Usapan:Dagat Timog Tsina

Latest comment: 9 years ago by Jumark27 in topic Hiwalay na artikulo?

Hiwalay na artikulo?

baguhin

Kailangan ba na ihiwalay ang artikulo ng Dagat Luzon sa Timog Dagat Tsina dahil hindi pareho ang saklaw ng dalawang napangalanang dagat? --bluemask (makipag-usap) 04:32, 13 Setyembre 2012 (UTC)Reply

Parang oo. Kung tutuusin, ayon sa Kautusang Pampangasiwaan Blg. 29 na inatas kamakailan lang ni Pangulong Aquino, ang bahagi ng Dagat Timog Tsina na nasa loob ng Pilipinas lamang ang tatawaging "Dagat Kanlurang Pilipinas". Sa pagkakaalam ko, ang dagat na umiiral sa labas ng EEZ ng Pilipinas ay tutukuyin pa ring "Dagat Timog Tsina". --Sky Harbor (usapan) 04:42, 13 Setyembre 2012 (UTC)Reply

Heto ang bahagi ng AO 29, s. 2012 na magagamit natin sa usapan:

Nangangahulugan na iba-iba ang saklaw ng Dagat Luzon, Kanlurang Dagat Pilipinas, at Timog Dagat Tsina. May mapa kaya na pwede nating gamitin na batayan para makita ang saklaw ng 3 dagat na ito? --bluemask (makipag-usap) 05:05, 13 Setyembre 2012 (UTC)Reply

Maaari bang tanungin dito ang NAMRIA? Tutal naman, sila ang gagawa at lilimbag ng mga mapa.
Sa pagkakaalam ko, saklaw ng "Dagat Luzon" (ang artikulong ito) ang bahagi ng Dagat Timog Tsina na bahagi ng Pilipinas, maliban sa bahaging pinapaligiran ng Bajo de Masinloc/Kulumpol ng Panatag at ng Kapuluan ng Kalayaan. Saklaw naman ng "Dagat Kanlurang Pilipinas" ang sinasaklawan ng Dagat Luzon kasama ang bahaging pinapaligiran ng dalawa (lahat ng Dagat Timog Tsina na nasa loob ng EEZ ng Pilipinas), at ang "Dagat Timog Tsina" ang buong dagat mismo. --Sky Harbor (usapan) 05:14, 13 Setyembre 2012 (UTC)Reply

Alam ko ang Dagat Luzon ay yung karagatan sa kanluran ng Pulo ng Luzon lamang... iba ito sa Dagat Kanlurang Pilipinas na tumutukoy sa buong karagatan ng Kanlurang Pilipinas at sa Dagat Timog Tsina na tumutukoy naman sa buong karagatan sa pagitan ng Pilipinas, Vietnam, Malaysia at Tsina... Jumark27 (makipag-usap) 05:54, 9 Oktubre 2015 (UTC)Reply

Return to "Dagat Timog Tsina" page.