Usapan:Andrés Bonifacio
Ito ang pahinang usapan upang talakayin ang Andrés Bonifacio. Mangyaring panatilihin ang kagandahang-asal at iwasan ang paglalagay ng anumang bagay na wala namang kinalaman sa nasabing paksa.
Pakilagay lamang ang inyong mensahe sa ibaba kasunod ng inyong lagda sa pamamagitan ng paglalagay ng apat na bantas (~~~~) kung gagamit ka ng wikitext. Kung hindi ka pamilyar sa wikitext, pindutin na lamang ito para magsimula ng bagong paksang mapag-uusapan. Maraming salamat po. Baguhan sa Wikipedia? Makatutulong sa iyo ang mga pahinang ito: Wikipedia:Patungkol at magtanong upang matugunan. |
untitled section
baguhinBluemask, napansin ko inalis mo yung Mt. Buntis na dinagdag ni 202.81.161.72. Ginawa din niya ito sa English Wikipedia. Sa tingin ko, dapat ibalik uli ito pero I propose this line:
...at iniutos ni Aguinaldo sa kanyang mga tauhan na ipapatay si Bonifacio kasama ng kanyang kapatid na lalaki sa Bundok Nagpatong (ngunit may iba na nagsasabi sa Bundok Buntis).
Ayon sa National Historical Institute ang Bundok Nagpatong pero sabi ng mga naunang historical account sa Mt. Buntis daw [1]. --Jojit fb 09:53, 28 Dec 2004 (UTC)
- Pwede ang proposal mo. Ngunit kailangang maliwanag sa text na mayroong dalawang source ng impormasyon. Maari ring ganito:
- ...at iniutos ni Aguinaldo sa kanyang mga tauhan na ipapatay si Bonifacio kasama ng kanyang kapatid na lalaki. Ayon sa National Historical Institute, ito ay naganap sa Bundok Nagpatong ngunit ayon naman sa Philippine Information Agency [2], ito ay naganap sa Bundok Buntis.
- Mas maganda rin sana kung merong link para sa National Historical Institute. Maari mo muna itong i-edit bago ilagay sa artikulo. --Bluemask 08:22, 30 Dec 2004 (UTC)
Request for protection
baguhin@WayKurat: Hello po. Napapansin ko doon sa edit history ng artikulong ito, magkailang beses nang binaboy ang pahina sa paraan ng paglalagay ng inappropriate content, pagtatanggal ng malaking bahagi ng nilalaman, atbp. Kadalasang mga IP o new user ang mga nagbabandalismo ng pahina. Delikado po yon lalo na't isa ang pahinang ito sa mga madalas puntahn ng mga Pilipino, lalo na yung mga researcher at estudyante (umaabot na po sa 40,000 ang pageviews nito as of my editing here). Kung mararapatin po'y ilagay po ng lebel ng proteksyon sa artikulong ito (kahit semiprotection). Salamat po! - 124.106.137.229 14:13, 10 Nobyembre 2020 (UTC)