Maligayang pagdating sa Wikipedia,

71,995 mga artikulong nasa Tagalog.
Philippines collaboration.png

Patungkol · Magtanong · Mag-ambag · Magbago · Tulong

Paksain · Indeks mula A hanggang Z

Cscr-featured.svg Napiling artikulo
Ang Lungsod ng Maynila sa gabi. Kinuha ang litrato sa Harbour Square

Ang Lungsod ng Maynila (Opisyal: City of Manila), kilala bilang Maynila, ay ang kabiserang lungsod ng Pilipinas na isa sa 17 lungsod at munisipalidad na bumubuo ng Kalakhang Maynila. Matatagpuan ang lungsod sa baybayin ng Look ng Maynila na nasa kanlurang bahagi ng pambansang punong rehiyon na matatagpuan sa kanlurang bahagi ng Luzon, isa ito sa mga sentro ng negosyo ng umuunlad na kalakhang pook na tinitirahan ng humigit sa 19 na milyong katao. Ang Maynila, na sumasakop ng 38.55 na kuwadrado ng kilometro, ay ang pangalawang pinakamalaking lungsod ng Pilipinas, na may humigit-kumulang na 1.6 milyong kataong naninirahan. Pero ang kalapit na lungsod, ang Lungsod Quezon, ang dating kabisera ng bansa, ay mas matao. Ang kalakhang pook ay ang pangalawang pinakamalaki sa Timog-silangang Asya. Ang Maynila ay may 900 na kilometro ang layo mula sa Hongkong, 2,400 na kilometro ang layo mula sa Singgapur at mas marami ng 2,100 na kilometro ang layo sa hilagang-silangan mula sa Kuala Lumpur. Ang Ilog Pasig ang humahati sa lungsod ng dalawa. Sa depositong alubyal ng Ilog Pasig at Look ng Maynila nakapwesto ang nakakaraming sinasakupan ng lungsod na gawa mula sa tubig.

Gnome globe current event 1.svg Mga kasalukuyang kaganapan
SpaceX Demo-2 Launch (NHQ202005300041).jpg
  • Protesta para kay George Floyd: 40 lungsod sa Estados Unidos ang nagpataw ng kurpyo (curfew) sa magdamag upang pahupain ang kaharasan mula sa protesta.
  • Pandemya ng COVID-19 sa Pilipinas: Nagsimula ang GCQ o general community quarantine (pangkalahatang kuwarantina ng pamayanan) sa Kalakhang Maynila at ilang Rehiyon ng Pilipinas bunga ng banta ng COVID-19. Bagaman mas maluwag ang mga patakaran sa GCQ kaysa ECQ o enhanced community quarantine (pinataas na kuwarantina ng pamayanan), nahirapan ang mga bumabiyahe sa Kalakhang Maynila na makasakay sa pampublikong transportasyon.
  • Pandemya ng COVID-19: Lumagpas ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa anim na milyon sa buong sanlibutan. Nanatili ang Estados Unidos na pandaigdigang episentro, na may tinatayang 29% ng lahat ng naiulat at kumpirmadong kaso sa buong sanlibutan.
  • Pandemya ng COVID-19 sa Rwanda: Unang inulat ng Rwanda ang kauna-unahan nitong pasyenteng namatay dahil sa COVID-19, isang 65-taong-gulang na may malubhang respiratoryong komplikasyon at ginamot sa isang espesyalisadong sentro.
  • Ang sasakyang pangkalawakan na Crew Dragon ng SpaceX (nakalarawan) ay matagumpay na kumabit sa International Space Station (ISS) kasama ang mga astronawta ng NASA na sina Bob Behnken at Douglas Hurley na sumama sa tripulanteng lulan na ng estasyong pangkalawan.
  • Cscr-featured.svg Napiling larawan
    Niels Bohr - LOC - ggbain - 35303.jpg

    Si Niels Henrik David Bohr (Oktubre 7, 1885Nobyembre 18, 1962) ay isang pisikong Danes na nagkaroon ng mahalagang ambag sa pagkaunawa sa kayarian ng atomo at kwantum mekaniks. Dahil sa kanyang kontribusyon, natanggap niya ang Gantimpalang Nobel sa pisika noong 1922. Si Bohr ay isang pilosopo din at tagataguyod ng makaagham na pananaliksik. Binuo niya ang modelong Bohr ng isang atomo, kung saan kanyang ipinanukala na ang mga antas ng enerhiya sa mga elektron ay diskreto at ang mga elektron na ito ay umiikot sa mga matatag na orbita sa palibot ng nukleyus ng atomo ngunit maaring tumalon mula sa isang antas ng enerhiya (o orbita) patungo sa isa pa. Bagaman napalitan ang modelong Bohr ng iba pang mga modelo, nanatili pa rin na balido ang pinagbabatayang prinsipyo nito. May-akda ng larawan: Bain News Service, tagapaglathala; Naipanumbalik ni: Bammesk

    Alam ba ninyo Vraagteken.svg

    Mula sa mga pinakabagong artikulo ng Wikipedia:

    Lunop han Dughan folktale about Mt Danglay.jpg
    • ... na ang mga bayan ng Rizal na Montalban at San Mateo ay dating napapaloob sa dating lalawigan ng Maynila?
    • ... na umiral ang Lungsod ng Malawakang Maynila bilang isang agarang hakbang noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
    • ... na ang sarsuwelang Lunop han Dughan - Panaghoy ni Yolanda (nakalarawan) ay ginugunita ang mga pumanaw dahil sa pananalasa ng super bagyong Yolanda?
    • ... na patuloy na tumatanggi ang pamahalaan ng India na hatiin ang bansa sa maraming mga sona ng oras na ngayo'y nasa isang Pamantayang Oras ng India?
    • ... na unang nagkaroon ng problema si Aman Dangat sa mga awtoridad ng Espanya noong mga panahon na inilipat ang mga tagabaryo ng Sabtang at Vuhus sa San Vicente at San Felix sa bayan ng Ivana noong 1785 sa panahong pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas?
    • ... na pinapayagan ang pagkuha ng retrato ng mga estrukturang nasa pampublikong mga lugar sa maraming mga bansa dahil sa tadhanang kalayaan ng panorama?


    Nuvola apps date.png Sa araw na ito ...

    Hulyo 5
    Beneswela

    Mga huling araw: Hulyo 4Hulyo 3Hulyo 2

    Ngayon ay Hulyo 5, 2020 (UTC) – Sariwain ang pahina





    Crystal Clear app email.png Ambasada · Ambasciata · Ambassad · Ambassade · Botschaft · Embaixada · Embajada · Embassy · 大使館

    Wikimedia-logo.svg Pag-uugmang Multilingwal · Paano magsimula ng isang Wikipedia