Si Jose Rizalino Torre (ipinanganak noong 19 Hunyo 1961), na mas kilala bilang Joel Torre, ay isang Pilipinong aktor/artista, direktor at prodyuser ng pelikula. Kahanga-hanga ang kanyang galing sa pag-arte na mapapanood sa mga sine nina Lino Brocka (Gumising Ka Maruja), Peque Gallaga (Oro, Plata, Mata), Lav Diaz (Batang West Side) at Mike De Leon (Bayaning 3rd World). Kilala rin siya bilang prodyuser nang ilang mga pelikula, tulad ng Amigo ni John Sayle, at Ang Beerhouse ni Jon Red. Ilang beses na siyang binigyang dangal para sa kanyang pag-arte. Ginawaran siya ng Philippine Movie Press Club para sa kanyang paglabas sa Unfaithful Wife, at ng FAMAS para sa Mumbaki. Nakatanggap siya ng tatlong Gawad Urian para sa Oro, Plata, Mata, Batang West Side at Bayaning 3rd World. Tinanggap niya ang gantimpalang Best Actor para sa paglabas niya sa Batang West Side noong 2001 Cinemanila International Film Festival, at sa On the Job ni Erik Matti mula sa ika-17 Puchon International Fantastic Film Festival Naka-arkibo 2011-10-01 sa Wayback Machine. sa South Korea.[1] Siya rin ang may-ari ng JT's Manukan Grille, na kilala dahil sa kanilang handang Bacolod inasal.

Joel Torre
Kapanganakan
Jose Rizalino Torre

(1961-06-19) 19 Hunyo 1961 (edad 63)
NasyonalidadFilipino
EdukasyonUnibersidad ng Sn. La Salle
TrabahoAktor/artista, direktor, prodyuser, negosyante
Aktibong taon1978–kasalukuyan
AsawaChristy Azcona (1990–kasalukuyan)
Anak2

Kabataan

baguhin

Ipinanganak si Torre sa dantaong kaarawan ni Jose Rizal, at dahil dito pinangalanan siyang Jose Rizalino ng kanyang mga magulang. Sa Bacolod nagkaisip, lumaki at nagtapos ng pag-aaral si Torre. Kumuha siya ng mga kursong Marketing at Mass Communication sa Unibersidad ng Sn. La Salle, na nabibilang sa mga pinakabantog na pamantasanan sa dakong Visayas.[2]

Nagsimula ang kaniyang karera sa pag-arte sa entablado noong bakasyong tag-init ng 1969, nang pinilit siya ng kaniyang ate na sumali sa isang palabas. Nagkataon na napanood ni Peque Gallaga ang kaniyang unang pagpapalabas at labis niyang nagustuhan ito. Sinali siya ni Gallaga sa lahat ng kanyang palabas hanggang makapasok si Torre ng unibersidad. Sa kanyang pagtapos sa pamantasan, sumulat si Torre kay Gallaga upang magprisinta para makakuha ng trabaho. Lumuwas siya sa Maynila para maging production assistant sa Champoy, isang palabas sa telebisyon nung dekada '80.[3]

Karera sa pelikula

baguhin

Ang opisyal na unang sine na sinalihan ni Torre ay ang Gumising Ka, Maruja, na isinapelikula sa Bacolod noong 1979, at kung saan si Gallaga ang (performing_arts)#Casting_director casting director. Ngunit ani Torre, kasali rin siya sa isang 8mm pelikulang amatyur na ginawa ni Gallaga nung si Torre ay 8- o 9-taong gulang at estudyante palang. Sumunod sa Maruja ang paglabas ni Torre sa Pabling, isang pelikula ni Ishmael Bernal na itinanghal noong 1981.[3]

Ngunit ang tuluyang tumulak sa kanyang karera ay ang pagganap niya bilang bida sa pelikulang Oro, Plata, Mata ni Gallaga noong 1982. Lalong nakilala si Joel dahil sa kanyang kagalingan sa pag-arte, at umani ang pelikula ng pinakamataas na gantimpala sa Metro Manila Film Festival, Best Director sa Belgium Film Festival, at Best Screenplay sa Hong Kong Film Festival. Ito ang naging hudyat sa patuloy na pag-usbong ng kanyang karera. Sa kasalukuyan, halos hindi na mabilang ang mga pelikula at teleseryeng nagawa na ni Torre.[2]

Bilang negosyante

baguhin

Alam ni Torre na ang kasikatan sa industriya ng showbiz ay hindi permanente at walang katiyakan, kung kaya’t pinasok na rin niya ang pagnenegosyo. Itinayo niya ang JT's Manukan Grille kung saan ang specialty ay Chicken Inasal na pagkaing sikat sa Bacolod. May pitong sangay ang kanyang kainan sa iba't ibang lugar sa Metro Manila at Tagaytay City.

Bilang taga-ingat ng likas-yaman

baguhin

Si Torre ay isang anti-coal (uling) advocate, Greenpeace volunteer at tagapagsalita ng Department of Environment and Natural Resources (DENR). Sinusuportahan niya ang ilan sa mga programang pang-kalikasan tulad ng Green Highways Philippines Naka-arkibo 2012-06-04 sa Wayback Machine. ng DENR, kung saan sila ay nagtatanim ng mahigit isang milyong mga puno. Ilang taon na rin siyang kasali sa Greenpeace Climate and Energy Campaign Naka-arkibo 2013-09-11 sa Wayback Machine., na sinusulong ang paggamit ng mga energy na malinis at madaling mapanariwa (renewable) para mapigilan ang climate change. Tagapagsalita rin si Torre ng Greenpeace Flagship Rainbow Warriors sa Bacolod, kung saan nanawagan siya sa kanyang mga kababayan para itigil paggamit ng uling at isulong ang paggamit ng energy na madaling mapanariwa sa Negros Occidental.

Mga pelikula

baguhin

Ang listahan ng mga pelikula ni Torre ay galing sa kanyang pahina sa IMDB.

Taon Titulo Papel Istudyo
2024 Lolo and the Kid Lolo Mario Lonewolf Films, Netflix
2013 The Diplomat Hotel Quantum Films
2013 Juana C. The Movie
2013 On the Job Mario 'Tatang' Maghari Star Cinema/Reality Entertainment
2012 Mariposa: Sa Hawla ng Gabi Cinema One Originals/Strawdogs Studio Production
2012 Huling Biyahe Kasamahan 2 / Direk Joe Film Development Council of the Philippines
2012 A Secret Affair Jimmy
2012 Pridyider (Fridge) Mr. Benitez Regal Entertainment
2012 Just One Summer GMA Films
2012 The Bourne Legacy Citrus Samaritan Universal Pictures/Relativity Media/The Kennedy-Marshall Company/Captivate Entertainment/Dentsu
2012 The Healing Melchor Star Cinema
2012 Kamera Obskura Pelipula Productions/Cinemalaya/Filmex
2012 Captive Swift Productions/arte France Cinéma/Centerstage Productions/B.A. Produktion/Studio Eight Productions/Films Distribution/Appaloosa Unlimited/Canal+/Arte France
2011 Siglo ng Pagluluwal (Century of Birthing) Sine Olivia
2011 Pulutan Man Revolver Studios
2011 Paglipad ng Anghel (Flight of an Angel) Buruka Films
2011 Subject: I Love You Marlon Radiant Studios
2011 Deep Gold Ranulfo Bigfoot Entertainment
2010 In Your Eyes Dr. Samuel Olfindo Viva Films/GMA Films
2010 Amigo Rafael Anarchist's Convention Films
2009 Sabungero Paco Dalawang Tuka Productions
2009 Surviving Evil Joey Valencia Focus Films/Anton Ernst Entertainment/uFilm/Entertainment Motion Pictures
2008 Baler Commandante Teodorico Luna Novicio Bida Productions
2008 Affliction Dulpo
2008 Namets! Caveman 7th Films
2008 Ploning Mayor Siloy Panoramanila Pictures
2007 Green Paradise Ronaldo New City Entertainment
2007 Ataul: For Rent (Casket For Hire) Guido/Guidote Alejo Artiste Entertainment Works International
2007 Sapi (Possessed) Win Asia Pictures
2007 Baliw Pablo Fernandez Redd5Luke Productions
2007 The Promise Gustin GMA Films
2006 Umaaraw, Umuulan Paolo's Dad Heaven's Best Productions
2006 Ina, Anak, Pamilya Smart Communications
2005 Hari ng Sablay: Isang Tama, Sampung Mali Rodel Regal Entertainment
2005 Sa Ilalim ng Cogon (Beneath the Cogon) Dr. Karl Augusto DuduyPlus Company/Modern Films Production
2005 Rigodon Dante First Quarter Storm Productions
2005 Say That You Love Me Gabriel MAQ Productions
2005 Camiling Story Indios Bravos
2005 Lasponggols Cinemalaya/Filipino Pictures/Pangknotdeaths Productions/Core 24/Redmace Post
2005 Pinoy/Blonde Unitel Pictures
2005 Boso Imbestigador 1 Digital Viva/Pelipula Productions
2005 Cut Pelipula Productions
2005 Ang Anak ni Brocka Cinema One Originals/Filipino Pictures/Pangknotdeaths Productions/This is the house that Juan Built
2004 Aninag Father
2004 Panaghóy sa subâ: The Call of the River Damian CM Films
2004 Lastikman Viva Films
2004 Evolution of a Filipino Family Mayor Sine Olivia/Paul Tañedo Inc./Ebolusyon Productions
2004 Kuya Jill's Pa Regal Entertainment
2003 Chavit Sotero Golden Lions Films/Starmax International/Velcor Films/All Scope Cinema
2003 My First Romance Dante (Segment: "Two Hearts") Star Cinema
2003 Abong: Small Home Lamot
2003 First Time Furball/Viva Films
2003 Sanib Armando Regal Films
2003 Ang Kapitbahay Nicanor Imus Productions
2002 Singsing Ni Lola Fidel Regal Entertainment
2002 Pakisabi Na Lang... Mahal Ko Siya Melencio Regal Entertainment
2002 Utang ni Tatang Mike World Arts Cinema
2001 Taxi ni Pilo Pilo Star Cinema
2001 Batang West Side Hinabing Pangorap/Jimon Productions
2000 Spirit Warriors Roman MAQ Productions/Roadrunner Network
2000 Tanging Yaman Francis Star Cinema
2000 Anak Rudy Star Cinema
1999 Bayaning Third World José Rizal Cinema Artists Philippines
1999 Still Lives Cop-Narrator Pelipula Productions
1999 Esperanza: The Movie Raul Star Cinema
1999 Kiss Mo 'Ko Bart Mallari
1999 Hubad Sa Ilalim ng Buwan Lauro Paharon Good Harvest Productions
1999 Seventeen Emong Good Harvest Productions/Regal Films
1998 José Rizal Crisostomo Ibarra/Simoun GMA Films
1998 Berdugo Jimmy Seiko Films/RS Productions
1997 Wala Na Bang Pag-Ibig? Viva Films
1997 Ilaban Mo, Bayan Ko: The Obet Pagdanganan story Obet Pagdanganan
1997 Maalaala Mo Kaya
1997 Puerto Princesa Seiko Films
1997 Tirad Pass: The Story of Gen. Gregorio del Pilar Emilio Aguinaldo
1997 Nakaw na Sandali Edward Romualdo MAQ Productions
1997 Milagros Merdeka Films
1997 DNA (Video) Taka Interlight
1996 Nasaan Ka Nang Kailangan Kita Bobby MAQ Productions
1996 Mumbaki Dr. Felix Lorenzo Neo Films/Johns Hopkins University
1996 Ipaglaban Mo: The Movie Star Cinema
1996 Sana Naman Pilo MAQ Productions/Kaizz Ventures
1995 Rollerboys Ernest Regal Films
1995 Bocaue Pagoda Tragedy Fr. Joe Seiko Films
1995 The Lilian Velez Story: Till Death Do Us Part Joe Climaco Viva Films/Golden Lions Films
1995 Eskapo Jorge Cabardo Star Cinema
1995 Asian Cop: High Voltage Edu's partner Movie Master International Film
1995 Victim No. 1: Delia Maga (Jesus, Pray for Us!) Conrado Maga Regal Films/Golden Lions Films
1994 Tunay Na Magkaibigan, Walang Iwanan... Peksman M-Zet Productions/Moviestars Production
1994 Lipa 'Arandia' Massacre: Lord, Deliver Us from Evil Ronald Arandia Viva Films/Golden Lion Films Productions
1993 Leonardo Delos Reyes: Alyas Waway Tasan Moviestars Production
1993 Pandoy: Alalay ng Panday Redentor Moviestars Production
1993 The Myrna Diones Story (Lord, Have Mercy!) Regal Films/Golden Lions Films
1993 Maricris Sioson: Japayuki Regal Films
1992 Noli Me Tangere (TV movie) Crisostomo Ibarra
1991 Shake Rattle & Roll III Milton (Segment: "Ate") Good Harvest Unlimited
1991 McBain Chauffeur Marble Hall/Shapiro-Glickenhaus Entertainment
1991 Matud nila Bisaya Films
1990 Machete: Istatwang Buhay Eddie Boy Seiko Films
1990 Mana Sa Ina
1990 Kunin Mo Ang Ulo ni Ismael Seiko Films
1990 Kasalanan Ang Buhayin Ka Seiko Films
1989 Magkano Ang Iyong Dangal? Larry Seiko Films
1989 First Lesson Red Horse Films
1989 Comfort Women: A Cry for Justice Alyssa Films
1989 Mahirap Ang Magmahal Seiko Films
1989 Anak Ng Demonyo Padre Damian Seiko Films
1988 Arturo Lualhati Gold Crown Films
1988 Isusumbong Kita Sa Diyos Seiko Films
1988 Hiwaga sa Balete Drive Seiko Films
1987 Olongapo... The Great American Dream Joel The Asian American Film Institute
1987 Susuko Ba Ako, Inay? Golden Lions Films
1987 Once Upon a Time Bakal Regal Films
1986 I Love You Mama, I Love You Papa Gilbert Regal Films
1986 The Graduates Regal Films
1986 Unfaithful Wife Fidel Regal Films
1986 Bagong Hari CineVentures
1986 Bilanggo Sa Dilim Lito/Eddie Solid Video
1985 Isla Sonny Experimental Cinema of the Philippines/Viva Films
1985 Bituing Walang Ningning Garry Diaz Viva Films
1985 Bed Sins Seiko Films
1984 Shake, Rattle & Roll Johnny/Juanito (Segment: "Baso") Athena Productions
1984 Bagets 2 Special Sabet Viva Films
1984 Hindi Mo Ako Kayang Tapakan Roland V.H. Films
1983 Karnal (Carnal Desires) Goryo Cine Suerte
1983 Init Sa Magdamag Armand Javier Viva Films
1982 Oro, Plata, Mata Miguel Lorenzo Experimental Cinema of the Philippines
1978 Gumising Ka, Maruja Joel FPJ Productions

Telebisyon

baguhin
Taon Title Role Network
2013-2014 Honesto Hugo Layer ABS-CBN
2013 Juan Dela Cruz Jose "Pepe" Guerrero ABS-CBN
2011 100 Days to Heaven Andres Delgado ABS-CBN
2010-2011 Grazilda Fernando GMA Network
2009 Zorro Don Roberto Pelaez / Don Rosso GMA Network
2008-2009 Saan Darating Ang Umaga Ruben Rodrigo GMA Network
2007-2008 Iisa Pa Lamang Rolando Ramirez ABS-CBN
2004-2005 Marina Elias Sto. Domingo ABS-CBN
2002-2004 Kapalaran Cesar Arman ABS-CBN

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Joel Torre gets international acting trophy by Glaiza Jarloc". Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-08-11. Nakuha noong 2013-09-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 Portrait of an Actor by Florenda Corpuz
  3. 3.0 3.1 On Joel Torre by Ronald S. Lim/Students & Campuses Bulletin