Usapan:Trinidad
Latest comment: 11 year ago by Sky Harbor in topic Santatlo / Trinidad
Ito ang pahinang usapan upang talakayin ang Trinidad. Mangyaring panatilihin ang kagandahang-asal at iwasan ang paglalagay ng anumang bagay na wala namang kinalaman sa nasabing paksa.
Pakilagay lamang ang inyong mensahe sa ibaba kasunod ng inyong lagda sa pamamagitan ng paglalagay ng apat na bantas (~~~~) kung gagamit ka ng wikitext. Kung hindi ka pamilyar sa wikitext, pindutin na lamang ito para magsimula ng bagong paksang mapag-uusapan. Maraming salamat po. Baguhan sa Wikipedia? Makatutulong sa iyo ang mga pahinang ito: Wikipedia:Patungkol at magtanong upang matugunan. |
Sabi sabi
baguhinpakilagay po ang {{sabi sabi}} sa pahayag na pinagdududahan
Santatlo / Trinidad
baguhinMapa-Katoliko man o hindi ang "Trinidad" ay may kaukulang pagtukoy sa likas na Tagalog na katumbas. -- Namayan 06:50, 12 Abril 2013 (UTC)
- Hindi nauukol kung ang isang pangkalahatang artikulo ay papangalanan ng pangalang nauugnay lamang sa isang sekta kaya nga may mga spesipikong artikulo para sa bawat mga spesipikong pananaw ng iba't ibang sekta tungkol kay en:Mary (mother of Jesus) gaya ng en:Theotokos, en:Protestant views on Mary at en:Blessed Virgin Mary (Roman Catholic).Atn20112222 (makipag-usap) 04:06, 13 Abril 2013 (UTC)
- Batid ko ang punto mo, ngunit dahil may sadyang pagtukoy ang Trinidad sa Tagalog Santatlo. Di naman magkaiba ang ibig ibig-ipakahulugan ng Santatlo sa Trinidad.-- Namayan 05:24, 13 Abril 2013 (UTC)
- Ang Trinidad at Santatlo(sa Romano Katoliko) ay mga salin sa tagalog ng Trinity gaya ng bautismo at binyag(sa Romano Katoliko) na mga salin sa tagalog ng baptism ngunit hindi ginagamit ng mga hindi-katoliko ang salitang 'binyag' para sa bautismo kung paanong hindi ginagamit ng mga hindi-katoliko ang Santatlo para tukuyin ang Trinity sa tagalog.Atn20112222 (makipag-usap) 01:57, 15 Abril 2013 (UTC)
- At dahil ba hindi ginagamit ng di-Katoliko ay nangangahulugang di ito dapat gamitin, kung pareho naman ang kahulugan nito sa Tagalog? Paano ang mga Tagalog sa Batangas na ang pagtukoy nila sa langgam ay "guyam" at hindi "langgam" na gamit ng mga Tagalog sa Maynila? -- Namayan 03:27, 16 Abril 2013 (UTC)
- Ano ba ang mas mabuti, ang artikulong mas madaling maunawaan o mas mahirap na maunawaan ng mas nakararaming mambabasa? Atn20112222 (makipag-usap) 03:04, 17 Abril 2013 (UTC)
- Hanggang sa may likas na katumbas ito sa wikang Tagalog na hindi kinatha lamang. Gaya ng layag na karaniwang kaalaman ay menopause, kaya nga may pelikulang "Naglalayag" (menopausal).-- Namayan 11:20, 17 Abril 2013 (UTC)
- Paano kung ang isang salita ay may higit sa isang katumbas sa tagalog gaya ng bautismo at binyag. Mas papaboran ba ang terminong ginagamit ng isang pangkat kesa sa terminong ginagamit ng karamihan?Atn20112222 (makipag-usap) 22:58, 17 Abril 2013 (UTC)
- Tignan dapat ang partikular na kahulugan, dahil dun makikita na minsa'y may pagkakaiba. Ngunit kung magkahalintulad talaga, gamitin dapat ang salitang katutubo.-- Namayan 03:03, 18 Abril 2013 (UTC)
- Paano malalamam ang salitang katutubo sa guyam at langgam?Atn20112222 (makipag-usap) 22:05, 18 Abril 2013 (UTC)
- Parehong katutubong Tagalog ang guyam at langgam, ang nauna'y diyalektong Batangas, Maynila naman ang nahuli, walang kaibahan ang tinutukoy na kahulugan kaya maaari nating ipasok kung alin ang higit na karaniwan, higit na karaniwan ang lalong maraming nakauunawa. Marahil maaaring gawing batayan ang higit na maraming nanalita, diyalektong Maynila ba o Batangenyo.-- Namayan 06:35, 19 Abril 2013 (UTC)
- Ano ang pagbabatayan ng opinyon mong 'marahil maaaring gawing batayan ang higit na maraming nanalita' sa tanong ko ng paraan ng pagtukoy ng pagiging 'mas katutubo' sa guyam at langgam? At sinabi mo sa itaas na "Di naman magkaiba ang ibig ibig-ipakahulugan ng Santatlo sa Trinidad". Mali ito dahil may pagkakaiba ang pananaw ng Santatlo sa katoliko sa Trinidad ng Silangang Ortodokso.Atn20112222 (makipag-usap) 18:57, 19 Abril 2013 (UTC)
- Ang Santatlo o Santatluhan ang katumbas ng Trinidad gaya ng Simbahang sa Iglesia. Walang higit na katutubo sa dalawang salita na langgam at guyam dahil hindi ito hiniram sa dayuhang wika, ang higit na maraming nananalita ay ang nakabatay sa bilang ng mga tao, nakasulat ito sa "The Tagalog Region: Lexicon of the Languages & Dialects". -- Namayan 03:27, 20 Abril 2013 (UTC)
- Paano masisisugro na hindi naimpluwensiyahan ang salitang langgam ng ibang wika kung ang salitang ito ay umiiral rin sa ibang wika at sa cebuano ay may ibang kahulugan[1]. Dahil ang santatlo ay salitang inimbento ng katoliko gaya ng binyag na hindi rin ginagamit sa hindi-Katoliko kaya ito ay hindi katutubong tagalog kundi tunog katutubong inimbento ng katoliko. Walang ebidensiya na mas naunang ginamit ng mga 'katutubong' nagtataglog ang mga salitang santatlo at binyag kesa sa mga kastilang trinidad at bautismo dahil ang mga konseptong ito ay dumating lang sa Pilipinas sa pagdating ng mga kristiyanong espanyol na katoliko. Ito ay maaaring tunog katutubo ngunit ito ay inimbento pa rin. Sabi mo sa itaas: "Hanggang sa may likas na katumbas ito sa wikang Tagalog na hindi kinatha lamang". Atn20112222 (makipag-usap) 19:52, 21 Abril 2013 (UTC)
- Sa pagkatha ng salita nariyan ang pamantayan kung ito'y tinaggap o ginagamit ng mananalita pati na rin ang pagbabaybay. Sa Tagalog nariyan ang mga kinathang salita na "dagitab" = elektrisidad; "sipnayan" = matematika, "salimpapaw" = eroplano, atbp. Ngunit di-lumawig ang mga salitang-katha na ito. Tandaan rin na may higit na 700 panlapi ang Tagalog, maaaring gamitin sa paglikha ng salita, ngunit nasa mananalita na kung ito'y gagamitin. Sa kabilang banda dahil may gamit ang Santatlo na tumutukoy sa parehong konsepto bakit hihiram pa? Ang "binyag" ay katutubong salita na sa pagdaan ng panahon ay nagkaroon ng pagtukoy sa parehong kahulugan ng "bautismo". Tandaan ulit na nagbabago o nag-eevolve ang wika pati ang kahulugan nito.
- Kung sasabihin natin naman na ang konseptong dumating sa Pilipinas ay kailangang manatili lang sa orihinal na anyo, paano ang mga sumusunod na salita bilang halimbawa?
- Paano masisisugro na hindi naimpluwensiyahan ang salitang langgam ng ibang wika kung ang salitang ito ay umiiral rin sa ibang wika at sa cebuano ay may ibang kahulugan[1]. Dahil ang santatlo ay salitang inimbento ng katoliko gaya ng binyag na hindi rin ginagamit sa hindi-Katoliko kaya ito ay hindi katutubong tagalog kundi tunog katutubong inimbento ng katoliko. Walang ebidensiya na mas naunang ginamit ng mga 'katutubong' nagtataglog ang mga salitang santatlo at binyag kesa sa mga kastilang trinidad at bautismo dahil ang mga konseptong ito ay dumating lang sa Pilipinas sa pagdating ng mga kristiyanong espanyol na katoliko. Ito ay maaaring tunog katutubo ngunit ito ay inimbento pa rin. Sabi mo sa itaas: "Hanggang sa may likas na katumbas ito sa wikang Tagalog na hindi kinatha lamang". Atn20112222 (makipag-usap) 19:52, 21 Abril 2013 (UTC)
- Ang Santatlo o Santatluhan ang katumbas ng Trinidad gaya ng Simbahang sa Iglesia. Walang higit na katutubo sa dalawang salita na langgam at guyam dahil hindi ito hiniram sa dayuhang wika, ang higit na maraming nananalita ay ang nakabatay sa bilang ng mga tao, nakasulat ito sa "The Tagalog Region: Lexicon of the Languages & Dialects". -- Namayan 03:27, 20 Abril 2013 (UTC)
- Ano ang pagbabatayan ng opinyon mong 'marahil maaaring gawing batayan ang higit na maraming nanalita' sa tanong ko ng paraan ng pagtukoy ng pagiging 'mas katutubo' sa guyam at langgam? At sinabi mo sa itaas na "Di naman magkaiba ang ibig ibig-ipakahulugan ng Santatlo sa Trinidad". Mali ito dahil may pagkakaiba ang pananaw ng Santatlo sa katoliko sa Trinidad ng Silangang Ortodokso.Atn20112222 (makipag-usap) 18:57, 19 Abril 2013 (UTC)
- Parehong katutubong Tagalog ang guyam at langgam, ang nauna'y diyalektong Batangas, Maynila naman ang nahuli, walang kaibahan ang tinutukoy na kahulugan kaya maaari nating ipasok kung alin ang higit na karaniwan, higit na karaniwan ang lalong maraming nakauunawa. Marahil maaaring gawing batayan ang higit na maraming nanalita, diyalektong Maynila ba o Batangenyo.-- Namayan 06:35, 19 Abril 2013 (UTC)
- Paano malalamam ang salitang katutubo sa guyam at langgam?Atn20112222 (makipag-usap) 22:05, 18 Abril 2013 (UTC)
- Tignan dapat ang partikular na kahulugan, dahil dun makikita na minsa'y may pagkakaiba. Ngunit kung magkahalintulad talaga, gamitin dapat ang salitang katutubo.-- Namayan 03:03, 18 Abril 2013 (UTC)
- Paano kung ang isang salita ay may higit sa isang katumbas sa tagalog gaya ng bautismo at binyag. Mas papaboran ba ang terminong ginagamit ng isang pangkat kesa sa terminong ginagamit ng karamihan?Atn20112222 (makipag-usap) 22:58, 17 Abril 2013 (UTC)
- Hanggang sa may likas na katumbas ito sa wikang Tagalog na hindi kinatha lamang. Gaya ng layag na karaniwang kaalaman ay menopause, kaya nga may pelikulang "Naglalayag" (menopausal).-- Namayan 11:20, 17 Abril 2013 (UTC)
- Ano ba ang mas mabuti, ang artikulong mas madaling maunawaan o mas mahirap na maunawaan ng mas nakararaming mambabasa? Atn20112222 (makipag-usap) 03:04, 17 Abril 2013 (UTC)
- At dahil ba hindi ginagamit ng di-Katoliko ay nangangahulugang di ito dapat gamitin, kung pareho naman ang kahulugan nito sa Tagalog? Paano ang mga Tagalog sa Batangas na ang pagtukoy nila sa langgam ay "guyam" at hindi "langgam" na gamit ng mga Tagalog sa Maynila? -- Namayan 03:27, 16 Abril 2013 (UTC)
- Ang Trinidad at Santatlo(sa Romano Katoliko) ay mga salin sa tagalog ng Trinity gaya ng bautismo at binyag(sa Romano Katoliko) na mga salin sa tagalog ng baptism ngunit hindi ginagamit ng mga hindi-katoliko ang salitang 'binyag' para sa bautismo kung paanong hindi ginagamit ng mga hindi-katoliko ang Santatlo para tukuyin ang Trinity sa tagalog.Atn20112222 (makipag-usap) 01:57, 15 Abril 2013 (UTC)
- Batid ko ang punto mo, ngunit dahil may sadyang pagtukoy ang Trinidad sa Tagalog Santatlo. Di naman magkaiba ang ibig ibig-ipakahulugan ng Santatlo sa Trinidad.-- Namayan 05:24, 13 Abril 2013 (UTC)
Orihinal (wikang pinagmulan) Isina-Tagalog Pagtumbas sa Tagalog constitución (Espanyol) konstitusyon saligang-batas silver screen (Ingles) — pinilakang-tabing alcalde (Espanyol) alkalde punong-bayan presidente (Espanyol) presidente pangulo
- Sa ibinigay kong halimbawa, ito'y mga salitang kinatha na lumawig ang gamit, di-gaya ng dagitab, sipnayan atbp. Pati ang salitang balarila ay kinatha lamang ni Lope K. Santos mula sa "bala ng dila" bilang pagtukoy sa "grammar". -- Namayan 00:01, 23 Abril 2013 (UTC)
- Ang tinutulan ko rito ang paggamit ng santatlo at binyag sa isang pangkalahatang artikulo dahil ito ay hindi ginagamit sa hindi-Katoliko. Kung gusto mo, gumawa ka ng artikulong santatlo at doon mo gamitin ang mga terminolohiyang ginagamit ng katoliko pero hindi mo puwedeng ipilit ang terminolohiyang katoliko sa mga artikulong hindi naman spesipikong katoliko gaya halimbawa ng artikulong Iglesia Filipina Independiente. Kung iglesia ang terminolohiyang ginagamit nila at hindi 'simbahan' ay ito ang dapat gamitin sa mga artikulong spesipiko sa sektang ito. Hindi ito simpleng pagpili ng katutubo o tunog katutubo kesa sa espanyol. Ang patakaran ng wikipedia ang paggamit ng mas higit na karaniwang ginagamit kahit pa espanyol o 'katutubo'.Atn20112222 (makipag-usap) 01:40, 24 Abril 2013 (UTC)
- Ginamit ko lang ang nasabi mong argumento, dahil ang pamantayan ay dapat magagamit sa iba't-ibang kaso ng pagsasalin. Dahil sa pareho naman ang tinutukoy ng Katoliko at di-Katoliko, maaaring itala sa naturang artikulo ang pagtukoy ng iba't-ibang sekta. Dahil pinagsasama sa Wikipedia ang mga paksa magkahalintulad din lang naman. -- Namayan 00:50, 25 Abril 2013 (UTC)
- Hindi nga pareho ang pananaw ng trinidad at salin sa sektang hindi-katoliko[2](Griyegong Ortodokso), [3](JW) kaya hindi dapat gamitin ang pamagat katoliko dito. Kahit paring katoliko ay ginamit rin ang santisima trinidad[4]. Hindi rin bawal sa wikipedia ang paghihiwalay ng mga spesipikong artikulo gaya ng artikulo ni Maria sa Katoliko[5], silangang ortodokso[6] at protestante[7].Atn20112222 (makipag-usap) 22:27, 25 Abril 2013 (UTC)
- Ang Santisima Trinidad ay ang Banal na Santatlo nakapaloob iyan sa Katolisismo ng Katolikong Pilipino na aklat. Iminumungkahi na ihiwalay ang artikulo kapag mayabong at mahaba na ang paksa.-- Namayan 02:57, 26 Abril 2013 (UTC)
- Hindi ito artikulong katoliko kaya dapat ihiwilay ang pananaw na Santatlo ng Katoliko.Atn20112222 (makipag-usap) 03:27, 26 Abril 2013 (UTC)
- Ayaw ko man sumingit sa usapang ito, pero ano ang pagkakaiba ng Trinidad at ng Banal na Santatlo na kailangan pa silang hiwalayan? Dito lang sa Wikipediang Tagalog umiiral ang ganitong paghahati sa pagkakaunawa ng mga Katoliko at 'di-Katoliko sa ganitong paksa. --Sky Harbor (usapan) 10:08, 5 Mayo 2013 (UTC)
- Ang pagkakaiba rito ang paggamit sa katoliko na hindi dapat gamitin sa hindi naman artikulong katoliko kung paanong ang salitang langgam ng cebuano ay hindi dapat gamitin sa kagamitang tagalog at vice versa. Kung ang argumento ay dahil 'pareho naman' trinidad at santatlo, bakit iginigiit dito na gamitin ang banal na santatlo at hindi na lang ang trinidad. Ang santatlo ay nasa sangguniang katoliko kaya ito ang nais gamitin ni Namayan dito. Sa isang hindi-katoliko, ikakatwiran rin nilang dahil ang santatlo ay hindi ginagamit sa kanilang sanggunian kaya hindi ito dapat gamitin sa artikulong hindi naman katoliko.Atn20112222 (makipag-usap) 20:44, 6 Mayo 2013 (UTC)
- At hindi ba maaari na isanib ang dalawang artikulo na may tapat na paghihiwalay (hal. sa paggamit ng mga seksiyon)? Maaari namang kumarga ang kawing sa isang bahagi ng artikulo, kaysa sa sitwasyong hinati pa natin ang artikulo (na tutal naman, iisang konsepto ang pinag-uusapan) dahil lamang iba ang tawag ng isang sekta ng Kristiyanismo kaysa sa iba. Samakatuwid, kung magkapareho naman ang nilalaman ng artikulo, at nag-iiba lamang sila sa katawagan (ibig sabihin na kahit kung may pagkakaiba ang pag-unawa ng Katoliko at Protestante sa konsepto, pareho pa rin ang pinag-uusapan), mas mainam na sa isang artikulo lamang sila umiral. --Sky Harbor (usapan) 08:18, 8 Mayo 2013 (UTC)