Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas

pangunahing kampus ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas

Ang Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (Ingles: Polytechnic University of the Philippines), dinadaglat bilang PUP at kilala sa mga pangalang PUP Sta. Mesa at PUP Manila, ay isang pambansang unibersidad na matatagpuan sa Santa Mesa, Maynila, Pilipinas. Itinatatag noong ika-19 ng Oktubre, 1904 bilang Manila Business School sa Calle Gunao, Quiapo, Maynila. Ito ang pangunahing yunit at upuan ng adminstrasyon ng Sistema ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas. Ang Sistema ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas ang pinakamalaking pamantansan sa pamamagitan ng populasyon ng magaaral, na umabot sa 68,249 noong 2014. Ang PUP ay nangangasiwa sa tatlong kampo sa Maynila at may dalawapu't isang sangay na kampo.

Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas
SawikainTanglaw ng Bayan
Itinatag noong1904
UriPang-estado
PanguloManuel M. Muhi
Mga undergradweyt55,282 (2012)
Posgradwayt1,537 (2012)
Lokasyon, ,
Kampus11 ektarya
HymnImno ng PUP
MaskotPUPoy
PUP Manila
Ninoy Aquino Library and Learning Resource Center

Noong sentenaryo ng pamantasan, idineklara ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang PUP bilang Pambansang Komprehensibong Unibersidad ng Pilipinas (National Comprehensive University) dahil sa mga adhikain nitong maitaguyod ang kahalagahan ng edukasyon sa mga Pilipino.

Sa kasalukuyan, ang unibersidad ay isa sa mga tinitingalang institusyong pang-akademya sa bansa.

Mga Yunit na nagbibigay ng digring akademiko

baguhin
  • Bukas na Pamantasan (Open University)
  • Paaralan Gradwado (Graduate School)
  • Kolehiyo ng Pinasya (CAF)
  • Kolehiyo ng Arkitektura at Sining Biswal (CAFA/CADBE)
  • Kolehiyo ng Artes at Literatura (CAL)
  • Kolehiyo ng Administrasyong Pangnegosyo (CBA)
  • Kolehiyo ng Komunikasyon (COC)
  • Kolehiyo ng Agham Pamkompyuter at Impormasyon (CCIS)
  • Kolehiyo ng Edukasyon (CoEd)
  • Kolehiyo ng Agsikapan (CE)
  • Kolehiyo ng Kinetikang Pantao (CHK)
  • Kolehiyo ng Batas (CL)
  • Kolehiyo ng Agham Pampulitika at Pangasiwaang Pangmadla (CPSPA)
  • Kolehiyo ng Agham (CS)
  • Kolehiyo ng mga Agham Panlipupan at Pagpapaunlad (CSSD)
  • Kolehiyo ng Pamamahalang Turismo, Hotel at Transportasyon (CTHTHM)
  • Linangan ng Teknohihiya (ITech)
  • Sanayang Mataas na Paaralan (LHS)
  • Senior High School (SHS)
baguhin