Usapan:Bagong Taon ng mga Tsino
Ito ang pahinang usapan upang talakayin ang Bagong Taon ng mga Tsino. Mangyaring panatilihin ang kagandahang-asal at iwasan ang paglalagay ng anumang bagay na wala namang kinalaman sa nasabing paksa.
Pakilagay lamang ang inyong mensahe sa ibaba kasunod ng inyong lagda sa pamamagitan ng paglalagay ng apat na bantas (~~~~) kung gagamit ka ng wikitext. Kung hindi ka pamilyar sa wikitext, pindutin na lamang ito para magsimula ng bagong paksang mapag-uusapan. Maraming salamat po. Baguhan sa Wikipedia? Makatutulong sa iyo ang mga pahinang ito: Wikipedia:Patungkol at magtanong upang matugunan. |
Kalendaryo
baguhinMaari rin namang gamitin ang [[Bagong Taon (kalendaryong Tsino)]] dahil may mga Bagong Taon din sa iba't ibang kalendaryo. --bluemask 01:23, 31 Enero 2008 (UTC)
Pamagat ng artikulo
baguhin@Ysrael214, Glennznl: Paumanhin sa matagal kong patugon. Dito na ako sasagot dahil mas naangkop ang usapan dito kaysa pahinang usapan ni Glennznl. Para sa reperensya ng ibang babasa nito, ito ang nakaraang usapan: Usapang_tagagamit:Glennznl#Bagong_Taon_ng_mga_Tsino. Sa tingin ko, may punto si Ysrael214. Tama naman ang sabi ni Glennznl na grammatically correct (o tama ang balarila) ang "Bagong Taong Tsino" (dahil nagtatapos sa "n" at dapat gamitin ang pang-angkop na "g" sa dulo) subalit mas madaling intindihin ang "Bagong Taon ng mga Tsino". Kung walang tuldik ang "Bagong Taong Tsino", maaring maintidihan ito bilang "New Chinese Person" sa Ingles. At sa paghahanap ko ng mga sanggunian (bukod sa binigay ni Ysrael214), mas ginagamit ang "Bagong Taon ng mga Tsino." Minsan, bini-break ang grammar rule para madaling intidihin at maging maganda sa pandinig. Namamayani din ang mas madalas na ginagamit kahit mali pa ang balarila nito. Pero, sa bandang huli, kung anuman ang inyong concensus, susundin ko ito. --Jojit (usapan) 04:33, 24 Nobyembre 2022 (UTC)
- @Jojit fb @Glennznl Salamat sa pagtugon. Dahil ako ang nagpanukala nito, mas mainam kung Bagong Taon ng mga Tsino ang gamitin ng Tagalog Wikipedia, at alam naman natin ang impluwensiya ng Wikipedia sa mga tao. Kapag "Bagong Taon ng mga Tsino" ang gamitin, mas magiging katulad nito ang ginagamit sa mga balita at mas gagayahin ito ng karamihan kapag hinanap (sa Google kunwari) ang pagsasa-Filipino ng Chinese New Year. Ysrael214 (kausapin) 11:59, 24 Nobyembre 2022 (UTC)