Usapan:Anak (pelikula)

Si Josie (Vilma Santos) ay isang OFW na nagtatrabaho sa Hong Kong bilang isang domestic helper ginawa niya ito upang makapagpadala ng pera para sa mga anak niya upang matustusan ang kanilang pangangailangan at para mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang mga anak bagama't siya'y malayo sa kanila tiniis niya ang mga pasakit ng kanyang amo at ng kanyang pagnanais na makasama ang kanyang mga anak sa kanilang paglaki.

Nagsimula sa isang masayang mag-anak, nagkawatak-watak ang buhay ng mag-anak ni Josie nang yumao ang kanyang minamahal sa asawa na si Rudy na kasama sa kaniyang mga anak sa kanilang buhay ng wala si Josie, si Rudy ay isang mapagmahal na ama ngunit hindi siya isang mabuting taga suporta sa kanilang pamilya kung pera ang pag-uusapan dahil masakitin ito.Dito nagsimulang magsuklam si Carla sa kaniyang ina.Nagpadala siya ng sulat sa inang nasa Hong Kong upang malaman ang nangyari at nang siya'y umuwi dahil kailangan siya ng kanyang mga anak sa pangungulila sa ama. Gayunpaman, hindi nabasa ni Josie ang sulat dahil siya ay ikinulong siya ng kanyang amo sa loob ng kanilang bahay ng isang buwan. Nabasa ni Josie ang sulat pagkaraan ng isang buwan, ngunit hindi pa rin niya pinayagan ng kanyang amo kahit na magmakaawa pa siya. Pagkaraan ng isang taon , umuwi rin si Josie. Nagawa niyan ito dahil tigil na ang kanyang trabaho sa Hong Kong. Nagnanais siyang magtayo ng isang negosyo na kasosyo ang kanyang dalawang kaibigan na sina Mercy at Lyn .Namuhunan sila ng taksi para ipasada sa kalsada.Masaya ang pagbalik pagkaraan ng anim na taong pangungulila. Gayunpaman, naharap niya matabang pasalubong ng anak. Si Daday,ang bunso, ay hindi siya kilala. Si Michael ay walang kimi at mahiyain at si Carla, ang panganay na hindi man lang ginagalang ang ina at iniitsepwera lamang niya ito.

Naramdaman ni Josie na siya ay parang ibang tao sa kanyang sariling pamilya Ninais ni Josie na makuha ang simpatiya ng mga anak sa pamamagitan ng mga pasalubong. Hindi ito tinanggap ni Carla. Sa pagdaan ng panahon, unti-unti nakikita ni Josie ang mga bisyo at karanasan ni Carla, paninigarilyo, tattoo, paghihithit ng droga, panlalalake at paglalaglag ng bata. Dagdag pa dito ang pagkawala ng iskolarship ni Michael na siya pa namang pinakamatalino sa kanyang mga anak. Nabangga pa ang taksing pinundar ni Josie at iniwan siya ng isa sa mga kasosyo niya dahil nagastos niya ang perang ibabahagi sana niya. Sa sunud-sunod na problema ni Josie, gusto na sana niyang sumuko. Pinagtatabuyan siya ni Carla. Lumala pa ang alitan ng lumayas si Carla sa bahay at lalong nalulong sa kanyang bisyo. Nang mawala ang iskolarship ni Michael, nagsimula ng mag-init ang ulo ni Josie dahil ang dami na ng kanyang binabayaran. Dahil dito, napahiya sa Michael sa mga pangarap na gusto ng ina niya sa kanya. Lumayas din si Michael. Nagtuluy-tuloy ang kamalasan ni Josie kasabay ng pagkaunti ng kanyang inimpok na salapi para sa kanyang pamilya. Dahil dito, napilitan siyang magbalik sa Hongkong. Isang gabi bago siya babalik sa Hong Kong, napuno si Josie sa pagtrato sa kanya ni Carla. Malaki ang alitan ng dalawa hanggang sa binuhos niya ang lahat lahat ng kanyang nararamdaman sa mga anak. Sa oras na ito, namulat ang mga mata ni Carla sa katotohanang siya ang sumira sa buhay niya at wala na siyang mapagbabalingan ng sisi kundi ang sarili nya dahil sa pagpapalalo niya sa kanyang bisyo. Ang kanyang paglaki ng walang inang gumagabay sa kanyang tabi ang nagtaboy sa kaniya para magrebelde ngunit sa kanilang alitang iyon. Naintindihan rin ni Carla ang pagmamahal ni Josie sa kanila bagama't malayo siya sa kanilang tabi.

Magsimula ng usapan tungkol sa pahinang "Anak (pelikula)"

Magsimula ng isang usapan
Return to "Anak (pelikula)" page.