1988: The Symphony Sessions
  • 1989: Time Passing
  • 1990: River of Love
  • 1991: Rechordings
  • 1993: The Christmas Album
  • 1994: Love Lights The World
  • 2008: Hit Man: David Foster & Friends
  • 2011: Hit Man Returns: David Foster & Friends

Mga Single

baguhin
  • 1985: "Love Theme From St. Elmo's Fire (For Just a Moment)" (US #15)
  • 1986: "The Best of Me" (Duet with Olivia Newton-John) (US #80)
  • 1988: "Winter Games (Can't You Feel It)" - Official theme song for the Calgary 1988 Winter Olympics (US #85)
  • 2001: O Canada (with Lara Fabian)
  • 2003: Teko’s Theme - with Nita Whitaker

Mga Compilation

baguhin
  • 1992: A Touch Of David Foster
  • 2000: The Best Of Me: A Collection of David Foster’s Greatest Works
  • 2002: Love Stories
  • 2010: The Magic of David Foster & Friends
  • 2012: The Best of Celine Dion & David Foster[3]

sanggunian

baguhin
  1. "David Foster Current Biography at Executive Visions". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-02-28. Nakuha noong 2014-01-23.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "David Foster Named Chairman of Verve Music Group"
  3. "Sony Music Releases 'The Best Of Celine Dion And David Foster'", music.broadwayworld.com, October 25, 2012