Wikipedia:Talaang pampanauhin para sa mga bagong tagagamit

Maligayang pagdating sa Wikipedia! Kung baguhan ka sa aming pamayanan, sulatan mo kami dito at magpakilala ka nang kaunti. Pinakamahalaga sa lahat, nais naming malaman ang iyong mga interes, mga sakop ng kaalaman, at ang mga uri ng bagay na nais mong pagtrabahuan dito sa Wikipedia. Sa ganito, mas madadalian kaming tulungan ka sa paggawa at pagpatnugot ng mga artikulo. Ikagagalak din naming malaman kung paano mo natuklasan ang Wikipedia.

  • magtala ng komento,
  • itipa o imakinilya ang iyong pangalan bilang paksa (gagawan ka nito ng bagong pang-ulo o header sa talaang pampanauhin (guestbook), at
  • ilagda ang iyong pangalan sa huling dulo ng iyong koment sa pamamagitan ng pagtayp ng apat na tilde: ~~~~..
Madadagdag sa gayon ang iyong mga komento sa ibabang dulo ng tala.

Simula ng talaang pampanauhin

baguhin

MagicJulius00

baguhin

Mabuhay sa inyong lahat! Ako ay bagong Wikipedista sa Tagalog Wikipedia. Dati akong tagagamit sa English Wikipedia. MagicJulius00

Chitetskoy

baguhin

Mabuhay! Bago ako dito sa Wikipedia Tagalog ngunit matagal na rin akong Wikipedista sa Ingles. Chitetskoy

Mabuhay ka! Maligayang pagdating, sana'y malibang ka sa patuloy na pagbubuo ng Wikipediang ito! - AnakngAraw 20:56, 14 Setyembre 2008 (UTC)[sumagot]

Daniel G.

baguhin

Mabuhay sa inyong lahat! Ako ay bagong Wikipedista sa Tagalog! Sa kasalukuyan, aking binabalak makagawa ng 2 bagong pahina at 7 pagbabago bawat linggo. Kung may mali o kaya naman di-kanais-nais akong ginagawa ay pakisabi na lang sa akin. User:Lakastibay

Mariel Gutierrez

baguhin

Hello sa inyo! Ako ay bagong Wikipedista ng Tagalog. Ako ay isa ring Wikipedista sa Ingles.

Mariel Gutierrez 12:30, 15 Pebrero 2008 (UTC)[sumagot]

Reylinadottir1292

baguhin

Magandang araw sa lahat!!! Ako ay bagong Wikipedista sa Tagalog at isang Wikipedista sa Ingles.

Reylinadottir1292

Sang'gre Habagat

baguhin

Magandang araw~! Ako po si Sang'gre Habagat, pero ayos na kung Gerry ang itawag nyo sa akin. Haha. Bago ako dito sa Wikipediang Tagalog, ngunit medyo matagal na rin ako sa Wikipediang Ingles. ^^ Sang'gre Habagat 03:20, 24 Marso 2008 (UTC)[sumagot]

Ianlopez1115

baguhin

Gandang hapon po, nandito na si Ianlopez1115, mula sa bersyong pang-Ingles na Wikipedia. Baguhan lang ako dito. Pwede ba yung mga userboxes dito? Naglilikha po ako ng mga ilang userboxes sa English Wikipedia. Salamat po... -Ianlopez1115 06:51, 25 Marso 2008 (UTC)[sumagot]

Pinapayagan naman iyong mga ganoon dito. -- Felipe Aira 07:19, 25 Marso 2008 (UTC)[sumagot]

Kurt John Genetia

baguhin

Add me sa friendster kjgen_18@yahoo.com.ph Kjgen 18 22:27, 20 Abril 2008 (UTC)[sumagot]

Alexius08

baguhin

Katatapos ko lang isalin sa Tagalog ang ilang talata sa artikulo ni Adolf Hitler sa Ingles na Wikipedia. Alexius08 08:16, 27 Abril 2008 (UTC)[sumagot]

baguhin

Mabuhay! Ako si Lakastibay. Mag-aaral ako na ginugustong makita na dumami ang mga pahinang Tagalog, Cebuano, at iba pang mga wikang Filipino. Gusto ko lang maitanong kung papaano makapaglalagay ng link sa ibang wika pagkatapos gumawa ng katha. Salamat sa sinumang sasagot.

Ilagay ito sa huli ng pahina:
[[wika:pangalan ng artikulo sa gayong wika]]

Halimbawa: artikulo ay Aklatan

[[en:Library]]
[[es:Biblioteca]]
Gagawin niyon ay maglalagay ng mga kawing (link) na tinatawag na interwiki sa kaliwang babang bahagi ng pahina. Iyon yung nakalagay na "sa ibang mga wika" sa kaliwang babang kaliwang bahagi ng pahinang ito. -- Felipe Aira 13:29, 9 Agosto 2008 (UTC)[sumagot]

Ugar001

baguhin

Mabuhay! Ako po si Ugar001. Bago po ako sa Tagalog Wikipedia ngunit matagal na ako sa Wikipedia sa wikang Ingles. Nagsasalin po ako ng mga artikulo tungkol sa mga iba't ibang wika ngunit bihira akong lumagda kaya hindi ko po kaagad natatapos ang mga nasimulan ko. Patawarin ninyo po ako at maraming salamat po. --Ugar001 10:00, 6 Nobyembre 2008 (UTC)[sumagot]

Maligayang pagdating sa iyo! - AnakngAraw 02:01, 8 Nobyembre 2008 (UTC)[sumagot]

Encantandia Fanatic

baguhin

Mabuhay! Isa po akong baguhan dito sa Tagalog Wikipedya, ngunit isa akong Wikipedista sa bersyon na Ingles. Hangad ko ang kaayusan at kagandahan ng impormasyon sa bawat artikulo sa Wikipedya Ingles at Tagalog. Maasahan niyo po ang tulong ko. Maraming Salamat po. Encantadia fanatic 00:17, 8 Nobyembre 2008 (UTC)[sumagot]

Salamat sa iyong pagsalo at paglahok. Mabuhay ka! - AnakngAraw 02:01, 8 Nobyembre 2008 (UTC)[sumagot]

Jessela Aldea

baguhin

Mabuhay! Ako po ay si Jessela Aldea. Bago lang po ako dito sa Tagalog Wikipedia. Nais kong tumulong dito sa Tagalog Wikipedia para maganda at maayos ang impormasyon na nahahanap sa mga pahina dito. Maraming salamat po ulit!
Jessela Aldea 02:13, 16 Hulyo 2016 (UTC)[sumagot]

Maligayang pagdating po sa inyo. Salamat po sa inyong pakikilahok. Maging masaya po sana kayo sa patuloy na pagbubuo at pagpapaunlad ng wikipediang ito. - JesselaAldea 03:15, 16 Hulyo 2016 (UTC)[sumagot]

Magandang araw po sa inyong lahat! Ako po ay si Mk32! Ngayon ko lang po sinisimulang gamitin ang account ko dito sa Tagalog Wikipedia, at mayroon rin akong account sa Wikipediang Ingles. Nais ko pong makatulong ng kahit papaano dito sa Tagalog Wikipedia. Maraming salamat po! Mk32 06:27, 15 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]

Salamat po sa inyong pagtulong at pagtangkilik. Mabuhay po kayo! - AnakngAraw 05:55, 16 Disyembre 2008 (UTC)[sumagot]

jose patricio afable

baguhin

Kamusta! ako po si jose patricio afable (isang pseudonym)

69.115.156.77 23:59, 7 Nobyembre 2008 (UTC)

rifleman13

baguhin

Mabuhay sa inyong lahat! Medyo matagal na akong nakarehistro dito, ngunit ngayon pa lamang ako gagamitin ang aking account... Mabuhay ang Tagalog na Wikipedia! Rifleman13 01:00, 29 Disyembre 2008 (UTC)

Akosikenn

baguhin

Mabuhay! Narito po at handang tumulong kung kinakailangan sa Wikipediang Tagalog. Bagama't baguhan ay marami na din akong na-ambag sa Wikipediang Ingles. Salamat!Akosikenn 17:16, 29 Enero 2009 (UTC)[sumagot]


Astronloner

baguhin

maligayang araw bago ako dito sa tagalog wikipedia Astronloner 16:08, 20 Marso 2009 (UTC)

Jade Chaine Santos

baguhin
 
Jade Chaine Santos

Hello! Ako si Jade Chaine Santos. 16 taong gulang na, may lahing Pilipino-Español, at kasalukuyang nakatira sa Marikina City.

Nag-aaral ako sa Polytechnic University of the Philippines sa Sta. Mesa, Maynila, na may kursong BS Computer Science.

Isa akong translator ng mga wikang Ingles sa Tagalog at vice versa.

Nawa'y maging ambag tayo sa paglinang ng wikang Pilipino!

Maraming salamat po!

  • Cellphone #: 09089517499
  • E-mail address (Friendster, Facebook, at iba pa): black_ketchup14@yahoo.com, xHakeen07_1421@yahoo.com

Black ketchup14 09:39, 22 Agosto 2009 (UTC)[sumagot]

happygoth09

baguhin

Mabuhay! Isa rin akong baguhan dito sa tagalog Wikipedia, gusto ko rin sumali at mag-ambag dito para sa ating bayan. Isa rin akong Wikimapian at siyempre ang ating bansang Pilipinas ang una kong prayoridad duon na sa pagsali ko rin dito ay ganun din ang gagawin ko. Ipapakita ko sa lahat (sa buong mundo) sa wikang Tagalog ang lahat ng kaalaman ko sa maabot ng makakaya ko para sa ating bansa.

happygoth09 22:33, Ika-15 Setyembre 2009 (UTC)

Sarhento

baguhin

Magandang araw sa mga kasamang Wikipedista. Ako ay bagong salta ngunit ay taos pusong nag-aalok ng pagtulong sa paglilinang, pagpapaunlad at pag-aambag ng iba't ibang kaalaman dito sa Tagalog Wiki. Kasalukuyan akong nakabase sa Singapore at may halos anim na taon na akong manggagawang Pinoy sa labas ng ating bansa. Kung may mga katanungan o kahilingan, wag mag-atubili.
Sarhento 05:15, 1 Oktubre 2009 (UTC)[sumagot]

JohnMarcelo

baguhin

Magandang Araw mga tagagamit ng wikipedia. :) Salamat sa pagtanggap ninyo sa akin dito.


User:JohMarcelo 03:00, 30 Desyembre 2009 (UTC)

Zernain Villain

baguhin

Magandang araw! Kilala rin bilang si Hippie Commie, ako po ay bagong salta rito sa Wikipedia at isang Flipinoy risertser/titser sa araw at punkista/tangasulat naman sa gabi. Maaari niyo po akong bisitahin sa REByu - the REBELation according to. Maraming salamat! --Zernain Villain 09:37, 10 Marso 2011 (UTC)[sumagot]

Maligayang pagdating sa Wikipedia! Sana po maging masagana ang iyong pag-aambag sa proyekto at pakikisama sa aming pamayanan. :) --Sky Harbor (usapan) 10:56, 10 Marso 2011 (UTC)[sumagot]

Jan2366

baguhin

Magandang araw po sa inyong lahat. Ako po ay si Arnel Refuerzo na gumagamit ng Jan2366 dito sa Wikipedia. Isa pa akong bagitong Tagagamit at nais ko na mapalawak ang aking kaalaman sa larangang ito. Kung kayo ay mayroong panukala upang mapabuti ko ang aking mga gawa, ito ay aking pinapaunlakan. Sa kasalukuyan, nakapag ambag na ako ng ilang pahina sa salitang Inggles at sa Tagalog at nakapagbago na rin ako ng ilang pahina na sa tingin ko ay nangangailangan ng pagbabago. Sa ngayon, ako ay pansamantalang naninirahan dito sa Kaharian ng Saudi Arabya at taunang nauwi sa ating bansa. Nagsimula akong maging isang Tagagamit sa Wikipedia mula pa noong August 17, 2009.

Maraming Salamat po! Jan2366 (usapan) 05:36, 5 Marso 2012 (UTC)[sumagot]

Ian_Fadol

baguhin

Mabuhay! Isa po akong baguhang Tagagamit dito at nais kong mapalawig pa ang Tagalog Wikipedya dahil sa nakikita ko ay medyo kulang pa ang mga nakalagay dito. Sa kasalukuyan ay nagsasalin ako ng dalawang pahina rito, tungkol sa barkong RMS Titanic at sa Himagsikang Rumano ng 1989. Hangad ko ang ikabubuti ng eksiklopedyang ito. Muli, mabuhay at maraming salamat po! Ian_Fadol 20:28 25 Abril 2012 (UTC)

Geraldinho

baguhin

Mabuhay! Ako ang pinakabagong Wikipedista sa taong 2013! Nagagalak ako at may mga tao pa ring nais linangin at palawigin ang wikang Tagalog. Ang mga balakin ko bilang isang Wikipedista ay sa halip na magdagdag ng bagong lathala, wawastuhin, dadagdagan, at pagagandahin ang mga kasalukuyang nalatlhala na. Ang aking motto ay "quality over quantity". Una kong magiging proyekto ay ang pagbago sa mga pangunahing bansa (hal. UK, US, atb.) dahil isa sa interes ko ang heograpiya. Geraldinho108 (makipag-usap) 02:27, 9 Enero 2013 (UTC)[sumagot]

icemast3r

baguhin

Isang mainit na pagbati sa lahat! Isa ako sa mga pinakabagong Wikipedista dito sa Wikipedyang Tagalog sa taong 2013, subalit may mga 2 taon na rin akong nag-aambag sa Wikipedyang Ingles bilang Icemast3r09, bagaman nagagawa ko lang ito kapag may oras. Sama-sama nating pagtulungan na mapalawig pa ang ensiklopedyang ito na masasabing sariling atin, para makapagbigay ng kapaki-pakinabang na mga impormasyon sa lahat ng tumatangkilik sa Wikipedyang Tagalog. Maraming Salamat at Mabuhay!

- i c e m a s t 3 r - 15:50, 20 Hunyo 2013 (UTC) [sumagot]

JoeCo0327

baguhin

Magandang araw! Ako po si Joemar L. Colinares, at kasisimula ko pa lang po rito sa Tagalog Wikipedia. May ilang taon na rin po ako sa Ingles na Wikipedia at nais kong magbigay ng kontribusyon sa iba pang wikang aking bihasang gamitin. Nawa'y lubusan nating mapag-ibayo ang pagbibigay ng impormasyon na kahit sino, basta't matatas sa Wikang Tagalog, ay malayang makagagamit. Maaari niyo pong bisitahin ang aking pahinang tagagamit sa Ingles Wikipedia [1]. Maraming salamat at mabuhay tayong lahat! JoeCo0327 (makipag-usap) 05:33, 13 Hunyo 2014 (UTC)[sumagot]

sciericgabriel

baguhin

Hello po sa inyong lahat ako po si Eric Gabriel! Nais ko lamang pong magrebisa at magsaayos ng mga artikulong may relasyon sa agham....Salamat po! P.S. Paturo po ng coding kas di po ako marunong..THANKS!!! Sciericgabriel (makipag-usap) 13:49, 22 Setyembre 2013 (UTC)[sumagot]

Jeff Bitamug (Geoffbits)

baguhin

Isang taon na ang nakalilipas mula nang ako'y nagsimulang lumikha at maglinang ng mga artikulo rito sa Tagalog wikipedia, pero ngayon ko lang napansin ang pahinang ito! Hahaha :)

Gayunpaman, ako si Jeff Bitamug, nagtapos sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas taong 2008 (tama, matanda na ako hehe) na may kursong Pagtutuos o Accountancy. I'm a CPA by profession, subalit passion ko ang pagsusulat at higit sa lahat, ang pagsasaling-wika. Ito ang pinakamalaking dahilan kung bakit ko napagpasyahang maging bahagi ng Tagalog Wikipedia. Naniniwala akong kailangan natin ng isang mapagkakatiwalaang batis ng kaalaman na nasusulat sa wikang pambansa, at marami nang impormasyon mula sa Ingles Wikipedia ang maaaring isalin nang maayos sa wikang pambansa.

Interes ko ang heograpiya, kasaysayan, mga bansa, mga artista, at mga mang-aawit, lalo na ang mga boybands hehe kaya please, help me ah :) Pero for sure, maaasahan ninyo ang tulong ko sa pagsasaling-wika at pag-aayos ng mga artikulo rito sa Tagalog Wikipedia.

Maaari niyo po akong sundan sa Twitter at Instagram (@geoffbits). Salamat sa inyo! Geoffbits (makipag-usap) 14:16, 26 Oktubre 2014 (UTC)[sumagot]

Stranger195

baguhin

Kumusta! Ako si Stranger195. Matagal na akong nagbabago rito sa Tagalog na Wikipedia at roon sa Ingles na Wikipedia, pero hindi pa ako rito pumipirma, kaya ito na! :) --Stranger195 (makipag-usap) (guestbook (sa Wikia)) 08:40, 15 Agosto 2015 (UTC)[sumagot]

Jumark27

baguhin

Kumusta, ako po ay bago palang bilang Wikipedista at nais ko rin pong mag-ambag sa inyo ng kaalaman ... gusto ko pong matutong magsalin ng mga artikulo sa Ingles patungong Tagalog ... nawa'y turuan nyo po ako dahil marami akong gustong artikulo ngunit hindi ko naman kayang isalin sa sariling wika... Salamat po. Jumark27 (makipag-usap) 06:04, 13 Oktubre 2015 (UTC)[sumagot]

--Anthony Jay Combate (makipag-usap) 21:50, 9 Pebrero 2016 (UTC)== Anthony Jay Combate ==[sumagot]

Hi sa lahat! Ako si Anthony Jay Combate. Ako ay bagong Wikipedista ng Tagalog. Ako ay isa ring Wikipedista sa Ingles. Ikinagagalak ko kayong makilala.--Anthony Jay Combate (makipag-usap) 21:50, 9 Pebrero 2016 (UTC) Anthony Jay Combate[sumagot]

Kkiske95

baguhin

Magandang araw sa inyong lahat! Ako si Kkiske95, Wikipedistang suki na sa bersyong Ingles ngunit medyo baguhan lang dito. Nakapagsalin na ako ng ilang mga artikulong kaugnay sa kasaysayang Hapones mula sa Ingles, subalit nais ko ring magbahagi ng kaalaman kung saan kinakailangan. Bilang Wikipedistang Pilipino, nais kong maging saksi at, kung maaari, maging bahagi sa paglikha ng mga artikulong maayos, maganda, at sa kabuua'y de-kalidad sa wikang nakagisnan ko. Hangad ko ang pag-unlad ng Wikipediang Tagalog at ang higit na pagpapalawak ng kaisipan ng ating kapwa. Mabuhay!

Kkiske95 (makipag-usap) 13:00, 10 Pebrero 2016 (UTC)[sumagot]

Maraming salamat sa mainit na pagtanggap! Nakakabata naman ang inyong palakpakan.

Hilig kong itama ang mga maling nakita, nakikita, at makikita ko sa bawat pahinang nababasa ko. Handa akong gumawa ng kung ano-anong pahina, anuman ang paksa, mapa-Ingles o Tagalog.

K CMS (makipag-usap) 08:12, 14 Pebrero 2016 (UTC)[sumagot]

Dinagyang Festival

baguhin

Ang Dinagyang Festival ay isang panrelihiyon at kultural na pista sa lungsod ng Ilolo sa Pilipinas na ginaganap tuwing ika-4 na linggo ng Enero, o di kaya nama’y pagkatapos ng pagdiriwang sa Pista ng Sinulog sa Cebu at sa pista ng ati-atihan sa Kalibo, Aklan. Ang dalawang pistang ito ay ginaganap para parangalan ang Santo Nino at para ipagdiwang ang pagdating ng mga Malay sa Panay na sinundan ng pagbebenta ng mga Atis sa isla.

Ang Dinagyang ay nagsimula pagkatapos ipakilala ng kagalang galang na pari na si Ambrosio Galindez, unang Pilipinong Rektor ng Komunidad ng mga Augustino at pari sa parokya ng San Jose, ang debosyon sa Santo Nino noong Nobyembre 1967 matapos maobserabahan ang pista ng ati-atihan sa probinsya ng Aklan. Noong 1968, isang replika ng orihinal na imahe ng Santo Nino de Cebu ang dinala sa Ilolo ni Padre Sulpicio Enderez ng Cebu bilang isang regalo sa Parokya ng San Jose. Ang mga tapat, na pinamumunuan ng mga miyembro ng Confradia del Santo Nino de Cebu, Ilolo Chapter, ang nagtrabaho para mabigyan ang imahen ng angkop na pagtanggap, na nagsisimula sa paliparan ng Ilolo at ipinaparada sa mga kalye ng Ilolo.


Sa simula, ang pagdiriwang ng pista ay limitado lamang sa parokya. Inihalintulad ng Confradia ang pista sa Ati- atihan ng Ibajay, Aklan, kung saan ang mga katutubo ay sumasayaw sa daan habang ang katawan nila ay nababalot ng uling at abo upang gayahin ang mga Atis na sumasayaw para sa pagdiriwang ng pagbebenta sa Panay. Ang mga grupo ng tribong ito ang basehan ng kasalukuyang pista.

Salin sa Filipino mula sa: https://en.wikipedia.org/wiki/Dinagyang

SHARON PO , NAIS KO PONG GUMAMIT NG WIKIPEDIA TAGALOG DAHIL MAS KAILANGAN SALAMAT PO GODBLESS

Gorillanoodles po!

baguhin

Kamusta po! Ako si Gorrillanoodles, taga Cainta, Rizal. Kasalukuyang kumukuha ng kursong Batsilyer ng Artes sa Ingles (AB English) sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas. Pinili ko ang Wikipediang Tagalog imbes na ang Wikipediang Ingles sapagkat nais kong makatulong sa pagpapayabong ng Wiki na ito at mas lalo pang lumawak ang mga salitang alam ko di lang sa Tagalog, kundi pati na rin sa Filipino at iba pang Wikang nasa Pilipinas. mahilig ako sa Anime at Manga, musika, agham (partikular na sa Astronomiya), at mga wika, kaya lagi akong nasa isa sa mga pahinang ito!

Gayundin, nais kong makita ang isang Wikipediang Tagalog na nasa isang milyon o higit pang artikulo na may lalim at madaling unawain ng sambayanan.

Gorillanoodles (makipag-usap) 09:10, 24 Marso 2016 (UTC)Gorillanoodles[sumagot]

Leogregoryfordan

baguhin

Padáyon! Akó si Leo Fordán, taga-Olongapo. Mahal ko ang Pilipinas lalo na ang wika nito. Sumali akó sa wiking ito isang buwan na ang nakalipas. Napansin ko kasing wala masyadong nakaaalam ng tamang gámit ng tuldik o asento, na para sa akin ay kailangan lalo na sa mga artikulo na tulad nitong sa Wikipedia. Pinag-aralan ko ito nang matagal na panahon at masasabi kong eksperto na akó rito. Nakatutulong ito sa maayos na pagbása at para maláman ang tunay na ibigsabihin ng nagsulat. "Lalaki ako." Malalaman mo ba kung ang gusto niyang sabihin ay "tatangkad ako" o "hindi ako babae", kung walang tuldik?

JohnBeatles30

baguhin

Kamusta! Ako si JohnBeatles30. Sa totoo, Paborito ko ang Beatles. Pati yung mga 13 albums nila kagaya ng Please Please Me, With The Beatles, Beatles for Sale, at iba pa. Bisitahin nyo ang pahina ng The Beatles sa Wikipedia Tagalog para malaman nyo pa sila ng mabuti at marami. Maari nyo akong kausapin kung may kailangan kayo sa Wikipedia. At maligayang pagdating dito sa mundo ng Wikipedia Tagalog! JohnBeatles30 (makipag-usap) 01:42, 25 Marso 2016 (UTC)JohnBeatles30[sumagot]

AnakngTokwa

baguhin

Hello sa inyo!ako si AnakngTokwa😂sorry kung ganto yung pangalan ko😂sorry rin po kung puro emoji haha..ako po ay isang kabataang pilipino.Ako po ay 11 taong gulang.May mga na-edit at naiproduce na din po akong mga pahina dito sa wikipedia.Sana po ay hindi makahadlang ang aking edad upang magbigay ako ng kontribusyon sa Wikipedia Tagalog.Salamat po!👍🎉 Anak ng Tokwa!AnakngTokwa (makipag-usap) 12:52, 3 Abril 2016 (UTC)[sumagot]

Patrick F. Matre

baguhin

Hi! Ako po si Patrick F. Matre, 19 taong gulang, purong filipino ang lahi, nakatira sa Boac, Marinduque at kumukuha ng kursong BS- Entrepreneurship sa Marinduque State College.

Contacts: E-mail: john.matre@yahoo.co.uk Cellphone #: 09166112651

Lahingkayumanggi

baguhin

Tunay na Pilipino , nagsasalita ng purong tagalog at bihasa sa Wikipedia [[2]]

KEU REAL / FRANK EUGENE U. REAL

baguhin

Ako ay nagagalak sa isang pagkakataong aking nais makamtan ang isang karangalan na maging bahagi ng wikipedia mula sa aking mga magiging ambag lalo na,sa larangan ng lengwaheng tagalog. Ako ay isang Bahagi ng film producer sa katunayan ng isang kumpanyang aking itinayo. Nawa'y mas mapalawak pa ang kaisipan ng mga bawat taong nais matuto. Ako ay nangangakong magiging mas kapaki-pakinabang pa ang magiging nilalatha ko sa mga susunod na araw maraming salamat 0934628208, para sa mga nais parte ng aming indie film.

Edgar Ebro

baguhin

Matagal na akong rehistrado dito sa Wikepidiang Tagalog simula pa noong (Hunyo 6, 2006), ngunit hindi pa ako nakapirma dito. At hindi ako naging masyadong aktibo dito sa kadahilanang naka-focus ako sa aking trabaho ko noon sa Jeddah, gayun pa man kahit nangibang bansa ako ay patuloy akong gumagawa ng mgaa rtikulo lalo na sa Wikipedia at sa Ingles na Wikipedia. Ngunit sa kabila nun, susubukan ko pa ding makatulong dito sa Filipino Wikipedia upang maging maayos at mas lalong maintindihan ng mga Pilipino ang pagbabasa dito sa Ating Wikipedia.

Magandang Araw sa inyo lahat ..ako pala si Edgar Ebro at nitong nakaraang Hunyo 6 ay sampung taon na ako dito sa Wikipedia Tagalog Version. Hilig ko talaga ang gumawa ng artikulo sa iba't ibang klase ng kategorya lalong lalo na sa Musika at Pelikula

Hamham31

baguhin

Aktibo na ako sa Wikipediang Ingles noong 2011, at awtomatikong aktibo na din ako dito sa Tagalog sa parehong taon. Hindi man ako masyadong magiging aktibo dito, pero ako'y mananatiling nakasubaybay sa Wikipediang ito para maiwasan ang anumang hindi inaasahang pambababoy at pangbabandalismo ng ilang tagagamit dito. Salamat po at Mabuhay!! Hamham31 (makipag-usap) 04:33, 9 Hulyo 2016 (UTC)[sumagot]

Xzyle1213

baguhin

Magandang umaga sa inyong lahat! Ako po si Xzyle Einders Cataraja at ang palayaw ko ay Xzyle1213. Ako ay isang Cebuano at labing-isang taong gulang na. Kahit ako lang ay labing-isang taong gulang, natutunan ko nang madali ang mga natutunan ko. Kung may importante kayong sasabihin sa'kin, heto po ang aking e-mail address: xzyleeinderscataraja@yahoo.com. Salamat po! Xzyle1213 (makipag-usap) 10:58, 19 Hulyo 2016 (UTC)[sumagot]

Magalat Cagayan

baguhin

Ako si Magalat Cagayan mula sa probinsiya ng Cagayano. Ako ay isang Cagayan at sitenta anyos. Magiging aktibo at produktibo ako sa pagpapalawig nitong saling-Filipinong Wikipedia. tagagamit:Magalat Cagayan

Daniel Joy Baguio

baguhin

Medyo nakakalungkot isipin na kakaunti ang mga artikulo na nandirito sa Tagalog Wikipedia. Subukan ko na lang na mapayabong itong ensiklopedia. Ang problema lang ay nag-eedit parin ako sa Ingles na Wikipedia. Kaya baka maubusan ako ng panahon dito.DJ Baguio (makipag-usap) 06:04, 24 Hulyo 2016 (UTC)[sumagot]

Archery

baguhin

Hi po,Ako po pala si Archery bago po ako dine at sana makakalap ako ng mga impormasyon na importanteng Mahalaga... Archery po ulit...

Hello po.Baguhan lang po ako dito.Ang pangalan ko po ay Mel.


Hello po, si Democratics ito (hindi ko totoong pangalan). Nagsimula akong nag-edit sa Ingles na Wikipedia noong Disyembre 2015 ngunit ang pinakasimula na aktibo kong kontribusyon ay noong Hulyo ng 2016. Di maglaon sa aking pagsama ay nagsimula rin ako sa aking mga kontribusyon sa Tagalog na Wikipedia. Napansin kong kay konti ng mga artikulo na ang ibang kulang ay mahalaga, importante o maraming link sa ibang artikulo. Sa kasalukuyan, maibibilang naman ang tulong ko at masisigurado kong hindi ako titigil sa pagtulong hanggang sa panahon na ang iskedyul ko ay tambak dahil sa mga gawaing-pampaaralan. Maraming salamat po. Democratics (makipag-usap) 09:26, 31 Agosto 2016 (UTC)[sumagot]

Berniemack

baguhin

Magandang araw po sa lahat! Ako po si Berniemack Habagat. Medyo may katagalan na rin po ako sa Wikipedia, pero kadalasan nasa Ingles lang na bahagi. Kabilang din sa mga naglalayong maitatag ang Wikipedia sa wikang Hiligaynon

Mmhuang

baguhin

Ako si Mmhuang, handang tumulong upang mapaganda at maparami ang artikolo dito sa wikipedia bersyon tagalog. --Mmhuang (makipag-usap) 12:00, 24 Oktubre 2016 (UTC)[sumagot]

6banana

baguhin

Magandang araw sa inyo, sa mga mambabasa rito sa pook-sapot ng Wikipedia. Ako nga pala si 6banana at ako'y matagal na nagbabasa at nagsasaayos ng mga wiki na inyong ipinapatala dito sa Tagalog na salin o bersyon ng Wikipedia. Hindi man ako aktibo sa pagsasaayos ngunit ipinapangako ko sa inyo na kapag ako ay nagsaayos ng mga wiki ay ito ay maayos na maayos at ang aking mga idinadagdag na mga link ng pook-sapot na aking pinagkukuhanan ay naberipika at opisyal na pook-sapot na naglalaman ng napatunayang mga bagay. Masisigurado kong hindi ako hihinto sa pagtulong dito sa Wikipedia kahit na marami akong mga gawaing pampaaralan. Muli, ako ay bumabati sa inyo ng magandang araw at maraming salamat po.

(Tignan ang aking profile) (makipag-usap) 15:28, 01 Nobyembre 2016 (UTC)[sumagot]

pag aaral

baguhin

Ako ay nakatira dto sa Germany at nag aaral. At sa pamamagitan ng Wikipedia natutulungan akong mas maunawaan sa salitang tagalog ang aking mga pinag aaralan. Natuklasan ko ang Wikipedia sa pamamagitan ng pag hahanap ng mga kahulogan. Napakalaking tulong at natagpuan ko ang Wikipedia hindi madaling mag aral lalo ibang salita ang gamit.

Lubos na gumagalang at nagpapasalamat

Natoelyn

Jonathanmaria

baguhin

Kamusta! Ako nga pala si Jonathanmaria mula sa Calamba, Laguna. Halos isang dekada na rin ako sa Wikipediang Ingles at noong taong 2017 lamang ako unang gumawa ng pinakauna kong artikulo dito sa Tagalog Wikipedia. Batangas Tagalog at Manila Tagalog ang aking winiwika. Mahilig ako sa musika kaya mas malamang na tungkol dito ang aking mga gagawing mga artikulo sa mga susunod na mga panahon. Salamat!


Itsquietuptown

baguhin

Um.... hi. Ako si Itsquietuptown at baguhan lang ako dito sa tagalog wikipedia (mga lagpas apat na araw na) at sa english wikipedia

Mahilig ako sa teknolohiya at sa mga tren, at tungkol doon ang mga artikulo na gagawin ko.

Salamat at magandang araw! Itsquietuptown (makipag-usap) 13:03, 8 Marso 2017 (UTC)[sumagot]

BlacklySophisticated

baguhin

Magandang araw sa inyong lahat! Ako nga pala si BlacklySophisticated, isang estudyante sa isang Science High School sa Pilipinas. Ako'y hindi masyadong magaling sa wikang Tagalog, dahil ako'y nasanay na magbasa ng mga Ingles na literatura. Ngunit, hindi iyon magiging hadlang sa pag-eedit ko ng mga artikulo dito sa malayang ensiklopedya na Wikipedia. Maraming salamat sa pagbasa!

BlacklySophisticated (makipag-usap) 10:03, 15 Marso 2017 (UTC)[sumagot]

Inbhiktvs

baguhin

Mabuhay! Ako ay si Inbhiktvs ng Pilipinas. Ako'y isang mag-aaral mula sa mataas na paaralan sa University-belt sa Maynila. Hindi ako masyadong magaling sa Tagalog, ngunit maayos naman ang aking pananalita at pagsulat sa wika. Magaling ako sa Ingles dahil kinalakihan ko ito, pero hindi ako Fil-Am ha. Kung isasama ko ang aking dalawang salamangkang pang-wika, ay makakatulong ako sa paggawa ng artikulo sa Wikipediang ito. Salamat!

Inbhiktvs (makipag-usap) 09:11, 16 Abril 2017 (UTC)[sumagot]

GEOGIA

baguhin

Magandang Gabi!

Ako si GEOGIA, matagal na akong Wikipedista sa Ingles na bersyon ng Wikipedia, marami na rin akong naiambag doon ngunit nalungkot ako sa nakita ko na halos ang unti ng mga artikulong mayroon dito sa Tagalog Wikipedia kaya't nais kong mapagyabong ang pahinang ito para maipalaganap ang Wikang Filipino.


Pauljohniee

baguhin

Mabuhay! Ako si pauljohniee mula sa dako ng CALABARZON. Minsan na din akong nag-aambag sa Wikipedia English. Bago pa lamang ako dito sa Wikipedia Tagalog. Hangad ko naman ang mag-ambag ng mga bagong updates sa mga lugar dito sa Pilipinas (Probinsya, Lungsod, Bayan, atbp.) :)

JohnWalterBagos

baguhin

Mabuhay! Ako nga pala ang editor ng maliit na informasyon sa vlogger na aking ibinahagi dito sa wikipedia

Carrie Del Valle

baguhin

Kumusta mga ka-patnugot. Ako'y nalulugod paanyaya at isang karangalan na mapabilang dito. Carriedelvalle23 (makipag-usap) 13:05, 22 Agosto 2017 (UTC)[sumagot]

AKo po si CYroz Portucela akoy Bago dito sa Wikipedia Tagalog akoy 14 taong gulang nakatira sa lungsod quezon

—Ang komentong ito ay idinagdag ni Portucelacyroz (usapankontribusyon) noong 11:03, 13 September 2017 (UTC).

Leonard Waga

baguhin

Mabuhay! I am Leonard Waga, editing english articles to make it right and clear.--LeoPH (makipag-usap) 07:28, 1 Oktubre 2017 (UTC)[sumagot]

Ikinagalak ko po na ako'y mapabilang sa Tagalog Ensayklopedya. Mayroon din akong gamit sa Ingles na pagmamay-ari. Ako ay naninirahan sa Probinsya ng Rizal, Bayan ng Taytay. Ako po ay isang ginoo at kasalukuyang mag-isa pero masaya. Mahilig ako sa mga impormasyong pambalitaan. Ako ay nakapagtapos ng kursong Edukasyon. Salamat Muc.82 (makipag-usap) 13:10, 13 Oktubre 2017 (UTC)Muc.82[sumagot]

LR Guanzon

baguhin

Mabuhay! Ako po ay medyo bago rito sa Tagalog na Wikipedia, ngunit mahigit dalawang taon na po akong tagagamit sa Ingles na Wikipedia. :D – LR Guanzontce 04:33, 11 Nobyembre 2017 (UTC)[sumagot]

Ako nga pala si Ivan C. De Guzman, pero maaari niyo akong tawagin sa pangalang Ivan na lamang. Isa akong ekonomista na kasalukuyang sasali sa komunidad na ito. Ang Wikipedia, isang malawak na mundo na maaaring pagkuhanan ng iba't ibang impormasyon na naaayon sa katotohanan at madalas na makapulot ng bagong kaalaman sa lugar na ito. Bilang ekonomista, kagustuhan kong tumulong na maihatid ng impormasyong kinakailangan ng mga kabataan para magamit nila ito sa kanilang kinabukasan. Sana ay makilala nyo pa ako at ako'y inyong tanggapin sa Wikipedia, maraming salamat sa konsiderasyon at ako'y tumitingala sa mga susunod na mangyayari.

ShiminUfesoj

baguhin

hi, ikinagagalak ko kayong makilala, ako nga pala si Shimin Ufesoj ( Shimin: galing sa salitang hapon na nagagahulugang mamamayan at Ufesoj ay binaliktad na salitang Josefu na isa ring salitang hapon para sa pangalang Jose) ang totoo kong pangalan ay Joseph Ciudadano, baguhan lamang ako sa pagsulat ng mga lathalain pero gusto ko sanang makatulong sa pagpapalawak ng mga impormasyon.. hehe salamat po. 'Makapal na panitik'--

--ShiminUfesoj (makipag-usap) 04:04, 8 Pebrero 2018 (UTC)Joseph CIudadano[sumagot]

Danny Agoncillo

baguhin

Mabuhay! Ako po si Danny Agoncillo, isang mamamahayag na nakapagtrabaho sa industriya ng diyaryo sa Pilipinas sa nakarang 16 na taon, 13 nito bilang isang patnugot. Nakapagsulat na ako ng isang pitak na pang-opinyon sa pahayagang Abante, "Sa Likod ng Balita," mula Enero hanggang Setyembre 2017. Nakapagtrabaho ako bilang reporter at patnugot sa Manila Chronicle, Bahrain Tribune, Manila Standard, Financial Times at Online News Editing.

Mahilig akong magsulat ukol sa mga artikulo tungkol sa kasaysayan,lalo na sa Pilipinas at sa mga tradisyon ng mga Pilipino sa pagdiriwang ng Pasko.

Ngayong taon ko lang nalaman na pwede palang magsulat at mamatnugot para sa Wikipedia. Sana'y magkatulungan tayong lahat para lalong mapalalim at mapayaman ang kaalaman ng mga mambabasa ng Wikipedia sa Pilipino (hindi ako komportable o sang-ayon sa "Filipino" na sa tingin ko'y salitang Ingles). Maraming Salamat!

Pahinungod

baguhin

Mabuhay at ako si Pahinungod (salitang Cebuano, ibig sabihin ay dedication kahit hindi ako Bisaya) Handa akong mag-contribute dito sa Wikipedia. Medyo bago pa ako pero masaya naman ang experience ko dito. Nababasa ko yung mga gawa ng iba at natututo din naman ako. Kaya gusto ko ring makatulong sa ibang magbasa sa Filipino (Tagalog?) at maging matalino sa iba't ibang larangan ng buhay. Salamat!

AJP426

baguhin

Hi ako pala si AJP426 nandito ako para ayusin ang artikulo kung kailangan lalo na sa mga maikling paksa. actually nagawa ko yan sa artikulong Kim So-eun na hinabaan ko at gamit ko itong ip 112.200.109.233 sana huwag niyo akong sanang ibigo (fraustrated) salamat AJP426 (makipag-usap) 06:08, 5 Abril 2018 (UTC)[sumagot]

brdeeei10

baguhin

Maraming salamat sa mainit na pagtanggap! Nakakabata naman ang inyong palakpakan.

Hilig kong itama ang mga maling nakita, nakikita, at makikita ko sa bawat pahinang nababasa ko. Handa akong gumawa ng kung ano-anong pahina, anuman ang paksa, mapa-Ingles o Tagalog.

brdeeei10 (makipag-usap) 03:39, 3 Hulyo 2018 (UTC)[sumagot]

grzll133

baguhin

Magandang araw po sa lahat, ako si grzll133 na laking Bicol, nag-aral ng kolehiyo sa Maynila, at ngayo'y naninirahan na sa Cavite. Matagal ko ng nais malaman ang hiwaga ng Wikipedia, Tagalog man o Ingles at kung paano ako makakaambag upang pagbutihin ito. Ngayon ako'y masaya na nagagawa ko na ito, ngunit marami pa akong dapat matutunan. Mahilig ako sa kung anu-anong klase ng usapan, lalo na ang mga nakakintrigang bagay at mga bagong kaalaman.

grzll133 (makipag-usap) 06:40, 15 Hulyo 2018 (UTC)[sumagot]

Hi grzll133, pwede ka rin mag-ambag sa bikol wiki, [bcl.wikipedia.org] search mo langYutaka Ozaki Sempai (makipag-usap) 23:52, 17 Hulyo 2018 (UTC)[sumagot]

Yutaka Ozaki Sempai

baguhin

Hi po yutaka Ozaki po Yutaka Ozaki Sempai (makipag-usap) 23:49, 17 Hulyo 2018 (UTC)[sumagot]

Yahuhanan (יהוחנן) Yukia (雪亮)

baguhin

I have nothing to say, just signing as requested. —Yuki (雪亮) (talk | Contribs) 23:25, 15 Setyembre 2018 (UTC)[sumagot]

Kumusta

Danitria Christine

baguhin

Kamusta! Ako ay bagong Wikepedista sa wikang Tagalog at layon kong matulungan ang pagsasalin ng mga artikulo sa aking wika nang maayos at mas madaling maunawaan. Mas nais kong basahin ang mga artikulo sa Ingles ngunit dahil marami rin ang hindi naman lubos na nakaiintindi ng wikang banyagang ito, minabuti ko na makilahok sa pagsasalin ng mga artikulo, lalo na may kinalaman sa bansang Pilipinas at sa kultura nito. Hindi ako makabayan, ngunit mahal ko ang Pilipinas. Mahal ko ang Pilipinas ngunit hindi ako papatay at magpapakamatay para rito. Nais ko ring mas maintindihan ng mga taong ang pangunahing wika ay Filipino ang tungkol sa mga banyagang bansa at kanilang kultura upang ang kaunawaan tungkol sa iba ay magdulot ng kapayapaan sa paanuman.

Danitria Christine (makipag-usap) 16:44, 15 Nobyembre 2018 (UTC) Danitria Christine[sumagot]

Johanry

baguhin

Assalamu Alaykum, bago pala ako dito sa Tagalog wikipedia. Sana ay magtulungan tayong lahat na paunlarin ang Tagalog Wikipedia :) . Johany (makipag-usap) 23:12, 29 Disyembre 2018 (UTC)[sumagot]

Tagasalinero

baguhin

Mabuhay sa inyong lahat! Ako si Tagasalinero, isang bagong Wikipedista. Libangan kong magsalin ng mga artikulo at mag-ambag sa pagpapalawak ng Wikipediang Tagalog. Tagasalinero (makipag-usap) 16:00, 25 Abril 2019 (UTC)[sumagot]

Irjay Rolloda

baguhin

Maraming salamat mga ka-Wikipedista! Sama-sama nating palawakin at paigtingan pa ang kaalaman gamit ang wikang Tagalog. Irjay Rolloda (makipag-usap) 15:12, 9 Setyembre 2019 (UTC)[sumagot]

Julan Shirwod Nueva (jsnueva1022)

baguhin

Ikinalulugod kong maging isa sa mga tagapag-ambag sa pook-sapot na itong nasasakop ng Wikipedia. Marahil ay nais ko lamang iwasto ang titulong naibigay sa nasabing pahina. Hindi “Tagalog” kundi “Filipino” ang mas mainam na ipangalan sa nasabing wika sa kadahilanang iyan ang mas angkop at siya ring pambansang wika ng bansang Filipinas. Ninais kong kumabilang dito nang sa gayo’y makatulong nang higit sa pagsasaayos ng mga piling artikulo. Salamat at mabuhay! Padayon!

Jsnueva1022 (makipag-usap) 14:10, 30 Setyembre 2019 (UTC)[sumagot]

Gerald Esteban (Geraldesteban 7)

baguhin

Kamusta kayong lahat! Ako si Gerald Esteban, ipinanganak at lumaki sa Estados Unidos, ngunit ako ay Pilipino. Sumali ako sa Wikipedia ng Wikipedia upang yakapin ang aking kultura at wika. Ang aking unang wika ay Ingles, at hindi ako matatas sa Tagalog, kaya't mangyaring patawarin ang aking kakila-kilabot na gramatika. Geraldesteban7 (kausapin) 01:53, 4 Mayo 2021 (UTC)[sumagot]

Annika Aletheia Olvido (Kai theos en ho logos)

baguhin

Maligayang Pasko po sa lahat at manigong bagong taon, mga kapwa-Wikipedista! Nakaambag na ako rito kahit papaano mula ng dalawang taong nakakaraan, pero di ko pa napansin na may talaang pampanauhin pala. Ako si Allie Olvido mula sa Lungsod ng Silay, at kasalukuyang naninirahan sa Dumaguete at nagaaral ng pilosopiya sa Pamantasang Silliman. Hilig ko ang pagtitipon ng mga kabibi, paruparo at mga aklat, at ang pagsasalin ng mga tula. Aktibong tagaambag din ako sa Ingles at Cebuano Wikipedia, at Hiligaynon na nasa limliman. Nakakuha din ako ng asignatura sa wikang Pranses at Sinaunang Griyego sa paaralan noon. Layon ko sa aking libreng panahon na maging kabahagi ng pagpapalinang at pagpapayabong sa ating sariling wika sa pamamagitan ng pagsalin at pamamatnugot sa ng mga artikulo, lalo na tungkol sa politika, pilosopiya, panitikan, kasaysayan, at kalikasan. Pagbutihin pa nating lahat ang Tagalog Wikipedia! Isang bagsak para sa ating lahat! -Kai theos en ho logos (kausapin) 22:59, 24 Disyembre 2022 (UTC).[sumagot]