Usapan:Teorya ng grap
Ito ang pahinang usapan upang talakayin ang Teorya ng grap. Mangyaring panatilihin ang kagandahang-asal at iwasan ang paglalagay ng anumang bagay na wala namang kinalaman sa nasabing paksa.
Pakilagay lamang ang inyong mensahe sa ibaba kasunod ng inyong lagda sa pamamagitan ng paglalagay ng apat na bantas (~~~~) kung gagamit ka ng wikitext. Kung hindi ka pamilyar sa wikitext, pindutin na lamang ito para magsimula ng bagong paksang mapag-uusapan. Maraming salamat po. Baguhan sa Wikipedia? Makatutulong sa iyo ang mga pahinang ito: Wikipedia:Patungkol at magtanong upang matugunan. |
Usapan
baguhinIsinalin sa wikipedyang Ingles. Mahirap magsalin ng mga advance math dahil wala pa tayong istandard na bokabularyo. Gayundin mahilig gumamit ng mga karaniwang salita ang mga matematiko at pisiko para sa isang masalimuot na termino, minsan tuloy ay nakakalito ito.
Bagama't hindi ako nasisiyahan sa pagkakasalin ko dito ay inaakala ko na mahalagang pasimulan ang pagsasalin ng matematika lalo na ang abanteng matematika tulad ng teoriyang graph. Kunsabagay ganito rin siguro ang sitwasyon ng mga siyentipikon nagsusulat sa Ingles noong hanggang dantaon 1800 nang ang wika ng akademiya ay Latin. Nawa'y hindi maging katawa-tawa ang salin ko. Paunlarin po sana ng iba.--matangdilis 03:16, 6 Agosto 2008 (UTC)
- Nilipat ko ang titulo mula Teoriyang graph patungong Teoriyang grapo. Binatay sa salitang kastilang grafo na naging grapo. --Jojit (usapan) 03:23, 6 Agosto 2008 (UTC)
- Magaling! Nag-alangan talaga ako sa talaguhitan dahil sa haba.matangdilis 03:42, 6 Agosto 2008 (UTC)
- Idinagdag ko po ang nakita sa Talahuluganang Padre English: teoriya/teoria + grap = teoriyang grap. - AnakngAraw 03:54, 6 Agosto 2008 (UTC)
- Mukhang walang grapo sa iba pang diksiyonaryo. Maliban pa kay English ay tanging grap ang makikita sa UP Diksiyonaryong Filipino at Diksiyunaryo ng Wikang Filipino. Narito ang depinisyon sa DWF: grap - png. Dayagram o balangkas na nasa parisukat na papel na nagpapakita ng kaugnayan ng dalawa o higit pang mga bagay o dami sa pamamagitan ng mga tuldok at guhit. sk. talangguhit. - Diksyunaryo ng Wikang Filipino.(1989). Pilipinas: Caho Hermanos, p.272. at graph=grap naman sa Almario, V.S. (Punong Patnugot). (2001). UP Diksiyunaryong Filipino. Pasig City: Anvil, p.299.--matangdilis 04:31, 6 Agosto 2008 (UTC)
- Pinalitan ko ito sa "Teoriyang talangguhit". Ayon sa English-Tagalog Dictionary ni Padre Leo James English at Diksiyunaryong Ingles-Pilipino Pilipino-Ingles ni Felicidad T.E. Sagalongos, dalawa sa tanggap na diksyonaryo dito sa Wikipedia, ang "graph" ay talaguhitan (1), talangguhit (1, 2) at grap (1). Dahil magkaugnay ang "talangguhit", dito na pinalitan ang pangalan. --Sky Harbor (usapan) 00:00, 9 Agosto 2008 (UTC)
- Mukhang walang grapo sa iba pang diksiyonaryo. Maliban pa kay English ay tanging grap ang makikita sa UP Diksiyonaryong Filipino at Diksiyunaryo ng Wikang Filipino. Narito ang depinisyon sa DWF: grap - png. Dayagram o balangkas na nasa parisukat na papel na nagpapakita ng kaugnayan ng dalawa o higit pang mga bagay o dami sa pamamagitan ng mga tuldok at guhit. sk. talangguhit. - Diksyunaryo ng Wikang Filipino.(1989). Pilipinas: Caho Hermanos, p.272. at graph=grap naman sa Almario, V.S. (Punong Patnugot). (2001). UP Diksiyunaryong Filipino. Pasig City: Anvil, p.299.--matangdilis 04:31, 6 Agosto 2008 (UTC)
- Idinagdag ko po ang nakita sa Talahuluganang Padre English: teoriya/teoria + grap = teoriyang grap. - AnakngAraw 03:54, 6 Agosto 2008 (UTC)
- Magaling! Nag-alangan talaga ako sa talaguhitan dahil sa haba.matangdilis 03:42, 6 Agosto 2008 (UTC)
Pahingi ng Tulong sa Pagguhit/Pagdrowing ng mga grap
baguhinHindi ko agad nakita na naedit na ang pamagat pero nagawa ko na ang artikulo, hindi ko alam kung paano maglagay ng kawing sa loob ng temp o dapat ba ay ilipat na lang ang pamagat ng pagdrowing ng grap? -matangdilis 02:23, 8 Agosto 2008 (UTC)
- Tapos na. Na-i-redirect na po. - AnakngAraw 02:27, 8 Agosto 2008 (UTC)