Pelikulang Pilipino

(Idinirekta mula sa Pelikula sa Pilipinas)

Ang Pelikulang Pilipino ay ang pinakabatang uri ng sining sa Pilipinas at isang popular na uri ng libangan. Isa rin ito sa mga pinagkukunan ng Trabaho ng mga 260,000 naPilipino. Kumikita ito ng 1.5 na Bilyong Piso taun taon.

Pinagmulan

baguhin

Huling Bahagi ng Panahong Kastila

baguhin

Noong 1 Enero 1897 may apat na pelikulang pinamagatang Un Homme au Chapeau o (Kalalakihang may Sumbrero) Une scene de danse Japonaise (Isang Eksena sa Sayawang Hapones) La Place l'Opera Sa lugar ng Tanghalan les Boxers (Ang mga Boxingero) ay ipinalabas sa Salon de Pertierra na isang sinehan sa 16 Calle Escolta ng isang ngangalang Antonio Ramos na isang Sundalo mula sa Espanya, Nag angkat siya ng Lumiere sinematograph na may 30 pelikula mula sa kayang account sa isang bangkong swiso. Ang Pelikula ay Buhat sa mga bansang Pransiya Alemanya at sa Britanya, ang ipinapalabas sa Lungsod ng Maynila.

Nang mga sumunod na mga taon, para makaakit ng mga manonood, ay ginamit ang Lumiere para gawing tagakuha ng mga magagandang mga eksena mula sa mga lokal na tanawin sa Pilipinas na isang dokomentaryo tulad ng Panorama de Manila o ang lupain ng maynila, Fiesta de Quiapo o Pista ng Quiapo puente de Espanya o ang tulay ng Espanya at La Ecsenas de la Callejeras o ang Sayawan sa kalye. Bukod kay Ramos ay marami ding mga Dayuhanng taga gawang pelikula ang ang pumunta sa pilipinas tulad ni Burton Holmes na ama ng Travelogue, na kumuha ng ilang mga dokumentaryong mga pelikula sa pilipinas tulad ng Battle of Baliwag si Kimwood Peters din ay kumuha ng ilang mga tanawin sa Banaue Rice terraces at si Raymond Ackeman ng American Biography at ang Mutoscope ay nag Cock Fight na ipinapakita ang pagkakahilig ng mga pilipino sa Sabong.

Panahon ng Amerikano

baguhin

Noong 1900 Ang isang Ingles na nag ngangalang Walgrah ang nag palabas ng ilang mga Pelikula sa Pilipinas nag bukas siya ng sineha na nagngangalang Cine Walgrah sa No.60.calle Santa Rosa sa Intramuros. Ang ikalawang sinehan ay itinayo ng isang Kastilang negosyante na nagngangalang Samuel Rebarber, Tinawag naman itong Gran Cinematografo Parisen, na nasa No.80 calle Crespo sa Quiapo Noong 1903, Ang isa ng Pilipinong nagngangalang Jose Jimenez ay nag tayo ng isang sinehang Gran Cinematograpo Rizal sa Calle Azcaraga (na ngayon ay Abenida C.M. Recto) sa tapat ng Estasyon ng tren sa Tutuban Noong magkaparehas na taon ang pelikula ay popular na sa pilipinas gumawa sila ng pelikula na tungkol sa Kolonisasyon. na sinasaluhan ng tunog ng Piano at mga mangaawit sa Manila gran Opera House.

Noong 1905 si Herbert Wynham ay kumuha ng ilang mga eksena sa Manila fire Department, siAlbert Yearslyay kumuha ng eksena sa selebrasyon ng Rizal day sa Luneta noong 1909; noong 1910, Ang Manila Carnival noong 1911, Ang ilang mga kuha mula sa pag putok ng Bulkang Mayon;Ang kuha mula sa unang labang pang himpapawid sa look ng Maynila niBud Mars At ang mga kuha sa Malaking sunog sa Tondo, Pandacan at sa Paco; pati ang kuha mula sa pag alis ng mga Igorot papunta sa Barcelona at ang pananalasa ng bagyo sa Cebu ngunit ang mga Pangunahing pelikulang ito ay hindi naging popular sa ating mga Pilipino dahil sa ito para lamang sa kaalaman ng mga dayuhan,

Ang Komisyon ng Pilipinas ay malaki ang pag papahalaga sa pelikula dahil ito ay isang magandang gamit sa pag hahatid ng Komunikasyon,impormasyon at Pang aliw, kaya noong 1909, ang Kagawaran ng Siyensiya at Teknolohya ay gumawa ng isang Laboratoryo ng Pelikula sa Tulong ng Pathe, at ng isang Photgraper na si Charles Martin, sa Pransiya at siyay nag sanay ng ilang mga Pilipino sa paggawa ng Pelikula, ng Matapos mag sanay ang mga tinuturuan, ay nag simula na silang gumawa ng pelikula,

At noong 1910, ang unang pelikula na may tunog ay nakarating sa Manila sa kagamitan na Chronophone ang mga Briton na kumukuha ng pelikula ay pumunta sa Pilipinas at kumuha ng Magagagandang tanawin sa Pilipinas, tulad sa talon ng Pagsanjan noong 1911 ng Kinemakolor, At noongv 1912, ang isang kumpanysa sa Hollywood ay gumawa ng isa ng Pelikula na ang pamagat ay La Vida de Rizal na tungkol sa buhay ng ating Pambansang Bayani, at dito nag simula ang Pagkakapanganak sa Pelikulang Pilipino.

Ng 1914; Ng Us Colonial Goverment ay gumagamit na ng pelikula sa pag hahatid sa Edukasyon at Propaganda nag aangkat din sila ng Pelikula mula sa Europa, ngunit ng sumapit ang Unang Digmaang Panaigdig, ay pansamantalang itinigil ito.

Unang Mga Pelikulang Pilipino

baguhin

Ang kauna- unang Nagawang Pelikulang ginawa ng Pilipinas ay ang Dalagang Bukid sa direksiyon ni Jose Nepomuceno noong 1919 base sa Zarzuela na isang higly-acclaimed MeloDrama ni Hermogenes Ilagan at ni Leon Ignacio Ang mga unang taga-gawa ng pelikula ay gumagaya sa mga sa Hollywood kung hindi man ay sa mga aklat.

Noong 1929, ang Syncopation,na isang kaunaunahang pelikulang may tunog ay ipinalabas sa Radio Theater sa Maynila sa Plaza Sta.Cruz ay gumawa ng Talkie o pelikulang may lapat na tunog sa mga lokal na produser ng pelikula at noong disyembre 8, 1932 ay ginawa ang unang tagalog na Pelikula na Pinamagatang Ang Aswang, na isa ng Pelikula na may tema ng katatakutan base sa mga Alamat, ngunt sa mga ilang nakakatanda sa pelikulang ito ay hind talaga ito purong may tunog, ay ang Punyal na Ginto na ipinalabas noong marso 9,1933 sa Lyric Theater,

Noong 1930s, ang ilang mga artista at mga produser ay tumululog s pag papaunlad pa ng industriya ng pelikula ang mga Tao ay namangha sa mga magagaling na pagganap at sa pag pili ng tema ng pelikula, karamihan dito ay tungkol sa mga pinagdaanan ng mga pilipino sa mga mananakop, tulad ng Patria Amore;Mutya ng Katipunan ni Julian Manansala na mayroong elemento ng propagandang Anti-spanish .

Si Carmen Concha,Ang unang babaeng derektor sa Pilipinas ay gumawa din ng mga ilang Pelikula tulad ng Magkaisang Landas at ang Yaman ng Mahirap noong 1939,sa ilalim ng Parlatone Hispano-Filipino at ang Pangarap noong 1940 sa ilalim ng LVN Pictures.

Ito ang mga Sikat na mga Artista bago ang Digmaan:

Panahon ng Ikalawang Digmaang pandaigdig at ng pananakop ng Hapones

baguhin

Noong panahon ng mga Hapones, Ang paggawa ng Pelikula ay pansamantalang tumigil. Ang mga Hapon ay nagdala ng kanilang mga pelikula sa Pilipinas, ngunit hidi ito naging popular sa mga Pilipinong manonood, Ang mga Propaganda laban sa mga Hapon Ang ginagawa ng mga iilang mga drektor kasama si Geraldo de Leon na tungkol sa relasyon ng Hapon sa Pilipinas Isa sa mga propagandang ito ay ang Dawn of Freedom na sa direksiyon ni Abe Yukata at Geraldo de Leon. At sa mga panahong iyon, ang Komedya nila Pugo at Togo, ay naging popular sa mga panahong iyon na ang tema ay tungkol sa pananakop ng Bansang Hapon sa Pilipinas na binago bilang Tuguing at Puguing dahil si Togo ay katunog ng Tojo na isang Punong Ministro sa Bansang Hapon noong dekada 40.

Noong kasagsagan ng digmaaan, ang karamihan sa mga Artista ay nakadipende sa entablado lalo sa maynila Ang mga sinehan noon ay bibihira dahil sa mga kaguluhan.

Dekada 50

baguhin

Pagkatapos ng digmaan, ay sumikat ang mga pelikulang ukol sa digmaan, ang mga tao ay gustunggusto na makapanood ng mga iyon, na ang karamihang tema ay propaganda, tulad ng Garison 13,(1946) Dugo ng Bayan, (1946) Walang Kamatayan at Gerilya na isang uri ng naratibong salaysay tukol sa mga kabayanihan ng ng mga sundalo noong panahon ng digmaan.

Dito din nag simula ang Realismo sa Pelikula ng Pilipinas. base sa mga buhay ng pilipino tulad ng tungkol sa mga napapanahong mga usapin sa lipunang kinagagalawan ng mga Pilipino, sa panahong ito ay naging popular rin ang komedya at drama.

Tingnan din

baguhin