Usapang Wikipedia:Gabay sa Istilo (Taksonomiya)

Tutol ako sa katayuan nito bilang patakan (policy). Nais kong ipabago ang katayuan nito bilang gabay (guideline) lamang sa kadahilanang wala pang mapagkakatiwalaang lathalain para sa agham (halimbawa: mga textbooks o journals) na nakasulat sa wikang Tagalog na gumagamit ng mga nakasaad dito. --bluemask 17:14, 16 Pebrero 2008 (UTC)Reply

Pinalitan na! -- Felipe Aira 10:04, 18 Pebrero 2008 (UTC)Reply

Ilang pagbabago sa gabay

baguhin

Bakit hindi kaya natin gamitin ang "lahi" o "lapi" imbis na "kalapian" dahil mas maayos kung mas payak, at imbis "pamilya" ay "kamag-anakan" na lamang dahil ito ang katutubo? -- Felipe Aira 09:55, 19 Pebrero 2008 (UTC)Reply

May kaugnayan sa kahon na pang-taksonomiya ng mga organismo

baguhin

Iminumungkahi ko sana na ang suleras para sa kahon ng taksonomiya ay malagyan ng katumbas na ginagamit sa Ingles, na nakapaloob sa "( )" o "{ }" at ginagamitan ng kahit na bahagyang mas maliliit na mga titik. Dahil: (1) makakatulong ito sa mga mag-aaral/mambabasa sa pagurirat kung ano ba ang sari, uri, atbp. lalo na kung sasangguni pa sila sa iba pang mga makadalubhasang sanggunian (na nasa Ingles, at iba pang wika ng mga "pantas" na sa agham); at (2) makatutulong ito sa mga nagsasalin ng artikulo (mga tagapagsalin na may kagamayan sa mga katawagang Ingles/Latin ng mga organismo). Nakakalito kasi at kailangang puntahan muli ang pahinang isinasalin para kumunsulta sa kahon (taxobox) doon.

  • Halimba ng pagpapalitaw ng katumbas: uri {species) = pangalan ng uri; sari {genus} = ...; at pamilya {family} = ....

Sana ay maipatupad/maisagaw ito kaagad, lalo na ngayong buhay na ang kahon na nakapaguudyok ng interes para mas mabilis na maisalin/magpalawig/magdagdag ng mga artikulong pang-kalikasan. Salamat. - AnakngAraw 17:25, 20 Pebrero 2008 (UTC)Reply

Mariing pagtutol Bagaman ang layunin ng Wikipedya ay ang pagpapalaganap ng kaalaman sa buong mundo, mayroong pa itong ikalawang layunin, ang pagpapalaganap ng wika; sa kalagayan natin ito ang wikang Tagalog. At tandaan din po nating, ito ang Wikipedyang Tagalog hindi ang Ingles, Englog o Taglish Wikipedia. Sa tingin mo, ganito ba ang ginagawa ng ibang Wikipedya sa mga mas di-kilalang wika? Aba siyempre hindi! Hindi naman ginagawa ito ng mga Wikipedistang Latino, Esperanto, o ng anumang wika. Sa katotohanan, tayo lamang ang naglalagay ng mga saling Ingles sa tanang Wikipedya! Tayo lang! Kalokohan namang sarili nating wika ay hindi pag-aaralan, tatangkilikin at pagyayamin! Huwag tayong gumamit nito! Ito ang isa sa mga dahilan kaya namamatay ang Wika. -- Felipe Aira 10:16, 21 Pebrero 2008 (UTC)Reply

Pasnesya na at ngayon lang ko binuksan itong akawnt ko dito. Ito nga pala ang nilagay ko sa usapan ni AnakngAraw:

Palagay ko ay hindi na kailangang may Ingles pa na salin sa mga infobox. Dapat mayroon na lamang isang blue link sa unang pagbabanggit ng termino sa artikulo. Halimbawa: sa kaharian ng mga hayop. Palagay ko ay malulutas ito sa pamamagitan ng paggawa at pagpapalawig ng mga x(taksonomiya) na mga artikulo at i-link ito sa mga pagbabanggit na tinukoy ko kanina. Pwede naman nating ilagay ang mga salin na Ingles sa mga artikulong ito. Pasensya na rin kung hindi ako masyadong aktibo dito sa tl. Hindi kasi maganda ang internet dito sa opisina namin at paminsa-minsan lang ako nakakasilip sa en at tl wiki.--Lenticel (usapan) 23:40, 20 Pebrero 2008 (UTC) --Lenticel (usapan) 22:39, 28 Pebrero 2008 (UTC)Reply

Mungkahi sa Pagsasaayos ng Gabay sa Istilo para sa Taksonomiya

baguhin

Gusto ko sanang simulan na natin ang pagsasaayos ng WP:Taksonomiya

Eto ang aking mungkahi:

  1. Latin ang gamitin kung walang sanggunian matatagpuan na naglalarawan ng terminong tagalog
  2. Kung may sanggunian, dapat gawa ng eksperto sa etimolohiya gaya ng Sentro ng Wikang Filipino o eksperto sa taksonomiya o soolohiya gaya ng mungkahi ni Agham
  3. Wag gamitin ang Ingles, galing rin naman yun sa Latin so alang sense na isalin ito kung andito naman ang orihinal.

--Lenticel (usapan) 06:09, 27 Enero 2012 (UTC)

Pagpapatuloy ng http://tl.wikipedia.org/wiki/Usapang_padron:Taxobox/core

baguhin

Hindi masasabing ang pag-ayon ng ilan ay pag-ayon ng 'pamayanan' ng wiki tagalog[1]. Saan ba ang kasunduan ng 'pamayanan' sa wiki tagalog na ang patakaran ay dapat gamitin ang mga nasa diksiyonaryo na mga inimbentong lumang salita kahit hindi ginagamit sa kasalukuyan? Bakit ipapataw ang pananaw na ito bilang patakaran kung may mga pagtutol sa kapihan tungkol sa isyung ito.Atn20112222 (makipag-usap) 02:33, 30 Hulyo 2013 (UTC)Reply

Kung tutuusin, 2008 pa sinang-ayunan ng pamayanan ito. Oo, maaaring magbago ang patakaran, ngunit huwag mong ipamukha sa amin na ipinapataw lamang namin ang naisin ng ilan kung ang pamayanan sa panahong iyon ang sumang-ayon dito (at tandaan na mas maliit ang pamayanan ng Wikipediang Tagalog noon kaysa sa ngayon). Gayundin, hindi mo masasabi na "inimbentong lumang salita" ito dahil hindi tayo lingguwistiko: wala tayong kakayahang humusga sa saysay ng diksiyonaryo. Maaari lamang itong tanggapin, o hindi: sa pagkakataong ito, mas nararapat na tanggapin ito kaysa sa hindi. Kung kayang "kalimutin" ng mga tao ang mga salitang hindi na nagagamit dahil sa paglaganap ng Taglish o ng Ingles, mas may kakayahan silang matuto ng mga salitang ito upang mabalik ito sa paggamit. --Sky Harbor (usapan) 00:20, 8 Agosto 2013 (UTC)Reply
Kaya pumabor sa isang pananaw, dahil mabilisang isinara ang usapan ng editor na umaayon sa pananaw na iyon. Ayon dito[2], hindi nga tumagal ng 1 buwan ang usapan. At bakit isasara agad kung mas maliit ang 'pamayanan' sa panahong iyon at hindi na lang pinanatiling bukas upang ang mas maraming may ibang pananaw ay makasali sa usapan. Ang katunayan, kahit sa usapang iyon ay may mga pagtutol rin ngunit naisara agad kaya lumalabas na ang pag-ayon ng ilan ay pag-ayon ng inaangkin mong 'pamayanan'. Hindi ko sinasabing bawal sumali sa usapan ang sinumang 'aktibong editor' na nag-aambag ng mga nilalaman sa wiki tagalog pero kung ito ay tumatalakay sa isang paksa na komplikado ay dapat mas bigyang timbang ang mga pananaw ng mga bihasa o maalam sa paksang iyon gaya ng pagbibigay ng mas timbang sa pananaw ng isang matematiko tungkol sa matematika kesa sa pananaw ng propesor ng ingles. At paano masisiguro na isinulat ang mga diksiyonaryong ito ng mga taong bihasa o eksperto sa agham? Halimbawa, sa isang diksiyonaryo na updf, mababasang ang unggoy na macaque ay isinaling 'bakulaw' na inilipat ko sa bakulaw (unggoy) ngunit sa ibang diksiyonaryong tagalog-ingles, ang bakulaw ang salin ng ape. Kahit sa mga diksiyonaryong tagalog-ingles ay may magkakaibang mga 'pananaw'/salin kaya paano masasabing ang pananaw ng isang diksiyonaryo ay tama lalo na kung ang isinalin ay isang komplikadong paksa sa agham. Mas bibigyan bang timbang ang paggamit ng bakulaw sa unggoy dahil lang nasa isa o kahit pa libo libong diksiyonaryong tagalog-ingles kung ayon sa agham, ang bakulaw ay hindi unggoy? At kung wala tayong kakayahang humusga sa saysay ng diksiyonaryo, bakit mo hinuhusgahang ito ang tamang salin at dapat gamitin lalo na kung hindi rin ito ginagamit ng mga ibang diksiyonaryo . Paano mo mapipilit ang mga editor dito na tanggapin ang lumang diksiyonaryong sanggunian mo, kung ang ibang mga manunulat ng mga bagong diksiyonaryo ay 'hindi tumatanggap' dito. Kahit sinong tao ay pwedeng maglimbag ng aklat diksiyonaryo[3]. Napakaraming nagkalat na mga diksiyonaryo sa internet pero ang mga ito ay hindi sinasangguni ng mga siyentipiko sa mga paksang siyentipiko sa kanilang mga papel. Huwag ka rin sanang magpalagay na ang mga taong nagbabasa rito ay makakapagsangguni o makakabili ng mga 'lumang diksiyonaryong' hawak mo para lang hanapin ang mga 'kahulugan' at maunawaan ang mga hindi alam na salitang ito.Atn20112222 (makipag-usap) 01:59, 8 Agosto 2013 (UTC)Reply
Return to the project page "Gabay sa Istilo (Taksonomiya)".