Felipe Aira
Ito ang pahinang usapan upang mag-iwan ng mensahe para kay Felipe Aira. Mangyaring panatilihin ang kagandahang-asal .
Pakilagay lamang ang inyong mensahe sa ibaba kasunod ng inyong lagda sa pamamagitan ng paglalagay ng apat na bantas (~~~~) kung gagamit ka ng wikitext. Kung hindi ka pamilyar sa wikitext, pindutin na lamang ito para magsimula ng bagong paksang mapag-uusapan. Maraming salamat po. Baguhan sa Wikipedia? Makatutulong sa iyo ang mga pahinang ito: Wikipedia:Patungkol at magtanong upang matugunan. |
Kaya asahang hindi ako makakapagsulat ng mga artikulo sa kasalukuyan.
Magiging aktibo lamang ako rito sa pagtupad ng aking mga tungkuling pampangangasiwa.
Ang aking asong si Juan
| ||||||||||
Mga wikang aking ibinibigkas | ||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
| ||||||||||
Pagkamamamayan | ||||||||||
Mga pananaw | ||||||||||
| ||||||||||
Mga kinasasapian | ||||||||||
| ||||||||||
Mga ipinapangasiwaan | ||||||||||
| ||||||||||
Iba pa | ||||||||||
|
-225 araw pa bago ang kaarawan ko!
Mga Sinupan |
---|
Wala pa sa ngayong sinusupan (Lumikha)
|
Mabuhay!
Hello, Felipe Aira, at maligayang pagdating sa Wikipedia! Salamat sa iyong mga kontribusyon. Sana ay magustuhan mo at manatili ka sa websayt na ito. Ito ay talaan ng mga pahina na sa tingin mo ay makatutulong sa iyo:
- Tungkol sa Wikipedia
- Mga patakaran at panuntunan
- Paano baguhin ang isang pahina
- Paano magsimula ng pahina
- Mga kombensyon sa pagsusulat ng mga artikulo
- Pahinang nagbibigay ng tulong
Sana ay malibang ka sa pagbabago ng mga artikulo at pagiging isang Wikipedista! Maaari ninyo pong ilagda ang inyong pangalan sa pamamagitan ng pag-type ng apat na tidles (~~~~); ito ay automatikong maglalagay ng pangalan at araw. Kung kailangan mo ng tulong, maaari kang pumunta sa Wikipedia:Konsultasyon, tanungin mo ako sa aking pahinang diskusyon, o ilagay ang {{helpme}}
sa iyong pahinang diskusyon at isang user ang madaling lalabas upang sagutin ang iyong mga tanong. Huwag rin ninyo pong makalimutang lumagda sa ating guessbook. Muli, mabuhay!
Tungkol sa Pagdagdag ng mga Wikipedista
baguhinSalamat pero huwag na lang. Umalis na naman ako, eh. (Tignan ang aking user page kung bakit.) - Emir214 08:25, 29 Disyembre 2007 (UTC)
- Mayroon pang pag-asa ang Wikipedyang Tagalog kahit bagsak ito sa kalidad. Sana, muli mong pag-isipan ang iyong paglisan. Lahat ng tulong na kayang maiambag ng lahat ay totoong makakabuti ng Wikipedyang ito, kasama na doon ang iyong tulong. Muli sana, magbalik ka. Salamat. -- Felipe AiraWikipedyaKalidad 21:09, 1 Enero 2008 (UTC)
- Totoo Emir214 nakakasuklam nga ang mga artikulong isa lamang na pangungusap ang nilalaman. Kanina nga lamang ay gumawa ako ng isang pagsubok kung saan pinindot ko ang Special:Random nang 10 ulit nang 3 ulit (30 lahat). -- Felipe Aira 11:40, 2 Enero 2008 (UTC)
- Bunga:
- Unang pagsubok
- 2 artikulo; 8 usbong
- Ikalawang pagsubok
- 2 artikulo; 8 usbong
- Ikatlong pagsubok
- 1 artikulo; 9 usbong
- Unang pagsubok
- Pagwawakas:
- Halos lahat ng nilalaman ng Wikipedyang Tagalog ay mga usbong. Lahat ng mga artkulong aking nahanap sa pamamagitan ng Special:Random ay mga pook; isang bansa (Cuba), ang mga natira ay mga lalawigan at bayan sa Pilipinas. -- Felipe Aira 11:40, 2 Enero 2008 (UTC)
- Bunga:
- Siguro kung sa Wikipedyang Ingles ito, lahat ng mga iyon ay binura na ng mga mambubura (deletionist). Totoong bagsak tayo sa kalidad. Isa lamang itong representasyon ng Pilipinas. Pero kagaya ng Pilipinas mayroong pang pag-asa ang Wikipedya. Sana magbalik ka at iba pang mga lumisang Wikipedista ng Tagalog at iba pang wika. -- Felipe Aira 11:40, 2 Enero 2008 (UTC)
Salamat
baguhinIsang gawad | ||
Ang barnstar na ito ay ibinibigay ko kay Felipe dahil marami siyang ginawa sa Tagalog Wikipedia kahit mababa ang kalidad nito. Ako rin ay nagpapasalamat dahil hindi ka nauubusan nang pasyensiya sa pag-edit ng Wikipedia. Pokemon fan 09:19, 5 Disyembre 2007 UTC) |
- Naghihinayang ako kay Emir214. =( Pokemon fan 03:34, 5 Enero 2008 (UTC)
- Maraming salamat sa award. -- Felipe Aira 09:02, 5 Enero 2008 (UTC)
Tanong?
baguhinAno ang halimawa ng sanggunian na nabubura?
Pokemon fan 03:34, 5 Enero 2008 (UTC)
- Actually once naregister ang isang account hindi na ito mabubura (sa ngayon). Punta ka sa m:Metapub. Hanapin mo roon ang aking mungkahi para sa pagbubura ng mga akawnt na walang ambag at matagal nang hindi ginagamit. -- Felipe Aira 08:58, 5 Enero 2008 (UTC)
Checkuser
baguhinHi, please take a look at Wikipedia:Kapihan. --Dungodung 12:58, 4 Enero 2008 (UTC)
- No, I don't speak Tagalog, unfortunately. The only thing I know is "Mahaba ni tongo" :) --Dungodung 14:32, 4 Enero 2008 (UTC)
MariMar
baguhinGanoon ba? Sige, ikaw na ang bahala sa paglipat. Hindi ko din malaman kung sino ang naglagay ng seryeng pantelebisyon sa pilipinas sa artikulong iyon ngunit hinayaan ko na lamang iyon dahil akala ko ay gagawa din sila ng Tagalog Wikipedia sa orihinal na serye nito. Maraming Salamat. User:Celester Mejia 21.30, 09 Enero 2008 (UTC)
Rogationist College
baguhinHi, lumikha ako ng artikulo sa English Wikipedia tungkol sa Rogationist College. Kaso ninomina na ito'y burahin. Tingnan en:Wikipedia:Articles for deletion/Rogationist College. Magbigay ka ng kumento kung gusto mo itong masalba. --Jojit (usapan) 06:40, 10 Enero 2008 (UTC)
- 'Di bale, mukha namang malabo ito mabura sa rami ng botong "keep". Nagbigay-puna na rin ako roon. -- Felipe Aira 09:53, 10 Enero 2008 (UTC)
Congratulations at ang Rogationist College ay nasa napiling artikulo. Paano ba palitan ang Unang Pahina Balita. Estudyante 10:43, 11 Enero 2008 (UTC)
- Salamat naman. Mababago mo ito sa pagpunta Template:UnangPahinaBalita. At baguhin ang pahina. Malamang kaya mo tinatanong ito sa akin ay dati nahahadlangan kang baguhin ito sa paliwanag na ito ay kasama sa Unang Pahina. Kung ganoon ang dahilan, magsaya ka na kasi inalis na iyon ni Jojit kanina lamang. Maaari nang baguhin ninumang manggagamit iyon ngayon. -- Felipe Aira 11:17, 11 Enero 2008 (UTC)
Charles Darwin
baguhinAno ba ang kailangan na pamantayan para ito ay maging mapiling artikulo? Estudyante 01:22, 19 Enero 2008 (UTC)
cite news
baguhinIto ang nakikita ko sa cite news: Template:Cite news/doc Malaking pagkakaiba sa Ingles na Wikipedia--Lenticel (usapan) 06:18, 19 Enero 2008 (UTC)
Bituin ng Tagapagtanggol ng Tl Wiki | ||
Para sa iyong patuloy na pagpalago ng Tagalog na Wikipedya kahit na napakarami ng mga stub dito --Lenticel (usapan) 12:45, 15 Pebrero 2008 (UTC) |
- Salamat -- Felipe Aira 06:10, 16 Pebrero 2008 (UTC)
Tapos ko nang isalin sa Tagalog mula sa Ingles na artikulo ang Thalía. Ito ay direktang pagsasalin mula sa Ingles hanggang Tagalog, ngunit ang mga ibang salita ay hindi naisalin sa Tagalog (katulad ng criminologist, studio album, etc.). Sa ngayon tapos na ito, ngunit si Thalía ay magkakaroon pa ng bagong album at darating na proyekto kayat maari pa itong mabago at maidadag. Maraming salamat pala sa pagkagusto mong maging nominado ang artikulo ko kay Thalía sa nominasyon para sa Napiling artikulo/larawan. Siyempre ako ay sang-ayon na ito ay maging nominado.
MOS taksonomiya
baguhinMukhang ayos naman ang MOS na ito. Siguro ay makatutulong kung sisilipin mo rin ang en:Wikipedia:Naming conventions (fauna) at en:Wikipedia:Manual_of_Style#Animals.2C_plants.2C_and_other_organisms. Baka may maisip kang dapat maidagdag pagkatapos mong makita ang mga ito.
PS palagay mo ba ay kailangan na nating tagalugin ang mga infobox natin? Hindi ako magaling sa mga infobox, baka makatulong ka o si Bluemask ukol dito--Lenticel (usapan) 13:01, 16 Pebrero 2008 (UTC)
- Susubukang kong isalin ito ngayon o kaya bukas kasi matutulog na ako. -- Felipe Aira 13:45, 16 Pebrero 2008 (UTC)
- Tapos ko na ko na ang taxobox isusunod ko na rin ang MOS. -- Felipe Aira 11:10, 17 Pebrero 2008 (UTC)
Usbong
baguhin- Ang bilis mo naman. Pero, natutuwa ako eh. Ha, okay na-fix ko na yung
Thanks for the Welcome messaage!
baguhinBest reagards and greetings from Munich user:gangleri
·לערי ריינהארט·T·m:Th·T·email me· 13:10, 18 Pebrero 2008 (UTC)
Gantimpala para sa isang masigasig na Wikipedista
baguhinPara sa ipinadala ninyong gantimpala para sa akin: Salamat po ng marami! Ikinagagalak ko ang inyong pagbati at pagtanaw... Isa pong karangalan ang makatanggap ng ganitong uri ng pagkilala. - AnakngAraw 14:22, 27 Pebrero 2008 (UTC)
Welcome message
baguhinSalamat sa mensahe. --Pare Mo 15:17, 27 Pebrero 2008 (UTC)
Maraming salamat sa welcome message. --Quess 00:45, 6 Marso 2008 (UTC)
- you have to add a spelling-tl.txt file in the spelling foulder (of the pywikipediabot framework) and only then you can use the script. (with a command like: python spellcheck.py -start:!) Filnik.
- It gives that problem if you don't use -start:! ;-) For me was the same, bye, Filnik.
Pasasalamat
baguhinGantimpalang umiinog na bituin | ||
Ang gantimpalang bituing ito ay ipinagkakaloob ko kay Felipe Aira dahil sa kanyang malikhain at mapunahing kaisipan, at sa mga gawaing pag-aambag dito sa Wikipedyang Tagalog. Huwag sanang magsasawa. Mabuhay ka! - AnakngAraw 00:11, 21 Marso 2008 (UTC) |
Unang Pahina: Napiling Larawan
baguhinMay problema ang napiling larawan ng unang pahina. Nakita kong pula ang kawing ng napiling larawan. Sinubok kong ayusin pero wala rin akong magawa... Pakitingnan. Salamat. - AnakngAraw 01:16, 24 Marso 2008 (UTC)
Emir214?
baguhinAno na ang nangyari sa manggagamit na ito? - 203.87.129.111 05:38, 27 Marso 2008 (UTC)
Paghaharang kay Tukmol
baguhinBahagyang nakasanggalang ang artikulo ni Bong Revilla, Jr. Kakausapin ko si Tukmol. --Sky Harbor 07:02, 28 Marso 2008 (UTC)
Magandang Umaga :)
baguhinSa tingin ninyo po mas maganda kung lagyan ko ng mga episodes ang SpongeBob na Article?
Yung tulad po sa Wikipedia na English.
Nikki 03:05, 31 Marso 2008 (UTC)
- Oo naman hanggang makakabuti sa artikulo. PS Pakilagay na lamang sa artikulo kung saan mo nakuha iyong mga episode. Bawal pagkuhanan ang English Wikipedia, siguro mga fansites? O kaya kung saan ka man makahanap. -- Felipe Aira 05:23, 31 Marso 2008 (UTC)
Kumusta po. Kailangan po yata ninyong ayusin yung kawing na ito, dahil kapag nag-iiwan ako ng bagong mensahe (bagong seksyon) habang nasa pahina ng ibang tagagamit sa Ingles na Wikipedia, tumatalon po at pumunta patungo sa kawing na ito. Dito sa kawing na ito naiiwan ang mensahe, hindi dun sa pahina ng pinag-iiwanan ng mensahe. Salamat po.
Pagtatanggol
baguhinSalamat din po pala sa ginawa ninyong aksyon hinggil sa nangyaring bandalismo nung isang araw sa isang pahina. Salamat. Nagtala po ako ng ilang mungkahi sa WP:Kapihan hinggil dito. - AnakngAraw 02:33, 1 Abril 2008 (UTC)
Mga pambati sa bandalo at di-kilala at bandalo
baguhinKumusta po uli. Ipinaaalam ko lang po na di ko pa nagawang palitan ang mga kulay para sa dalawang pambati na ito dahil hindi ako sigurado kung saan babaguhin. Pakisuyo na lang po tulad ng sabi ninyo. Muli, salamat. - AnakngAraw 19:34, 1 Abril 2008 (UTC)
- Ay, nakita ko na po pala, dun din nga pala sa pahina na iyon ng Template:Pambati. Pero napansin ko po na gumagana lang ang pagbabago ng kulay para sa "pambati: bandalo at hindi kilala". Pero hindi po nabago yung sa "pambati: bandalo". Iyun na lang po, ang pakiayos. Hindi ko alam kung bakit e... Salamat. - AnakngAraw 20:03, 1 Abril 2008 (UTC)
- Tapos na. -- Felipe Aira 01:36, 2 Abril 2008 (UTC)
Nasaan na po yung iba?
baguhinBakit po wala na akong nakakahalubilong tagapangasiwa? Maaari po ba ninyo silang kontakin? - AnakngAraw 20:02, 2 Abril 2008 (UTC)
Mayroon po akong sinusubukan sa suleras na ito, pero meron akong hindi maayos. May bahagi na ayaw humiwalay sa isang bahagi e. Gusto ko lang makita ang kabuoan kasi. - AnakngAraw 20:03, 2 Abril 2008 (UTC)
Napansin ko lang na wala tayong napiling artikulo mula sa Biyolohiya. Imumungkahi kong kopyahin at tagalugin mo ang en:Tamaraw. Good article ito sa Ingles na wikipedia pero palagay ko ay pwede itong maging napiling artikulo dito. Maayos ang pagkakagawa nito at gabundok ang mga sangguniang ginamit. Kulang lang ang mga larawan (mahirap makuhaan ang isang nanganganib na hayop :)) pero palagay ko ay hindi naman iyon gaanong kaimportante. Nga pala pag may kailangan ka ay puntahan mo ako sa en at hindi sa tl. Maraming salamat.--Lenticel (usapan) 07:56, 3 Abril 2008 (UTC)
- Puwede po sigurong kunan ng litrato ang istatwa ng tamaraw na nasa Luneta? Para dalawa ang larawan para sa itaas na gagawin ninyong artikulo... - AnakngAraw 20:09, 4 Abril 2008 (UTC)
Napiling larawan
baguhinKumusta po... hindi pa po yata nagagamit ito: Template:Napiling Larawan/Image:Iraq map.png, bagaman napili siya. Salamat. - AnakngAraw 17:26, 7 Abril 2008 (UTC)
- Salamat sa paalala. Manwal na lang kasing pinapalitan ngayon hindi na gumagana ang suleras na ginawa ko. -- Felipe Aira 02:39, 8 Abril 2008 (UTC)
Maraming Salamat
baguhinMaraming salamat sa pagtulong mo sa pagtatama ng aking mga grammar. Laking tulong ka. Salamat. Mariel, Labis na Tagahanga ni Thalía, 02:44, 9 Abril 2008 (UTC)
Mga Pahinang Buburahin
baguhinTanong lang po? Mayroon akong ininomina na artikulo na buburahin eh wala po sa tala ng arkibo ang artikulong iyon. Anong nangyari? Binura ba? Estudyante 07:54, 15 Abril 2008 (UTC)
- Binura na po. Kagaya ng sinabi ko po hindi na kailangan nitong dumaan sa proseso dahil ikaw mismo ang humihiling na mabura ito. Siyempre ikaw may-ari noon dahil ikaw lamang ang nag-ambag doon, may karapatan kang ialis yon sa Wikipedya. -- Felipe Aira 08:19, 15 Abril 2008 (UTC)
Hindi ko pa po ito tapos pero pwede po pakitingin ng artikulo na ito, Hindi ganoon kalalim ang mga alam ko Tagalog na salita pero po Pilipino po ako, pakitingin lang po ang aking ginawang artikulo at pakibago ang mga maling pagtranslate. Sa tingin ninyo po itutuloy ko pa po ba? Lahat lahat po ng mga Season po kasi 6 sa Amerika, pero hanggang Season 4 lang po sa Pilipinas papalabasin na po ang ika-5 na season sa susunod na Linggo. Ang ginagawa ko po tinatranslate ko ang mga ito galing sa Wikipedia na Ingles. Ok lang ba to?
Nikki 16:26, 17 Abril 2008 (UTC)
- Ayos na ayos po! -- Felipe Aira 02:57, 19 Abril 2008 (UTC)
122.2.221.11
baguhinAko ang nagbago sa pahina ko. Nakalimutan ko lang lumagda.
Nikki 12:47, 22 Abril 2008 (UTC)
- Patawad na lamang po sa gambala. -- Felipe Aira 13:02, 22 Abril 2008 (UTC)
Pagbubura
baguhinKawangis ng isang regular na Wikipedian sa English, naniniwala ako na nararapat na isaalang alang sa Wiki ang "good faith" o mabuting intensyon. Sa iyong pagbubura sa "Roselle Nava" napansin ko na ang ambag sa artikulong iyon ay nagtataglay ng ilang lehitimong impormasyon at hindi maituturing na bandalismo o paninira.
Maari itong lagyan ng Wiki template na tumatawag ng atensyon ng pagsasaayos o paglilinis, pagsasalin, o iba pang karapat dapat na aksyon.
Tomas De Aquino 04:43, 26 Abril 2008 (UTC)
- Ibinalik ko po ang nilalaman ng pahina. Pero itinag ko rin iyon ng {{hinditagalog}}. Mangyayaring aalisin ang mga hindi Tagalog na nilalaman kapag lumagpas na ang taning. Pakisilip po ang pangalan ng nag-ambag. -- Felipe Aira 05:04, 26 Abril 2008 (UTC)
- Maraming salamat po sa inyong pagpapasilip ng pangalan nang nag-ambag. Gayumpaman, hindi ko ito magagamit na batayan upang husgahan ang kaniyang layunin. Siya nga pala, ano ang palugit upang maisalin ang artikulong hindi tagalog? Nakasaad ba ito sa talaan ng mga panuntunan sa pagsasalin o pagsusulat. Matagal tagal din akong nawala at hindi ko alam kung ilang karagdagan alituntunin ang naidagdag sa listahang aking isinalin. Tomas De Aquino 05:10, 26 Abril 2008 (UTC)
- Dalawang linggo po pagkatapos ng pagkakagawa ng artikulo. Wala po akong nalalamang patakaran, pero simula nang dumating ako rito iyan na ang isinusunod. Awtomatikong ginagawan ng suleras ang palugit. -- Felipe Aira 05:12, 26 Abril 2008 (UTC)
- Maraming salamat po sa inyong pagpapasilip ng pangalan nang nag-ambag. Gayumpaman, hindi ko ito magagamit na batayan upang husgahan ang kaniyang layunin. Siya nga pala, ano ang palugit upang maisalin ang artikulong hindi tagalog? Nakasaad ba ito sa talaan ng mga panuntunan sa pagsasalin o pagsusulat. Matagal tagal din akong nawala at hindi ko alam kung ilang karagdagan alituntunin ang naidagdag sa listahang aking isinalin. Tomas De Aquino 05:10, 26 Abril 2008 (UTC)
- Sa aking palagay, nararapat na burahin lamang ang bahaging hindi tagalog, imbes na burahin ang buong artikulo.Tomas De Aquino 05:13, 26 Abril 2008 (UTC)
- Ganoon nga po ang ginagawa. -- Felipe Aira 05:15, 26 Abril 2008 (UTC)
- Sa aking palagay, nararapat na burahin lamang ang bahaging hindi tagalog, imbes na burahin ang buong artikulo.Tomas De Aquino 05:13, 26 Abril 2008 (UTC)
Marami na pong nangyari simula nang umalis kayo. Magbibigay po ako ng ilang mga nangyari noong wala kayo kung gusto niyo. -- Felipe Aira 05:17, 26 Abril 2008 (UTC)
Patungkol sa "Stub o Usbong"
baguhinHinihiling na itaas ang kalidad nang pagkakasalin. Ito ang akin suhestiyon:
- "Ang artikulong ito ay isang stub. Inaanyayahan ang lahat na palawigin ang pahinang ito." Tomas De Aquino 01:46, 3 Mayo 2008 (UTC)
- Hindi ko po matatanggap ang paanyaya, nandito lamang po ako sa Wikipedya upang magbantay sa bandalismo, at hindi na ako nagsusulat ng mga artikulo katulad dati. Nasa Wikibooks na Tagalog kasi ako ngayon nagsusulat. Ikaw baka gusto mo ring pumunta roon. -- Felipe Aira 01:49, 3 Mayo 2008 (UTC)
- "Ang artikulong ito ay isang stub. Inaanyayahan ang lahat na palawigin ang pahinang ito." Tomas De Aquino 01:46, 3 Mayo 2008 (UTC)
Please participate on Wikimedia Philippines discussion
baguhinAs one of the participants of Wikipedia Philippines, we are inviting you to participate in the discussion about the revised Articles of Incorporation. Feel free to comment and scrutinize the document. Some of the topics to be resolve include:
- a) start-up capital;
- b) bank account of choice;
- c) and nomination of a treasurer.
For your information, last May 5, 2008, Mr. Vincent Isles reserved the company name “WIKIMEDIA PHILIPPINES, INC.” from the Securities and Exchange Commission. The reservation will expire on August 3, 2008. The next steps will be the approval of the Articles of Incorporation and By-Laws. We are fast-tracking the process that is why your inputs are vital and very much appreciated.
Please visit the following links for your reference:
- The revised Articles of Incorporation: http://meta.wikimedia.org/wiki/Wikimedia_Philippines/Articles_of_Incorporation
- Discussion page for the revised Articles of Incorporation: http://meta.wikimedia.org/wiki/Talk:Wikimedia_Philippines/Articles_of_Incorporation
- Mr. Isles’ email regarding the company name reservation: http://tech.groups.yahoo.com/group/philwiki/message/156
- Josh Lim’s (Sky Harbor) pseudo-manifesto: http://tech.groups.yahoo.com/group/philwiki/message/168
Gumawa ako ng artikula mula sa Ingles na wikipedia, pero hindi ko pa alam kung ano ang kategorya...
Beatlesnicole 18:06, 21 Mayo 2008 (UTC)
- Sige ikakategorisa ko. -- Felipe Aira 02:46, 22 Mayo 2008 (UTC)
4th Philippine Wikimedia Chat
baguhinPwede ko ba malaman ang e-liham mo? Inimbitahan kasi ako ni Exec8 sa isang chat sa sabado gamit ang YM. Estudyante (Pahina ng Usapan) 06:06, 4 Hunyo 2008 (UTC)
felipe_aira@yahoo.com.ph
-- Felipe Aira 08:46, 4 Hunyo 2008 (UTC)
- Salamat. Isa nya pala, ginawa ko ang artikulong ito, Wikipedia:Mga malimit itanong, alam ko kailangan pa ito palawakin pero magagagamit kaya ang artikulong ito lalo na sa baguhan. Naglagay na ako ng isang tanong doon. Estudyante (Pahina ng Usapan) 07:13, 5 Hunyo 2008 (UTC)
- Salamat sa iyong malawak na pagtulong dito sa Wikipedya. Tutulungan kitang sulatin iyon sa darating na panahon, ngunit hindi muna ngayong pasukan. -- Felipe Aira 09:56, 5 Hunyo 2008 (UTC)
- Salamat. Isa nya pala, ginawa ko ang artikulong ito, Wikipedia:Mga malimit itanong, alam ko kailangan pa ito palawakin pero magagagamit kaya ang artikulong ito lalo na sa baguhan. Naglagay na ako ng isang tanong doon. Estudyante (Pahina ng Usapan) 07:13, 5 Hunyo 2008 (UTC)
Philippine Wikipedia graphs
baguhinPaki update o gawa ng version na hanggang May 2008, hanggang Feb 2008 lang kasi yung nasa graph. Salamat. --Filipinayzd 18:00, 10 Hunyo 2008 (UTC)
- Hindi ko magagawa iyan kasi hanggang Pebrero lang ang ibinibigay ng stats.wikimedia.org kaya hanggang hindi sila gumagawa ng mga bagong numero, hindi ako makakagawa ng mga graph. -- Felipe Aira 08:49, 11 Hunyo 2008 (UTC)
- Ganun ba? Salamat. --Filipinayzd 10:08, 11 Hunyo 2008 (UTC)
Ooops
baguhinSorry. --bluemask 09:53, 16 Hunyo 2008 (UTC)
Blocking
baguhinmasyado yatang malaki ang ip range ng blocks na ginagawa mo (gaya ng 205.0.0.0). baka isang buong bansa ang di makagamit. at pwede bang babaan mo yung block time. masyado yatang matagal ang 3 araw para sa mga range. --bluemask 09:57, 16 Hunyo 2008 (UTC)
- Kaya nga wala ring kwenta eh hindi kasi masakop ang bandalo. Pero ang lang sakop niyon ay kung 205.0.0.0/16 ay mula 205.0.0.0 hanggang 205.0.255.255 kaya wala ring kwenta. Hindi ko maalis ang harang, ewan ko ba di bale tapos na rin naman iyon bukas at kahit kailan wala pang gumamit niyon. -- Felipe Aira 10:20, 16 Hunyo 2008 (UTC)
Maaari mo bang i-import ang en:Template:Awd dito upang mailagay natin ang mga parangal ng mga artista at iba pang tanyag na mga tao tulad ni Gina Alajar? Salamat.--Lenticel (usapan) 00:59, 19 Hunyo 2008 (UTC)
- Ginawa na ni Bluemask. -- Felipe Aira 10:26, 19 Hunyo 2008 (UTC)
Unang Pahina
baguhinKuya napansin ko pong walang link sa ingles na wikipedia ang unang pahina dito, maari po bang baguhin yun? Saka rin po may mga "pulong" ako dito na "lunsayng binisaya".
- alampat- art
- hawa-wind (iba rin sa hangin na air)
Sa susunod ay raramihan ko na po at bibigyan ko po kayo ng isang "balak"(tula). —Ang komentong ito ay idinagdag ni Palang hernan (usapan • kontribusyon) noong Hunyo 22, 2008.
- Nilagyan ko na po ng link papuntang Wikipedyang Ingles. Pakilinawan po ang sinabi niyo dahil nahihirapan po akong intindihin iyon. Salamat. -- Felipe Aira 11:10, 22 Hunyo 2008 (UTC)
- Tinutulungan niyo po ba ako sa pag-aaral ng Cebuano? Kung ganoon nagpapasalamat po ako. -- Felipe Aira 08:50, 25 Hunyo 2008 (UTC)
Template:Otheruses
baguhinBakit hindi na humihilig ang titik kapag ginagamit ang Template:Otheruses sa mga artikulo? - AnakngAraw 21:54, 22 Hunyo 2008 (UTC)
- Ayos na po. -- Felipe Aira 05:58, 23 Hunyo 2008 (UTC)
Magkarga ng talaksan (file) sa Unang Pahina
baguhinPakikumpuni naman ang kawing na Wikipedia:Upload. Hind agad doon pumupunta ito. Salamat. - AnakngAraw 17:36, 24 Hunyo 2008 (UTC)
- Sa totoo po, matagal na pong problema ito. At hanggang ngayon ay wala pa ring kalutasan, hindi ko rin po alam kung bakit nagkaganoon. Nagsimula po ito bandang Abril o Mayo pa po. -- Felipe Aira 08:45, 25 Hunyo 2008 (UTC)
PH Municipalites map
baguhinManwal ba ang pagkrieyt mo nung Abra at Ilocos Sur o meron kang espesyal software na ginagamit? --Filipinayzd 02:34, 6 Hulyo 2008 (UTC)
- Ginamit ko po ang Ink Scape. Silipin mo na lamang ang impormasyon tungkol dito sa Ingles. At oo nga rin pala paumanhin sa aking mabagal na pagtugon, kasi ang buong bayan ng Dasmarinas ay naputulan ng PLDT, kahit mga telepono at kompyuter shop ay walang Internet; balita raw ay ninakawan sila ng kable rito. At dahil doon napatigil din ang paggawa ko ng mga mapa. Kasalukuyan ko nang inaayos ang Batanes (at masasabi kong iyon ang mahirap dahil sa marami nitong baybayin). Tapos ko na ang Abra, Ilocos Norte at Sur, Apayao at Cagayan. -- Felipe Aira 09:42, 7 Hulyo 2008 (UTC)
- Ang mungkahì ko ukol sa sukat ng dokumento ay paghiwalayin ang Luzon, Palawan (at KGI), Visayas, at Mindanao. --Filipinayzd 10:34, 7 Hulyo 2008 (UTC)
- Maaarî ko namang gawin iyon o kaya bawát rehiyon, at gawin din ang pambuong Pilipinas. -- Felipe Aira 11:45, 7 Hulyo 2008 (UTC)
- Maaarî bang ilapat sa mapa yung pisikal (bundok) nang sa gayon ay makikita kung aling mga barangay ay nasa kapatagan o kabundukan? Maganda siguro yung ganung locator map para sa bayan-bayan. Naisip ko lang. --Filipinayzd 15:26, 7 Hulyo 2008 (UTC)
- Ang mungkahì ko ukol sa sukat ng dokumento ay paghiwalayin ang Luzon, Palawan (at KGI), Visayas, at Mindanao. --Filipinayzd 10:34, 7 Hulyo 2008 (UTC)
Admin
baguhinTulungan mo naman akong maging admin (permanent) sa Bcl. Hindi ko alam kung saan at paano hihingì ng pahintulot. Wala namang pamayanan na [magno-nominate] at boboto. lol --Filipinayzd 10:34, 7 Hulyo 2008 (UTC)
- Tutulungan ko po kayo diyan. Maaari niyo pong imungkahi ang sarili sa m:Steward requests/Permissions#Administrator access. Sundin niyo lang po ang panuto roon sa pahina. Ipapaliwanag niyo lang naman po roon kung bakit niyo kailangan ng ganoong kapangyarihan. Ang pinakamahabang maibibigay nila sa iyo ay humigit-kumulang 3 buwan, pagkatapos niyon kailangan niyong magmungkahi ulit; para ba ng lisensya sa kotse, rumirihistro bawat taon. Ganoon din ang ginawa ko upang maging tagapangasiwa sa Wikibooks na Tagalog. Panandalian lamang ang maibibigay nila dahil kailangan ng pamayanan at botohan upang maging permanente ang inyong kapangyarihan. -- Felipe Aira 11:50, 7 Hulyo 2008 (UTC)
- Ayoko nung ganon kasi forever akong hihingi ng permiso everytime mag-eexpire. Imbes na nakaconcentrate ako sa paggawa ng artikulo, isa pa yung alalahanin kahit pa sabihing konting oras lang ang gugugulin sa hingi ng permiso. Kung meron din lang permanent ba't yung temporary pa ang ibibigay. --Filipinayzd
- Subukan niyo po kung makakahingi kayo ng permanente (ganoon din ginawa ko dati pero denied). Ganoon po talaga hanggang wala po kayong pamayanan sa wiki niyo. Subukan niyo pong ilagay sa Kapihan niyo sa Bcl ang tungkol dito, at subukang hingiin ang suporta ng lahat ng mga aktibong manggagamit bukod sa inyo. Kapag sumang-ayon po silang lahat, maaari nilang bigyan kayo ng permanenteng kapangyarihan. Ito ay dahil itinuturing na pamayanan basta mas marami sa dalawang tao. -- Felipe Aira 13:29, 7 Hulyo 2008 (UTC)
- Gawa kan ng account sa Bcl at bumoto dito. hehe Ilang boto ba kelangan? --Filipinayzd
- Wala naman pong kailangan na rami eh. Basta sumasang-ayon ang pamayanan (mas marami/halos lahat sang-ayon). -- Felipe Aira 09:53, 8 Hulyo 2008 (UTC)
- Gawa kan ng account sa Bcl at bumoto dito. hehe Ilang boto ba kelangan? --Filipinayzd
- Subukan niyo po kung makakahingi kayo ng permanente (ganoon din ginawa ko dati pero denied). Ganoon po talaga hanggang wala po kayong pamayanan sa wiki niyo. Subukan niyo pong ilagay sa Kapihan niyo sa Bcl ang tungkol dito, at subukang hingiin ang suporta ng lahat ng mga aktibong manggagamit bukod sa inyo. Kapag sumang-ayon po silang lahat, maaari nilang bigyan kayo ng permanenteng kapangyarihan. Ito ay dahil itinuturing na pamayanan basta mas marami sa dalawang tao. -- Felipe Aira 13:29, 7 Hulyo 2008 (UTC)
- Ayoko nung ganon kasi forever akong hihingi ng permiso everytime mag-eexpire. Imbes na nakaconcentrate ako sa paggawa ng artikulo, isa pa yung alalahanin kahit pa sabihing konting oras lang ang gugugulin sa hingi ng permiso. Kung meron din lang permanent ba't yung temporary pa ang ibibigay. --Filipinayzd
Tanong at kahilingan
baguhinSa tingin ko, kailangan ko ng tinatawag na buton na rollback, at bahagyang pangharang sa bandalo o kaya pamprutekta ng artikulo (kung pwidi). Minsan lang nangyari pero nagkaroon ng pagkataon na kailangan pindutin ko ng pindutin ang "ibalik" dahil sa makulit na di-kilalang patnugot. Salamat, at kung maaari lang... - AnakngAraw 12:56, 8 Hulyo 2008 (UTC)
- Ah sa tingin ko po narinig niyo na ang kagamitang rollback ng Ingles. Sa kasamaang palad, hindi po kagaya ng mga Tagapangasiwa nila, wala pong kakayahan ang mga tagapangasiwa ritong magtakda ng mga kapangyarihan/kagamitan. Ang tanging paraan lang po upang magkarollback ay maging isang tagapangasiwa rito. -- Felipe Aira 13:04, 8 Hulyo 2008 (UTC)
Can you help me with this? Thanks --Filipinayzd 13:43, 10 Hulyo 2008 (UTC)
Paano malalagyan ng ganito "Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya" yung Wiki namin? --Filipinayzd 15:55, 10 Hulyo 2008 (UTC)
Interface
baguhinKomento ko lang sa "akawnt", walang pantig na KPKKK (a-kawnt) sa Tagalog. Ang mga kayarian ng pantig sa Tagalog ay P, PK, KP, PKK, KPK, KPKK (nars), KKPK (dyip, trak) lamang yata. Yung KKPKK at mas mahaba pa ay Filipino na. --Filipinayzd 15:28, 8 Hulyo 2008 (UTC)
- Totoo po iyon, at maging ang mga ibinigay niyong pagpapantig ay matatagpuan lamang sa mga banyagaing salita. Sa totoo lang po, ang ginagamit ko po salin sa account ay "panagutan". Kung gusto niyo pong imungkahi ang pagbabago ng interface, pakimangkahi po ito sa Kapihan. -- Felipe Aira 08:51, 9 Hulyo 2008 (UTC)
- Pangngalan yung account sa "gumawa ng account". Hindi kaya "pagmamay-ari"? --Filipinayzd 15:54, 10 Hulyo 2008 (UTC)
Napiling Artikulo (suleras)
baguhinMay suliranin kapag lumilitaw ang Napiling Artikulo: Wiki. Napakaikli at may kulay pulang kawing. Pakiayos. At hindi yata lumilitawa ang Karagatang Pilipinas at Keso? - AnakngAraw 23:00, 10 Hulyo 2008 (UTC)
Ano ba po itong lumabas na ito sa Unang Pahina na may:
Napiling artikulo
Ito ay isang talaang pinagkasunud-sunod ayon sa panahon ng unang pagkakalabas ng mga bersyon ng mga operating system na nagngangalang Microsoft Windows, isang operating system na ginawa ng Microsoft Corporation.
MS-DOS-batay/Windows 9x Windows NT Windows Server Marami pang artikulong napili ...
Pakiayos naman po. - AnakngAraw 05:51, 11 Hulyo 2008 (UTC)
OK na po ang NAPOCOR
baguhinMahal kong Ka Felipe
OK na po ang sanggunian sa NAPOCOR para sa napiling artikulo? Maraming salamat po Delfindakila 13:07, 11 Hulyo 2008 (UTC)
Maraming salamat po
baguhinMaraming salamat po sa inyo. Tapos na po ang lathalaing NAPOCOR. Hanggang sa muli.Delfindakila 13:15, 11 Hulyo 2008 (UTC)
OK na po ang NAPOCOR Ika-2 bahagi
baguhinFelipe, ok na? sa Napocor? Delfindakila 14:14, 12 Hulyo 2008 (UTC)
Manila Electric Company
baguhinBalak kong bawasan ang redlink sa artikulong NAPOCOR, pero ayos ba ang translation ko ng Manila Electric Company ay Kompanyang Kuryente sa Maynila? Sasang-ayon rin ako sa botohan para ang NAPOCOR ay maging napiling artikulo. Estudyante (Pahina ng Usapan) 11:30, 13 Hulyo 2008 (UTC)
Glosaryo
baguhinAy, naalala ko na. Pakibigyan po naman ninyo ako ng kopya ng tala ninyo ng mga salitang ambag na sinasabi ninyong nilikha ng Itay ninyo. Para magamit ko rin. Salamat po. - AnakngAraw 13:55, 14 Hulyo 2008 (UTC)
- Ah nagkamali po tayo ng intindi doon. Hindi po kasama ang aking ama sa mga purista noong 1960's kundi siya lamang ay isang taong sumusuporta sa purismo. At kaya nasabi ko pong isa siya purista. Sa totoo po, sa kanya ko po unang narinig ang mga salitang "salumpuwit" (iyon ang ginagamit sa pang-araw-araw) at iba pang salitang purista. Patawad po sa hindi pagkakaintindihan. -- Felipe Aira 10:04, 15 Hulyo 2008 (UTC)
- Wala po iyon - nagkamali man po kayo o hindi - ang mahalaga po sa akin ay mabigyan po sana ninyo ako ng listahan ng mga salita, para nang sa gayon ay magamit o maisama ko pa rin po ang mga ito sa mga pahina dito sa Tagalog Wikipedia. Hindi po dapat malimutan ang mga salitang iyon... kailangang mabigyan po silang muli ng buhay sa pamamagitan ng Tagalog na Wikipedia. - AnakngAraw 11:35, 15 Hulyo 2008 (UTC)
- Eto po ang isang maikling (maikli dahil napakaraming ginawa ng mga puristang salita noong araw) talaang mula sa aking sariling sayt. Kinuha ko po iyan mula sa talaan sa usapan ni Zivot at dito sa Pinoy Kasi. Sana po ay nakakatulong po iyan. -- Felipe Aira 11:51, 15 Hulyo 2008 (UTC)
- Ayan, salamat po. Aking pagmamasdan at (siyempre pa) babasahin at gagawing sanggunian. - AnakngAraw 12:04, 15 Hulyo 2008 (UTC)
- Eto po ang isang maikling (maikli dahil napakaraming ginawa ng mga puristang salita noong araw) talaang mula sa aking sariling sayt. Kinuha ko po iyan mula sa talaan sa usapan ni Zivot at dito sa Pinoy Kasi. Sana po ay nakakatulong po iyan. -- Felipe Aira 11:51, 15 Hulyo 2008 (UTC)
- Wala po iyon - nagkamali man po kayo o hindi - ang mahalaga po sa akin ay mabigyan po sana ninyo ako ng listahan ng mga salita, para nang sa gayon ay magamit o maisama ko pa rin po ang mga ito sa mga pahina dito sa Tagalog Wikipedia. Hindi po dapat malimutan ang mga salitang iyon... kailangang mabigyan po silang muli ng buhay sa pamamagitan ng Tagalog na Wikipedia. - AnakngAraw 11:35, 15 Hulyo 2008 (UTC)
== TUSC token 38 703b87cb14e1e54dec439c2fc9ed53 ==
I am now proud owner of a TUSC account!
Sana po isama sa napiling artikulo ang Palarong Olimpiko sa Tag-init 2008
baguhinMabuhay Felipe!
Sana po isama ninyo po isama sa napiling artikulo ang Palarong Olimpiko sa Tag-init 2008.
Maraming salamat po at hanggang sa muli. - Delfindakila 02:16, 4 Agosto 2008 (UTC)
ANO BA ANG EBIDENSIYA SA PANINIRANG-PURI
baguhinAno ba ang ebidensiya na ako'y naninirang-puri laban sa kanya. Kung ako ang maglalagay yun, isasama ko ang aking lagda.
HUMILING AKO NA GAWING NAPILING ARTIKULO ANG PALARONG OLIMPIKO SA TAG-INIT 2008, HINDI KAYO TUMUGON. - Delfindakila 12:38, 7 Agosto 2008 (UTC)
Nagsasabi ng katotohanan
baguhinKahit nanloko ako o hindi, wala naman akong sinabing mali. Siyempre nag-aral ako ng lohika nong nasa kolehiyo ako.
Pagdating sa Olimpiko, naitindihan ko yun. Pero yung tulong ninyo, napakaliit. Si AnakngAraw ang nagsimula yun. Oo, karapat-dapat siya, pero yung hirap niya tungkol doon, igalang ninyo. Yung mga napiling artikulo, paulit-ulit na kaya ko ito inirekomenda. Dapat nga lahat ng mga may pulang marka, dagdagan ninyo ng mga lathalain. Dapat nga maglathala kayo ng Cebuano at Chavacano dahil marunong ka nun.
Ganyan talaga ako magsalita dahil AYOKO NG PLASTIKAN.
- Salamat po sa paglilinaw. At opo isa po akong mang-aambag sa Cebuano. Totoo rin na maliit ang naitulong ko kumpara sa magsasampung libong naiambag ni AnakngAraw. -- Felipe Aira 13:01, 7 Agosto 2008 (UTC)
HUMIHINGI NG PAUMANHIN
baguhinMahal kong Felipe Aira,
Nai ko pong humingi ng paumanhin sa mga inilathala ko noong nakaraan. Ang dahilan po ay sumasabog ang aking bulkan habang naglalathala po ako ng Palarong Olimpiko sa Tag-init 2008.
Opo nga pala, pagdating ng kritisismo na hinihiling ninyo po, nakapagdagdag na po ako: Palarong Olimpiko sa Tag-init 2008#Mga alintana at kontrobersya.
Sana ipagdasal po natin na magkaroon ng gintong medalya o anumang medalya ang Pilipinas.
Hanggang sa muli. - Delfindakila 13:22, 19 Agosto 2008 (UTC)
- Ok lang! -- Felipe Aira 13:42, 19 Agosto 2008 (UTC)
- Sasabihin ko sa 'yo ng totoo, habang naglalathala ako tungkol sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 2008 at ang mga kaganapang ito, nakikipagpaligsahan din ang mga taga-Indonesia at Malaysia (Wikipedia Bahasa Indonesia at Bahasa Melayu) gayundin ang nasa Wikipedia English. Yan po ang nakakatuwa. - Delfindakila 14:27, 20 Agosto 2008 (UTC)
Salamat po!
baguhinLakastibay Bagsik
baguhinMabuhay mula sa mag-aaral ng MPPM! Ako muna sa lahat ay nagpapasalamat na nakatulong ka sa akin sa paglilimbag ng mga katha sa Tagalog. Kung may mga pagkukulang ay pakisabi na lang po sa akin. Nais ko lang na maitanong kung papaano ba mailalagay ang uri ng larawang ikinakarga? Hindi ko kasi maintindihan e. Salamat na lang!
—Ang komentong ito ay idinagdag ni Lakastibay (usapan • kontribusyon) noong {{{2}}}.
- Maaari niyo pong piliin iyon sa drop-down menu na matatagpuan sa baba ng sagutan para sa buod. Salamat po sa pagbibigay-interes sa pagtulong sa Wikipedya. At opo, huwag pong kalimutang lumagda sa huli ng inyong mga kataga upang madaling malaman ng mga Wikipedista kung sino ang nagsabi niyon. At sa huli, kapag maglalagay po ng bagong usapin pakilagay po ito sa huli upang madaling mahanap. -- Felipe Aira 11:13, 15 Agosto 2008 (UTC)
infobox
baguhinhi Felipe Aira, patulong naman ako sa pag-ayos ng template sa ginawa kong Pahina ni Beyonce. ayaw gumana nung music infobox niya. Salamat.(Hindi ko kasi gaano alam kung paano ayusin yun. hehehe)--Mananaliksik 11:48, 7 Setyembre 2008 (UTC)
Extension of temporary adminship
baguhinHi! Please see m:Steward_requests/Permissions/Approved_temporary#Expiring:_1_Dec_2008, your temporary adminship has been extended to 2008 December 01. Please advise of any questions or concerns, best wishes. ++Lar: t/c 00:08, 10 Setyembre 2008 (UTC)
Per piacere puoi tradurre in Tagalog-Filippino gli articoli in inglese di Martin Weinek e Kaspar Capparoni
baguhinBuongiorno a te, sono un utente italiano appena sbarcato nella Wiki filippina. Dunque ti volevo chiedere (se puoi naturalmente) se puoi tradurre in filippino-tagalog gli articoli che ti ho segnalato, riguardano due personaggi di una nota serie televisiva europea, che presto grazie anche a Rai International arriverà anche da voi. Weinek è il veterano ormai da dieci anni, Capparoni è la new entry, ma oltre a questo ha fatto altre cose. Ora, se tu mi aiuti in questo, poi io ti aiuterò a tradurre qualcosa in italiano o in francese, poi anche nei dialetti siciliani e napoletani, ufficiali nel mio villaggio in Calabria. Spero che ci possiamo mettere d'accordo, nel frattempo ti ringrazio in anticipo.--Lodewijk Vadacchino 10:05, 11 Setyembre 2008 (UTC)
- Good morning to you, is an Italian user just disembarked in the Philippine Wiki. Therefore I wanted to ask (if you are naturally able) you if you can translate in Philipino-Tagalog the articles that I have signalled you, concern two characters of a note European television series, that soon thanks also to Rai International it will also arrive from you. Weinek has been being by now the veteran for ten years, Capparoni it is the new entry, but besides this he has made other things. Now, if you help me in this, then I will help you to translate something in Italian or in French, then also in the Sicilian and Neapolitan dialects, official in my village in Calabria. I hope that we can put there of accord, in the meantime I thank you in advance.--Lodewijk Vadacchino 10:05, 11 Setyembre 2008 (UTC)
- Tranquille tu fais avec confort il y n'a pas problèmes!--Lodewijk Vadacchino 18:46, 11 Setyembre 2008 (UTC)
- Salut maintenant tu pourrais faire quelque chose pour mes articles de nouveau. Entre temps demande-moi de traduire quelque biographie ou article géographique en italien et Sicilien. Merci il ancre et excuse-moi du dérangement!--Lodewijk Vadacchino 12:58, 15 Setyembre 2008 (UTC)
Ako ito
baguhinSi lenticel po ito, nasa pampublikong arkilahan ng kompyuter ako. Mahirap na at baka mabasa ang aking password. Pag nanggulo po ang ip na ito ay pakiharang na lang. Baka umuwi na ako noon at ibang tao na ang gumagamit. --58.69.149.127 10:53, 25 Setyembre 2008 (UTC)
Wikipedyang tagalog
baguhinNapakadming kylangang i-edit d2, mbababa ang mga kalidad ng mga articles, talo pa ng cebu wikipedia ang tgalog! Sya nga pla, ako c JC. 15 y/o from Sta maria, bulacan. Secaundis 12:33, 6 Oktubre 2008 (UTC)
namespace
baguhinkaibigang Felipe, paano po ba ninyo napalitan ang mga namespace dito? Kami sa Cebuano Wikipedia ay english parin ang mga namespace. --Abastillas 02:05, 29 Oktubre 2008 (UTC)
Wikang Ibatan at Wikang Tao
baguhinMagandang hapon po, patawarin ninyo po ako dahil nababaguhan ako sa Wikipedia Tagalog kaya hindi ko pa po masisimulan agad ang mga artikulo. --Ugar001 09:41, 1 Nobyembre 2008 (UTC)
Salamat
baguhinAko'y lubos na nagpapasalamat sa pag-boto mo sa akin. Pangako ko po at gagalingan ko ang pagiging tagapangasiwa ko. Mui, salamat at abuhay ka! Estudyante (Usapan) 10:27, 21 Nobyembre 2008 (UTC)
Tungkol sa Larawan.
baguhinKamusta Sir/Ma'am Felipe Aira, ang mga larawan ko po ay ipinaalam ko sa totoong awtor. Ang larawan na Larawan:AUPC.jpg ay ako miso ang kumuha doon lang po sa may Lungsod ng Mandaluyong. Ang mga natitira po ay pinaalam ko na gagamitin sa ibang wika at ang tatlo pa pong natitira ay ipinaalam ko sa awtor sa websayt na flickr. Sana po ay maunawaan niyo dahil di ko po gaano kaalam ang mga lisensya sa wikipedia hangga't di pa po ako edukado sa websayt na ito. Kung talaga pong wala na akong pag-asa na maging wikipedista dahil po sa kulang na kaalaman sa websayt na ito. 13 pa lang po ang edad ko kaya di ko napapakita sa mga wikipedistang nakatala na mahusay ako. Salamat po.--DragosteaDinTei 13:33, 22 Nobyembre 2008 (UTC)
Kung wala na po akong pagasa, payuhan na lamang po akong hwag nang magtala. Kontak: [1]
- Salamat naman sa paglilinaw. Ok lang iyon. 13 din ako noong nagsimula rito. 14 na ngayon. — Felipe Aira 02:47, 23 Nobyembre 2008 (UTC)
Felipe, may bagong pahina akong ginawa. Pakitingnan mo nga itong Wikipedia:Pamantayang pangwika. Saka, nasa WP:Kape na rin ang kawing na ito. Salamat. -
Municipality Map
baguhinI was wondering if I could use your Municipality/City map of the Philippines and reproduce it on my own site in a modified format (consistant with my own site) please? Many thanks.
[2] Taiwai94 13:36, 15 Pebrero 2009 (UTC);
Pagboto sa Lungsod ng Maynila, ikalawang nominasyon na
baguhinDito na ang botohan: Wikipedia:Mga nominasyon para sa Napiling Artikulo at Larawan/Lungsod ng Maynila (ika-2 nominasyon). --Jojit (usapan) 09:53, 11 Marso 2009 (UTC)
- Ay oo nga. Paumanhin. — Felipe Aira 10:06, 11 Marso 2009 (UTC)
Paanyaya
baguhinAng College of Science Debate and Drama Society ng Pamantasan ng Santo Tomas ay magkakaroon ng isang talk o seminar tungkol sa wikipedia bilang bahagi ng mga kaganapan sa Buwan ng Wika. Kaugnay dito, iniimbitahan ka namin upang maging isa sa mga magbabahagi ng iyong kaalaman sa mundo ng Wiki... Maaari lamang na makipag-ugnayan kayo sa akin sa imeyl na ejikieru_03@yahoo.com...
Inaasahan namin ang iyong malugod na pagtugon. Salamat po.
Could you check the article Şalom. There is already an article about Şalom, a Jewish weekly newspaper in Turkey, in Tagalog, but could you check it, and if necessary translate it from the other Wikipedia language sites, if you have the time and patience to do so. The reason is that the newspaper Şalom is written (alas one page only) in a highly endangered language called Ladino or Judeo-Spanish, the Spanish of the 15th century. Perhaps this might gain your interest and sympathy.
Thank you.
Pa-mungkahi
baguhinSa "Sa araw na ito ..." po ba ay maaaring maglagay ng red links? Kung oo, maaari pong magdagdag ng mga nagdaaang pangyayari ukol sa araw sa mula mismong artikulo (hal. ang artikulong "Mayo 10" para sa nasabi ring araw.
Nakikiusap rin po ako na protektahan ang artikulong Paaralang Lourdes ng Mandaluyong dahil madalas po itong nababago nang hindi naaayon. Salamat po. --Ryomaandres 11:49, 10 Mayo 2010 (UTC)
Magandang Tanghali!
baguhinFelipe Aira,
Nais kong humingi ng tulong mula sa iyo tungkol sa pagpapalit ng aking username. Ayaw ko na sanang gamitin pa ang aking tunay na pangalan. Sana ay matulungan mo ako. Salamat! Celester Mejia 12:15, 28 Setyembre 2010 (UTC)
Your admin status
baguhinHello. I'm a steward. A new policy regarding the removal of "advanced rights" (administrator, bureaucrat, etc.) was adopted by community consensus recently. According to this policy, the stewards are reviewing administrators' activity on wikis with no inactivity policy.
You meet the inactivity criteria (no edits and no log actions for 2 years) on tlwiki, where you are an administrator. Since that wiki does not have its own administrators' rights review process, the global one applies.
If you want to keep your rights, you should inform the community of the wiki about the fact that the stewards have sent you this information about your inactivity. If the community has a discussion about it and then wants you to keep your rights, please contact the stewards at m:Stewards' noticeboard, and link to the discussion of the local community, where they express their wish to continue to maintain the rights, and demonstrate a continued requirement to maintain these rights.
We stewards will evaluate the responses. If there is no response at all after approximately one month, we will proceed to remove your administrative rights. In cases of doubt, we will evaluate the responses and will refer a decision back to the local community for their comment and review. If you have any questions, please contact us on m:Stewards' noticeboard.
Best regards, Rschen7754 00:31, 25 Hulyo 2014 (UTC)