Oro, Plata, Mata
Ang Oro, Plata, Mata ay isang pelikulang dramatikong maraming napanalunan ng mga gawad na nilikha sa direksiyon ni Peque Gallaga noong 1982, at itinuturing niyang pinakamakabuluhang ambag sa pelikulang Pilipino. Kinunan bilang mga tagpo sa lalawigan ng Negros sa kapanahunan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ito ay nagkukuwento kung paano nakaraos ang dalawang pamila pag-aari ng mga asyenda na may mga pagbabago na dinala ng digmaan.[1]
Oro, Plata, Mata | |
---|---|
Direktor | Peque Gallaga |
Prinodyus | Charo Santos-Concio |
Sumulat | Jose Javier Reyes |
Itinatampok sina | Cherie Gil Sandy Andolong Joel Torre Liza Lorena Fides Cuyungan-Asencio Manny Ojeda Maya Valdez Lorli Villanueva Ronnie Lazaro |
Musika | Jose Gentica V |
Sinematograpiya | Rody Lacap |
In-edit ni | Jesus Navarro |
Tagapamahagi | Sinemang Eksperimental ng Pilipinas |
Inilabas noong | 27 Enero 1982 |
Haba | 194 na minuto |
Bansa | Pilipinas |
Wika | Filipino |
Ang pelikula ay nagbubunsod ng karerang pampelikula ni Joel Torre at una at pinakamahalagang pelikula ni Peque Gallaga.[2] Ang mga ilang tagpo ay kinunan sa mga lumang bahay ng mga asindero sa Lungsod ng Silay, Silangang Negros.
Pamagat ng pelikula
baguhinSa pagsasalinwika, ang pelikula ay kinikilala rin bilang "Ginto, Pilak, Kamalasan" o "Ginto, Pilak, Kamatayan."[3]
Ang pamagat ay tumutuon sa isang lumang Pilipinong pamahiing pang-arkitektura na nagsasabing ang mga mulangkap na disenyo sa isang bahay (lalong-lalo na ang mga hagdanan) ay hindi dapat nabibingit sa isang kalambal ng tatlo, nananatili na may parisan ng oro (ginto), plata (pilak), at mata (kamalasan).
Kahulugan ng bawat salita ng pamagat
baguhinAng pelikula ay isinaayos sa tatlong bahagi na naglalarawan ng parisan na tinapos sa mga buhay ng mga pangunahing tauhan:
- Oro - mula sa isang buhay ng karangyaan at talaghay sa lungsod,
- Plata - sa isang nananatiling marangyang panahon ng timbula sa isang panlalawigang asyenda,
- Mata - at sa huli sa isang pag-iwas na higit na malayo sa mga bundok, kung saan sila ay lininlang ng mga tulisang gerilya.[1]
Mga tauhan
baguhinAng mga nagsiganap sa pelikulang ito ay ang mga sumusunod:
Mga nagsiganap | Ginampanan bilang |
---|---|
Manny Ojeda | Don Claudio Ojeda |
Liza Lorena | Nena Ojeda |
Sandy Andolong | Maggie Ojeda |
Cherie Gil | Trining Ojeda |
Fides Cuyugan-Asensio | Inday Lorenzo |
Joel Torre | Miguel Lorenzo |
Maya Valdez | Jo Russell |
Lorli Villanueva | Viring Ravillo |
Ronnie Lazaro | Hermes Mercurio |
Abbo De La Cruz | Melchor |
Mely Mallari | Estrella |
Mary Walter | Yaya Tating |
Agustin Gatia | Lucio |
Robert Antonio | Carlos Placido |
Benjamin Delina | Primo |
Carmelo Sta. Maria | Milo |
Wilbert Cardeñas | Tibo |
Noel Soriano | Termiong |
Kuh Ledesma | Diwata |
Gigi Dueñas | Maring |
Fe de los Reyes | Pacita |
Dwight Gaston | umaawit na gerilya |
Ben Morro | Hapones na sundalo |
Jeffrey Valdes | pinunong tulisan |
Benny Warden | Amerikanong opisyal |
Jaime Fabregas | Minggoy |
Ricardo Gallaga | Pascual |
Jose Castillo | Danding |
Manny Castañeda | Emilio |
Andoni Alonso | Ramon |
Anne Marie Ledesma | Elena |
Chita Castillo | Inez |
Ma. Teresa Urra | Naty |
Mona Lisa | Lola Desta |
Peter Garcia | Bobby |
Jed Arboleda | Tommy |
Chichona Saiz | Madre Carmen |
Luis Clauor | Obispo |
Jose Javier Reyes | Tsinong kusinero |
Odo Abaquin | kaibigan ni Ramon |
Nonoy Rio | asawa ni Elena |
Jesus Pernas Jr. | bata sa handaan |
Jose Pernas | bata sa handaan |
Maita Suarez | bata sa handaan |
Gaita Jalandoni | bata sa handaan |
Maya Castillo | bata sa handaan |
Miguel Gallaga | panauhin sa handaan |
Jesus Pernas Sr. | panauhin sa handaan |
Victor Gaston | panauhin sa handaan |
Benjie Torre | panauhin sa handaan |
Rene Hinojales | panauhin sa handaan |
Alex Kramer | panauhin sa handaan |
Gerry Perez | panauhin sa handaan |
J.C. Bonnin | panauhin sa handaan |
John Bonnin | panauhin sa handaan |
Nicky Kramer | panauhin sa handaan |
Jojo Bonnin | panauhin sa handaan |
Gerry Fernandez | panauhin sa handaan |
Martin Rodriguez | panauhin sa handaan |
Adrian Campos | panauhin sa handaan |
Pilar Gallaga | panauhin sa handaan |
China Gallaga | panauhin sa handaan |
Rica Suarez | panauhin sa handaan |
Isabel Campos | panauhin sa handaan |
Chona Valles | panauhin sa handaan |
Betty Puey | panauhin sa handaan |
Conchita Gallaga | panauhin sa handaan |
Luz Torre | panauhin sa handaan |
Peachie Villanueva | panauhin sa handaan |
Miren Bilbao | panauhin sa handaan |
Socorro Monfort | panauhin sa handaan |
Lolita Bonnin | panauhin sa handaan |
Rosina Gallaga | panauhin sa handaan |
Ione Baldivia | panauhin sa handaan |
Hera Baldivia | panauhin sa handaan |
Lydia Gaston | panauhin sa handaan |
Nicole Gaston | panauhin sa handaan |
Bo-Peep Golez | panauhin sa handaan |
Bobbie Cua | panauhin sa handaan |
Vicky Franco | panauhin sa handaan |
Christine Azcona | panauhin sa handaan |
Sandy Hontiveros | panauhin sa handaan |
Dee Hontiveros | panauhin sa handaan |
Bambi Arambulo | panauhin sa handaan |
Douglas Nierras | panauhin sa handaan |
Lani Fernando | panauhin sa handaan |
Steven Lovina | panauhin sa handaan |
Eric Ver | panauhin sa handaan |
Jose Marie Siy | |
Mario Ontal | |
Lyndon Estañol | |
Toot Alcala | |
Martin Lachica | |
Mario Octavio | |
Jimjim Lim | |
Ramon Mongcal | |
Rembert Espares | |
Chuck Ontal | |
Carlos Jaud | |
Proceso Jaud | |
Rodolfo Padilla | |
Juan Badoy | |
Pablo Cambronero | |
Peter Demerin | |
Ondo Coronico | |
Bonifacio Arroyo | |
Filomeno Martin | |
Gaudencio Alilain | |
Vic Groyon | |
Melissa Jimenez | |
Rowena Santillan | |
Jeanne Macani | |
Cynthia Ta-ala | |
Mitzi Samson | |
Anna Marie Mongcal | |
Ma. Paz Martinez | |
Charito Ferrer-Motus | |
Dolly Sinay | |
Lui Zayco | |
Tata Zayco | |
Juliet Matti | |
Madeleine Gallaga | |
Fergus Martir | |
Johnny Martinez | |
Constant Medez | |
Ronnie Pabular | |
Arturo Traviles | |
Mario Lubrico | |
Rene Sevelleno | |
Badot Balmeo | |
Joel Lubrico | |
Dodoy Guantia | |
Mentong Martinez | |
Reynaldo Diog | |
Jimmy Vizon | |
Jorge Ledesma | |
Blanco Bubod | |
Eddie Magdaraog | |
Genaro Asuncion | |
Peter Tison | |
Boboy Gonzaga | |
Boy Manuel | |
Loreto Ortega |
Buod ng pelikula
baguhinIsang sine na tungkol sa pagbagsak ng dalawang aristokratikong pamilya sa Negros sa kapanahunan ng Digmaang Pasipiko, nagsimula ito sa dibu ni Maggie Ojeda (Andolong). Sa hardin, nagkaroon si Trining (Gil) ng kanyang unang halik mula sa kanyang kasintahan mula pagkabata na si Miguel (Torre). Si Don Claudio Ojeda (Ojeda) at ang kanyang kapwa asindero ay nagtalakayan sa digmaan. Ang di-pagsama ni Miguel sa hukbo ay nabanggit at tinutuya siya sa pagiging isang "Mama's boy." Ang balita sa pagbagsak ng Corregidor ay nagpatigil sa pagdiriwang.
Nang sumapit ang digmaan sa lungsod, ang mga Ojeda ay nagpasiya na tanggapin ang kanlungan sa mga Lorenzo, ang kanilang kaibigang angkan sa mahabang panahon, sa kanilang panlalawigang hacienda. Ang mga matriyarka ng dalawang pamilyang ito ay nagpatuloy sa kanilang aristrokratikong istilo ng pamumuhay. Ang kanilang mahinay na pagtanggi sa pagtanggap na ang digmaan ay naiga ng mga madalas na malubay na sasal ni Maggie na naghihimatong para sa kanyang katipan, at ang mga pagbabago nina Miguel at Trining mula sa mapaglarong bata sa mapagsapalarang balubata.
Ang dalawang kaibigan, Jo Russell (Valdez) at Viring (Villanueva), ay sumanib sa mga Ojeda at mga Lorenzo. Nang sumasapit ang mga kaaway, nagpasiya ang mga angkan na lumipat nang higit na malayo sa bahay-pahingaan sa kagubatan ng mga Lorenzo. Ang pangkamag-anak na kapayapaan ay nabasag nang dumating ang pangkat na madambong na gerilya. Hinilom ni Jo ang kanilang mga sugat. Naiwan ang isa sa mga sugatan, si Mercurio (Lazaro). Tinuya muli ng pamilya si Miguel ukol sa kanyang pananabang at karuwagan; sinabi ni Trining kay Miguel na walang ginawa nang ang sundalong Hapones ay pumapatay ng isang babaeng naliligo sa tabing-ilog. Si Mercurio ang pumatay sa Hapones. Inaliw ni Maggie si Miguel, at nagpasiya ang binata na mag-aral sa pamamaril mula kay Mercurio.
Pagkatapos ninakaw ni Melchor (De la Cruz) ang mga alahas ni Viring, nagbibigay-dahilan ng pagnanakaw bilang kabayaran para sa kanyang paglilingkod. Nagtangka siya na basagin na ang katapatan ng mga iba pang alila at tumaboy. Kinabukasan, tinutop ni Melchor ang paghihiganti nang bumalik siya sa kubo kasama ang mga tulisan. Kinuha ang mga pangangailangan, ginahasa si Inday (Asensio), iniwa ang daliri ni Viring nang tumanggi siyang isuko ang kanyang singsing. Sa kabila ng pinsala na ginawa sa kanyang pamilya, sumama si Trining sa mga tulisan.
Ang karanasan ay nakabuo ng isang bigkis sa pagitan nina Maggie at Miguel; ang mga naulila ay nakaraos sa pamamagitan ng pagpapatuloy ng kanilang mga pulong sa madyong. Nagpasiya si Miguel na tugisin ang mga tulisan at manumbalik si Trining. Nahanap niya ang mga tulisan, nguni't ang kanyang bagong-hanap na giting ay pinalitan ng isang kaululang lunggati na pumatay. Ang madugong karurukan ay sumunod sa isang epilogo. Ang mga tagpo ay magkatulad, subali't ang panahon ay katatapos lamang ng digmaan. Nagpahayag sina Maggie at Miguel ang kanilang tipanan. Ang mga naulila ay nagsumikap na ipagpatuloy ang kanilang lumang istilo ng pamumuhay sa kabila ng kanilang mga pilat mula sa digmaan.[2]
Pagsusuri ng pelikula
baguhinBinunyi ng mga manunuri ang pelikulang ito bilang sinematikong "pakitang-lakas" at isang nakapagpapanutong tagumpay. Ipinapakita na ang digmaan ay nagdudulot ng pinakamalala sa mga tao. Ang antas ng epiko at disenyong pamproduksiyon ay "operatiko."[2]
Simbolismo
baguhinMula isinulat ang pelikula sa mga taong pagkatapos ng Batas Militar, ang mga asal ni Melchor ay maaaring nakikita sa dalawang paraan:
- Salaming Sosyo-Pampolitika ng mga taong '80: Noong panahon ng mga kapanahunan, ang mga kabaka ng mga tao ay hindi banyaga, at sa pangyayari, ang mga palaban na hukbong banyaga ay mahihina (sumasagisag ng naghihingalong sundalong Hapones na binigo ni Miguel na patayin). Ang mga kabaka ng mga tao kung gayon ay ang kanilang mga sariling kababayan: Ang mga hukbong militar at pulisya ni Marcos.
- Marxistang asal ni Melchor ay isang babala na maaaring mangyari sa mga nasa higit na mataas na antas sa lipunan, na namamayani sa mga politikang Pilipino sa panahong iyon. Samantala, ang gawain ng Bagong Hukbong Bayan (NPA) (ang militanteng hukbo ng Partidong Komunista ng Pilipinas) ay ang pinakamalakas sa kapanahunan ng pagpapalabas ng pelikula.
Mga gawad
baguhinGawad FAP
baguhinTaon | Resulta | Kategorya/(Mga) nakatanggap |
---|---|---|
Pinakamahusay na Disenyong Pamproduksiyon Don Escudero Rodell Cruz Pinakamahusay na Pangalawang Aktres Liza Lorena |
Gawad Urian
baguhinTaon | Resulta | Kategorya/(Mga) nakatanggap |
---|---|---|
Pinakamahusay na Sinematograpiy Rody Lacap Pinakamahusay na Direksiyon Peque Gallaga Pinakamahusay na Musika Toto Gentica Pinakamahusay na Disenyong Pamproduksiyon Rodell Cruz Don Escudero Pinakamahusay na Tunog Ramon Reyes Pinakamahusay na Pelikula | ||
Pinakamahusay na Pangunahing Aktor Joel Torre Pinakamahusay na Editing Jess Navarro Pinakamahusay na Dulang Pampelikula Jose Javier Reyes Pinakamahusay na Pangalawang Aktor Ronnie Lazaro Pinakamahusay na Pangalawang Aktor Manny Ojeda Pinakamahusay na Pangalawang Aktres Liza Lorena Pinakamahusay na Pangalawang Aktres Mitch Valdez |
Tingnan din
baguhinSanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 Oro, Plata, Mata, (1982), Peque Gallaga, mga tala mula sa: takip na harapan. Star Recording/ ABS CBN,Diliman, Lungsod Quezon:17-75237-8, (2008).
- ↑ 2.0 2.1 2.2 L. Sicat, CCP Encyclopedia of Phil. Art, Vol. VIII (Phil. Film), p. 181
- ↑ ORO, PLATA, MATA (1983), inarkibo mula sa orihinal noong 2008-09-09, nakuha noong 2008-05-11
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2008-09-09 sa Wayback Machine.
Mga panlabas na kawing
baguhin- Oro, Plata, Mata sa Datobaseng Pelikula ng Internet
- Sari-Saring Sineng Pinoy: ORO, PLATA, MATA... Pakikipagsapalaran Sa Gitna Ng Digmaaan
- kabayancentral.com - Oro, Plata, Mata Naka-arkibo 2008-12-25 sa Wayback Machine.
- The New York Times: Overview of Oro, Plata, Mata
- ClickTheCity.com - On Our Shelves: Oro, Plata, Mata
- What can you say about Oro Plata Mata? Naka-arkibo 2008-09-25 sa Wayback Machine.
Palabas sa YouTube
baguhinKung nais ninyong mapanood ang kabuuang pelikula sa YouTube, maaaring ninyong pasukin ang kawing na ito: