Usapan:One Direction
Latest comment: 10 year ago by Geoffbits in topic "Imahe" at "Imahen"
Ito ang pahinang usapan upang talakayin ang One Direction. Mangyaring panatilihin ang kagandahang-asal at iwasan ang paglalagay ng anumang bagay na wala namang kinalaman sa nasabing paksa.
Pakilagay lamang ang inyong mensahe sa ibaba kasunod ng inyong lagda sa pamamagitan ng paglalagay ng apat na bantas (~~~~) kung gagamit ka ng wikitext. Kung hindi ka pamilyar sa wikitext, pindutin na lamang ito para magsimula ng bagong paksang mapag-uusapan. Maraming salamat po. Baguhan sa Wikipedia? Makatutulong sa iyo ang mga pahinang ito: Wikipedia:Patungkol at magtanong upang matugunan. |
"Imahe" at "Imahen"
baguhinNais kong ipabatid ang aking punto hinggil sa katuwang na paksang "Imahe." Minarapat kong gamitin ang salitang ito sa halip na "Imahen" dahil sa mga sumusunod na kadahilanan:
- Bagama't ang orihinal na salitang Kastila ay imagen, higit na ginagamit sa karaniwang usapang Pilipino at lalo na sa mass media ang salitang "Imahe" upang tumukoy sa nakikita o impresyon ng isang tao o publiko.
- Ang salitang "Imahen" sa talasalitaang Filipino ay higit na naiuugnay sa mga tauhang itinuturing na banal ng mga Katoliko na ginawan ng representasyon, maaaring larawan ito o inukit na iskultura. Geoffbits (makipag-usap) 10:07, 14 Nobyembre 2014 (UTC)