Unibersidad ng Oklahoma
Ang Unibersidad ng Oklahoma o OU (Ingles: University of Oklahoma) ay isang koedukasyonal na pampublikong unibersidad sa pananaliksik na matatagpuan sa Norman, estado ng Oklahoma, sa Estados Unidos. Itinatag noong 1890, ito ay umiral sa Teritoryong Oklahoma malapit sa Teritoryong Indian sa loob ng 17 taon bago ang dalawa ay nagsanib upang naging ang estado ng Oklahoma. Sa Taglagas ng 2015, ang unibersidad ay may 30,824 mag-aaral na naka-enroll,[1] kung saan karamihan ay nasa kanyang pangunahing kampus sa Norman. Nag-eempleyo ng halos 3,000 miyembro ng fakultad,[2] ang mga paaralan ay nag-aalok 152 programang batsilyer, 160 programang masteral, 75 programang doktoral, at 20 meyjor sa unang antas propesyonal.[3][4]
Akademikong profile
baguhinAng Unibersidad ay isang malaking residensyal at, pampananaliksik na unibersidad.[5] Ang unibersidad ay binubuo ng labinlimang kolehiyo, kabilang ang 152 meyjor[3] tulad ng abyasyon,[6] meteorolohiya, heolohiya, inhinyeryang pampetrolyo, pamamahala ng enerhiya, arkitektura, batas, gamot, pag-aaral ng mga katutubong Amerikano, wika ng Katutubong Amerikano (e.g. Cherokee, Choctaw, Muscogee Creek, Kiowa), kasaysayan ng agham, at sayaw.[7] Ang unibersidad ay may isang mataas na enrolment sa apat na taong mga programang full-time sa antas undergradwado.[5] Habang ang dalawang pangunahing mga campus ay matatagpuan sa Norman at Oklahoma City, meron ding mga kaakibat na mga programang hinahain sa Tulsa na may layong palawakin ang pag-akses ng mga mag-aaral sa silangang Oklahoma. Ang ilan sa mga programa sa Tulsa ay kinabibilangan ng: gamot, parmasya, pagnanars, kalusugang pampubliko, alyadong kalusugan at liberal na mga sining.[8]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "University of Oklahoma, Norman Campus—Enrollment Summary Report—Fall 2015" Naka-arkibo 2016-08-23 sa Wayback Machine. (PDF).
- ↑ "Employees by Campus, Fall 2003–2007". 2008 OU Factbook.
- ↑ 3.0 3.1 "OU Facts".
- ↑ As of 2006-11-15 per source.
- ↑ 5.0 5.1 "University of Oklahoma Norman Campus".
- ↑ "Dept. of Aviation at UO Norman".
- ↑ "Native American Language Program".
- ↑ "University of Oklahoma – Tulsa".