Anak (pelikula)

pelikula

Ang Anak ay isang pelikula noong 2000 na handog ng Star Cinema para sa mga OFW (Overseas Filipino Workers) sa iba't ibang dako ng mundo. Sa natatanging pelikula na ito na sumikat sa takilya at kumita ng mahigit 110 milyon piso ay pinagbibidahan nina Vilma Santos at Claudine Baretto. Noong 2000, ang pelikulang ito ang pinakatanyag na pelikula sa kasaysayan ng pelikula sa industriyang Pilipino dahil sa laki ng binatak nito sa takilya.

Anak
DirektorRory B. Quintos
PrinodyusMalou N. Santos
Charo Santos-Concio
SumulatRicardo Alfonso Lee
Raymond Antonino Lee
Itinatampok sinaVilma Santos
Claudine Barretto
MusikaJessie Lasaten
SinematograpiyaJoe Batac
In-edit niGeorge Jarlego
TagapamahagiStar Cinema Productions
Inilabas noong
10 Mayo 2000
BansaPilipinas
WikaTagalog

Buod ng kuwento

baguhin

Ang istorya ay tungkol kay Josie (Vilma Santos), isang ina na nagtatrabaho sa Hong Kong bilang domestic worker. Ginawa niya ito upang makapagpadala ng pera sa mga anak niya upang matustusan ang kanilang pangangailangan. Binanggit niya na ginagawa niya ito para mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang mga anak. Bagama't siya ay malayo sa kanila, tiniis nya ang mga pasakit ng kanyang amo at ang kanyang pagnanais na makasama ang kanyang mga anak sa kanilang paglaki.

Pagkaraan ng ilang taon ay nakauwi na rin siya dahil sa pagpapasyang hindi na pagtatrabaho sa Hong Kong at siya ay magnenegosyo na lamang. Sa kanyang pagbabalik, hinarap niya ang matabang na pagsalubong ng mga anak. Si Daday (Sheila Mae Alvero), ang bunso, ay hindi siya kilala, si Michael (Baron Geisler) ay mahiyain at walang kimi at si Carla (Claudine Barretto), na hindi man lang siya ginagalang at iniitsa-pwera lamang. Lahat ng hirap ay tiniis niya upang makuha man lamang ang atensiyon ng mga anak at sa mga araw na lumilipas ay nakikilala niya ang kanyang mga anak. Nakita niya ang mga bisyo at karanasan ni Carla ang pag-aaral, paninigarilyo, paglalagay ng tattoo, paghihithit ng rugby, panlalalake at paglalaglag ng bata. At marami pang problema ang kanyang kinaharap, ang pagkawala ng iskolarship ni Michael na siya pa namang pinakamatalino sa kanyang mga anak, iniwan siya ng isa sa mga kasosyo niya dahil nagastos nito ang perang ibabahagi sana niya.

Si Josie ay nagkaroon ng maraming pagkukulang. Isa siyang masamang ehemplo katulad ng anak niyang si Carla. Ang kanyang paglaki ng walang inang gumagabay sa kanyang tabi ang nagtaboy sa kaniya para magrebelde, ngunit sa kanilang alitang iyon, naintindihan rin ni Carla ang pagmamahal ni Josie sa kanila bagama't malayo siya sa kanilang tabi. At mula sa pangyayaring iyon ay nagbalik-loob si Carla sa kanyang ina at nagpakatino na siya bilang anak at nakatatandang kapatid na siyang gagabay sa mga bata niyang kapatid sa muling pag-alis ng ina.

Mga tauhan at katauhan

baguhin

Mga parangal

baguhin
  • Ika-19 na FAP Awards
    • Pinakamahusay na Sumusuportang Aktres (Best Supporting Actress): Claudine Barretto
    • Pinakamuhusay na Pagsulat ng Iskript (Best Screenplay): Ricky Lee
  • Ika-17 Star Awards
    • Pinakamahusay na Aktres (Best Actress): Vilma Santos
    • Ikatlong Gawad Sining Sine (PASADO Awards)
    • Pinakamahusay na Pelikula (Best Picture)
  • The Catholic Mass Media Awards
    • Pinakamahusay na Pelikula (Best Film)

Ito rin ang napili ng mga opisyales ng pelikula sa Pilipinas para isali sa Academy Awards sa Estados Unidos para sa kategorya ng Best Foreign Film. Gayunpaman, hindi ito napili porn sa nominasyon.

Kawing panlabas

baguhin