Mary Walter
Si Mary Walter (Setyembre 10, 1912[2] – Pebrero 25, 1993) ay isang artista mula sa Pilipinas na nagsimula bilang bida sa mga pelikulang tahimik haggang sa tumanda upang mapunta sa mga pelikulang katatakutan noong huling bahagi ng dekada 1980 hanggang unang bahagi ng dekada 1990. Sa kanyang mahabang karera bilang artista, nakamit niya ang Gatimpalang Habang-buhay na Pagtamo (Lifetime Achievement Award) mula sa FAMAS at Gawad Urian.
Mary Diche Walter | |
---|---|
Kapanganakan | 10 Setyembre 1912 Bacon, Sorsogon, Kapuluan ng Pilipinas |
Kamatayan | 25 Pebrero 1993 | (edad 80)
Trabaho | Artista |
Aktibong taon | 1927–1948, 1958–1993 |
Asawa | Alfonso Grimalt[1] |
Anak | 3[1] |
Parangal | FAMAS Lifetime Achievement Award 1980 Gawad Urian Lifetime Achievement Award 1992 |
Biyograpiya
baguhinIpinanganak si Walter sa isang amang Aleman sa Bacon, Sorsogon (nasa Lungsod ng Sorsogon na ngayon). Bilang isang tinedyer, lumabas si Walter sa sirkitong bodabil sa Maynila bilang isang babaeng koro sa mga palabas sa entablado ni Katy de la Cruz.[3] Nagsimula siya bilang ekstra sa pelikula at nagsimulang sumikat noong 1927, nang bumida siya sa Ang Lumang Simbahan, na hango sa tanyag na nobela ni Florentino Collantes.[4] Katambal niya sa pelikula si Gregorio Fernandez, na romantikong pinares siya sa sunud-sunod na mga pelikulang tahimik, na marahil, ito ang unang "love team" (tambalang pag-ibig) sa pelikulang Pilipino.[5]
Pagkatapos lumabas sa maraming mga pelikulang tahimik, madaling nakalipat si Walter sa pelikulang may tunog na umusbong sa Pilipinas noong kalagitnaan ng dekada 1930. Noong 1939, lumabas siya sa pelikulang Mariposang Berde kasama ang noo'y baguhang artista na si Malou "Chumams" Nocedo. Kasama siya sa mga bituin na lumabas sa pelikula ng LVN noong 1942 na Prinsipe Teñoso, ang tanging pelikula na naprodyus ng isang Pilipinong istudiyong pampelikula noong panahon ng Pananakop ng Hapon.[6]
Noong 1948, pagkatapos ng 21-taon na karera sa pelikula, nagretiro si Walter sa kanyang pinagmulang bayan ng Sorsogon.[6] Pagkalipas ng sampung taon, binuyo siyang bumalik sa pag-arte, at lumabas siya sa pelikula ng LVN na Kastilaloy. Gumanap siya bilang matrona o ina noong nasa kuwarentahing edad siya. Nang tumanda pa siya, nakilala si Walter bilang isa sa mga karakter na aktress sa pelikulang Pilipino. Maputi, balingkinitan, at payat, nakikilala siya sa kalunan sa pagganap bilang lola na hindi na maalis sa kanya. Isang nakataling naninigarilyo, nagawa ng kanyang magrabang boses ang maging isang kontrabida, pinakaprominente ang pelikula ni Lino Brocka noong 1974 na Tatlo, Dalawa, Isa. Noong dekada 1980, naalala siya sa mga pelikulang katatakutan tulad ng Shake, Rattle and Roll (1984) at Tiyanak (1988).
Noong 1980, natanggap ni Walter ang FAMAS Lifetime Achievement Award.[2] Natanggap naman niya ang katulad na parangal mula sa Gawad Urian noong 1992.
Taliwas sa nailathala sa biyograpiya niya sa IMDB, si Walter ay hindi ang unang aktres na nagkaroon ng eksenang halik sa pelikulang Pilipino (sa katunayan, si Dimples Cooper ang nakagawa nito).[7] Hindi na nagretiro si Walter pagkatapos bumalik sa pelikula noong 1958. Namatay siya noong Pebrero 25, 1993 pagkatpaos mai-stroke sa Lungsod Quezon.[1]
Mga pananda
baguhin- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 "Remember When?: Timeless Actress". The Philippine Star (sa wikang Ingles). Agosto 12, 2017. Nakuha noong Hunyo 13, 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 Nicanor Tiongson, pat. (1994). "Philippine Film". CCP Encyclopedia of Philippine Art (sa wikang Ingles). Bol. VIII (ika-1st (na) edisyon). Manila: Sentrong Pangkultura ng Pilipinas. pp. 336–337. ISBN 971-8546-31-6.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Ma. Lourdes Maniquis (1994). "Philippine Theater". Sa Nicanor Tiongson (pat.). CCP Encyclopedia of Philippine Art (sa wikang Ingles). Bol. V (ika-1st (na) edisyon). Manila: Sentrong Pangkultura ng Pilipinas. p. 287. ISBN 971-8546-30-8.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Garcia, Jessie B. (2004). A Movie Album Quizbook. Iloilo City, Philippines: Erehwon Books & Magazine. p. 202. ISBN 971-93297-0-X.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Garcia, p. 270
- ↑ 6.0 6.1 Garcia, p. 203
- ↑ Garcia, p. 127
Mga sanggunian
baguhin- Nicanor Tiongson, pat. (1994). "Philippine Film". CCP Encyclopedia of Philippine Art (sa wikang Ingles). Bol. VIII (ika-1st (na) edisyon). Maynila: Cultural Center of the Philippines. pp. 336–337. ISBN 971-8546-31-6.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Garcia, Jessie B. (2004). A Movie Album Quizbook (sa wikang Ingles). Lungsod ng Iloilo, Pilipinas: Erehwon Books & Magazine. pp. 202–203. ISBN 971-93297-0-X.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga panlabas na link
baguhin- Mary Walter sa IMDb