Ang kalusugan ay maaaring maging negatibo ang kahulugan, bilang ang pagkawala ng sakit, gumagana bilang ang kakayahan na malabanan ang araw-araw na gawain, o sa positibong kahulugan, bilang maging husto at magaling (Blaxter 1990). Sa kahit anong organismo, isang anyo ng hemeostasis ang kalusugan. Ito ang kalagayan ng pagiging matimbang, kasama ang mga pinapasok at nilalabas na mga enerhiya at matter (pinapahintulot ang paglago). Pinapahiwatig ng kalusugan ang magandang pagasa para sa patuloy na pagiging buhay. Sa mga nilalang na may kamalayan katulad ng mga tao, malawak ang kaisipan ng kalusugan. Binibigyan ng kahulugan ng World Health Organization ang kalusugan bilang "isang kalagayan ng buong pangkatawan, pangkaisipan at panlipunang kagalingan, at hindi lamang binubuo ng pagkawala ng sakit o kahinaan."

Ang kalusugang pangkapaligiran, nutrisyon, pagiwas sa sakit, at kalusugan ng publiko ang pinakamatibay na aspeto ng pagiging magaling na matibay na naangkop sa larangan ng medisina. Maaaring siyasatin at tulungan ng mga aspetong ito ang pagsukat sa pagiging masaya at magaling.

Sa ibang lipunan, sangkot sa kalusugan ang pangangalaga ng kalagayan ng katawan pagkatapos makamit ang mas pangunahing mga pangangailangan ng pagkain, tirahan at pangununahing alagang medikal. Nilalapat ang karamihan sa mga kasanayang ito upang mapagpatuloy ang kagalingan, sa katotohanan, nilalayon ang pagpigil sa mga naibubunga ng pagiging may kaya, katulad ng pagiging mataba at ang kakulangan ng ehersisyo.

Lumago bilang isang tanyag na kaisipan ang kagalingan sa mga Kanlurang bansa simula noong ika-19 na siglo, habang nagsimulang lumitaw ang mga gitnang uri sa mga industriyalisado mundo, at sa panahon kung saan mayroon oras at mga yaman ang bagong masaganang publiko upang ipagpatuloy ang kagalingan at ibang anyo ng sariling-kabutihan. Marami sa mga produktong pangkonsumo, mula sa mga maliit na bahagi ng mais hanggang sa pang-mumog, na pinakinabangan o hinango mula sa mga lumilitaw na pagkagusto sa kagalingan.

Ang kagalingan ay maaaring kinabibilangan ng paggamit ng maka-agham na mga pagsubok at pagsasanay upang mapanatili ang kalusugan, katulad ng pagtingin sa cholesterol, presyon ng dugo, glucose, at iba pang mga pangitain ng katawan. O maaari na kinabibilangan ng mga kontrobersyal na pagsasanay, katulad ng pagiwas sa mga ilang pagkain o paginom ng ilang bitimina o alternatibong medisina.

Maaari na isalarawan ang pansariling kalikasan ng "kagalingan" sa pamamagitan ng isang palagay na halimbawa ng isang tao na iniiwasan ang mga dinagdag na sangkap sa pagkain at mapili sa pagpili ng pagkain upang mapahaba ang kalusugan, ngunit walang iniisip sa pagsakay sa isang kotse at pagmaneho ng daan-daang milya. Sa estadistika, mas malaki ang panganib sa pagamit ng mga sasakyan kaysa sa pagiwas sa mga dinagdag na sangkap sa pagkain, ngunit naramramdaman ang "pagiging malusog" sa paiwas sa mga pagkain o mga dinagdag na sangkap sa pagkain, samantala nararamdamang di kasiya-siya ang paiwas ng paggamit ng sasakyan.

Kahit na ang mga kaparaanang ginamit ay hindi napatunayan ng agham, ang pagpapatuloy ng kagalingan ay maaari na mapabuti ang kalusugan sa pamamagitan ng epekto ng placebo. Maaari na magpababa ng stress at mapabuti ang kanilang pakiramdam ng pagiging masaya o magaling ang sinumang nakakaramdan ng "galing", kinakamtan ang isang pinabuting sikolohikal na kalagayan na may napatunayang epektong pakipakinabang sa iba't ibang sistema ng katawan, kabilang ang presyon ng dugo, gumaganang sistemang gastrointestinal, at sistemang panabla. Tinuklas ng larangan ng psychoneuroimmunology ang mga pagsama-sama nito sa isang siyentipikong paraan, at bahagi din ng medisina. Gayon man ito'y bago, at patuloy na tinutuklas ang biyolohiya, at mayroong maliit o walang malinaw na payo na inihandog maliban sa pagiwas sa di kailangang stress o sa mga bagay na wala sa kapasidad o kontrol ng isang tao.

Minumungkahi ng iba ang pagkain ng isang balanseng pagkain at pag-ehersisyo ng madalas.

Magsimula ng usapan tungkol sa pahinang "Kalusugan"

Magsimula ng isang usapan
Return to "Kalusugan" page.