Usapan:Gamugamo

Latest comment: 10 year ago by Ugar001 in topic Moth
Alam Ba Ninyo Ang isang lahok mula sa lathalaing Gamugamo ay nailathala sa Unang Pahina ng Wikipedia sa hanay ng Alam ba ninyo? noong Oktubre 9, 2007.
Wikipedia
Wikipedia

Moth

baguhin

Magandang gabi po, mga kababayan.

Kung sino man po makakabasa nito. Maari ko lng po malaman kung tama na "moth" talaga ang tawag sa gamu-gamo? Napansin ko po kasi na may mga kababayan tayo na tawag sa flying termite o ant, "gamu-gamo" rin. Maari lng po ma-clarify ito kasi misnomer kung baga ito kung ganuon. Maraming salamat po.

Ang flying termite at flying ant ay nanggaling sa magkaibang pangkat ngunit pareho ang ugali nito na lumabas tuwing panahon ng tag-ulan at mahilig lumapit sa ilaw. Parehong ito na nasa reproductive stage at ibang-iba ito sa moth na kung tawagin sa Ingles. Pumasok lng ito sa isip ko kasi naging gawi na ito ng ibang kababayan natin at sana maitama ito. Sa ibang wika naman, naihihiwalay nila ito at sana mai-clarify naman po ito. Maraming salamat. --Ugar001 (makipag-usap) 11:39, 13 Mayo 2014 (UTC)Reply

Oo, tama na Ingles ng gamu-gamo ay moth. Sabi sa website na ito [1], mga flying termites o alates daw ang mga madalas napagkamali bilang gamu-gamo. Hindi dapat gamu-gamo ang tawag sa kanila. Siguro kailangang ilagay ito sa artikulo para malinaw. Salamat sa iyong tanong. --Jojit (usapan) 02:21, 14 Mayo 2014 (UTC)Reply
Nilinaw ko na. --Jojit (usapan) 04:08, 14 Mayo 2014 (UTC)Reply
Maraming salamat po. --Ugar001 (makipag-usap) 10:52, 16 Mayo 2014 (UTC)Reply
Return to "Gamugamo" page.