Usapan:Iglesia ni Cristo
Ito ang pahinang usapan upang talakayin ang Iglesia ni Cristo. Mangyaring panatilihin ang kagandahang-asal at iwasan ang paglalagay ng anumang bagay na wala namang kinalaman sa nasabing paksa.
Pakilagay lamang ang inyong mensahe sa ibaba kasunod ng inyong lagda sa pamamagitan ng paglalagay ng apat na bantas (~~~~) kung gagamit ka ng wikitext. Kung hindi ka pamilyar sa wikitext, pindutin na lamang ito para magsimula ng bagong paksang mapag-uusapan. Maraming salamat po. Baguhan sa Wikipedia? Makatutulong sa iyo ang mga pahinang ito: Wikipedia:Patungkol at magtanong upang matugunan. |
pagiging neutral ng artikulong ito
baguhinpagtuonan sana ng pansin ang NPOV ng artikulo, lalo na sa bagay na "itinatag" daw ito mismo ni Hesu-Kristo at hindi ng tagapagtatag na si G. Felix Y. Manalo.
paki-tingnan ang artikulong Iglesia ni Cristo sa English Wikipedia at doon sana ito ibatay. sundan natin ang neutralidad ng English article. halimbawa:
The Iglesia ni Cristo (also known as INC or Iglesya ni Kristo (Hindi ako sang ayon dito sa isinulat. Ibang Religion ang Iglesia Ni Kristo sa Iglesia Ni Cristo); Filipino for Church of Christ) is an independent religious organization which originated in the Philippines.
The INC was incorporated in the Philippines by Felix Manalo on July 27, 1914; The church professes to be the reestablishment of the original church founded by Jesus and does not accept the doctrine of the Trinity, including the deity of Jesus.
- Tinago ang tanong ng IP. Hindi po tanungan ng mga poblemang pangrelihiyon ang wikipedia. Mas mainam kung ito ay itanong ninyo sa inyong sambahan.--Lenticel (usapan) 14:30, 30 Marso 2009 (UTC)
Mga update
baguhinKinokopya ko na ang mga kulang sa artikulo na 'to mula sa Ingles na Wikipedia. Kulang pa ang tungkol sa mga seksyon ng "Pulitika" at "Kontrobersya at Kritisismo". --Quess 21:32, 17 Setyembre 2007 (UTC)
Naidagdag na rin ang "Pulitika" at kalahati ng "Kontrobersya at Kritisismo". --Quess 22:00, 21 Setyembre 2007 (UTC)
Tinapos ang pagsasalin na sinimulan ni Quess. --203.177.4.194 04:06, 6 Oktubre 2007 (UTC)
Ang pagbababad ng artikulo sa mga “Politika” at “Kritisismo.”
baguhinMalimit pinagtutuunan ng pansin ng editor ng artikulo ang tungkol sa seksiyong “Poltika” at “Kritisismo” na nagpapahayag ng mga “kamalian” ng Iglesia Ni Cristo. Marami nang taga-ambag ang nagbabago rito ngunti pilit na ipinagdiriinan ng editor ang “kamalian” ng Iglesia Ni Cristo at ang pagtatanggol sa Roman Catholic Church laban sa Iglesia Ni Cristo. Ang Wikipedia ay hindi pahayagan ng pagtatanggol para sa usaping panrelihiyon. Binago na rin ng editor ng artikulong ito ang pag-e-edit ng ibang taga-ambag at hindi binigyan ng pahintulot ang iba pang taga-ambag na mag-edit sa artikulong “Iglesia Ni Cristo.”