Wikipediang Tagalog

edisyon ng Wikipedia sa wikang Tagalog
(Idinirekta mula sa Tagalog Wikipedia)

Ang Wikipediang Tagalog, Bay: ᜏᜒᜃᜒᜉᜒᜇᜒᜀᜅ᜔ ᜆᜄᜎᜓᜄ᜔, (Ingles: Tagalog Wikipedia) ay ekslosibong edisyon ng Wikipedia sa wikang Tagalog sa Pilipinas, ay nagsimula noong Disyembre 2003. Ito ay may 47,717 artikulo, at ito ang ika-104 pinakamalaking Wikipedia ayon sa bilang ng artikulo pagsapit ng Nobyembre 5, 2024.[1]

Favicon ng Wikipedia Wikipediang Tagalog
ᜏᜒᜃᜒᜉᜒᜇᜒᜀᜅ᜔ ᜆᜄᜎᜓᜄ᜔
Tandang pagkakakilanlan ng Wikipediang Tagalog
Screenshot
Unang Pahina ng Wikipediang Tagalog
Uri ng sayt
Proyektong Ensiklopedya sa Internet
Mga wikang mayroonᜆᜄᜎᜓᜄ᜔
Bansang pinagmulan Pilipinas
May-ariPundasyong Wikimedia
URLtl.wikipedia.org
Pang-komersiyo?Hindi
PagrehistroHindi sapilitan
Nilunsad1 Disyembre 2003
(20 taon na'ng nakalipas)
 (2003-12-01)
Kasalukuyang kalagayanAktibo

Kasaysayan

baguhin

Sinimulan ang Wikipediang Tagalog, Ang Malayang Ensiklopedya, noong Disyembre 2003[kailangan ng sanggunian] bilang unang Wikipedia sa isa sa mga wika ng Pilipinas.

Pagsapit ng Pebrero 3, 2011, ito ay may higit sa 50,000 artikulo.[2] Bantayan, Cebu ang naging ika-10,000 artikulo noong Oktubre 20, 2007 habang Pasko sa Pilipinas ang naging ika-15,000 artikulo noong Disyembre 24, 2007.[3] Nakumpleto sa Betawiki (o Translatewiki.net) ang pagsasapook o lokalisasyon ng pagsasalinwika ng mga mensaheng pansopwer ng Wikipediang Tagalog noong 6 Pebrero 2009.[4]

Noong 2011, naging bahagi ang Wikipediang Tagalog ng WikiHistories fellowship, isang proyekto sa pananaliksik ng Pundasyong Wikimedia. Sinusubok ng proyekto ang paglahad ng mga tagumpay, kabiguan, at pang-araw-araw na pakikibaka ng mga patnugot na nagsusumikap na maging ganap ang pangarap na pandaigdigang pagbabahagi ng kaalaman.[5]

Estadistika

baguhin

Dahil sa pabura ng mga maiikling arikulo na nagsimula noong 2018, naging nasa baba ng 45,000 ang bilang ng artikulo ayon noong Disyembre 2022.

Mga unang hakbang ng Wikipediang Tagalog

baguhin

Ang unang naikargang artikulo ay Wikipedia (maliban sa Unang Pahina), noong Marso 25, 2004. Noong maluwag pa ang pamantayan ng Wikipediang Tagalog, ang pinaka-unang Napiling Artikulo ay ang Livestrong wristband, ngunit napalitan ito ng artikulong Kimika (ayon sa nabagong pamantayan).[18] Ngunit napalitan din ang Kimika dahil sa isang proseso ng pagsusuri at pagbabalik-tanaw.[19] Kung tutuusin, ang unang napiling artikulo na nanatili pagkatapos ng pagsusuri ay tungkol sa keso.[20]

Gayundin, ang unang Napiling Larawan ay ang Image:Flutterbye.jpg para sa artikulong Paru-parong Viceroy, subalit napalitan ng Image:St Vitus stained glass.jpg na para sa artikulong Katedral ni San Vito.[21]

Ang tatlong unang artikulong pang-Alam Ba Ninyo? ay ang Web browser, Wikang Bulgaro, at Pilipinas.[22] Naaprubahang may kundisyon ang Tagalog Wikinews (Wikibalita) noong Disyembre 19, 2007.[3] Nagkaroon ng seksiyong Sa Araw na Ito sa Unang Pahina noong 2 Abril 2008, ngunit pansamantalang itinago ito noong 3 Mayo 2008 dahil sa kakulangan ng taga-ambag sa bahaging ito.[23][24]

Mga katangian

baguhin

May ilang mga katangian ang Wikipediang Tagalog na nagpapaiba ito sa ibang mga edisyong pangwika ng Wikipedia. Ayon kay Michael Tan, isang antropologong Filipino at kolumnista sa Philippine Daily Inquirer, malakihang umaasa ang Wikipediang Tagalog sa UP Diksiyonaryong Filipino para sa saligang mga kahulugan.[25] Bagamat nakatuon ito sa wikang Tagalog, mayroon itong mga pahina na nagbibigay ng gabay sa mga hindi gumagamit ng wikang Tagalog para sa mga bagay na may kinalaman sa proyekto.[26]

Saklaw ng edisyon

baguhin

Ang Wikipediang Tagalog ay may mahalagang saklaw ng mga paksang may kinalaman sa Pilipinas, gayon din sa mga paksang may kinalaman sa anime at manga. Noong 2010, naglabas ang GMA News and Public Affairs ng isang ulat na pumupuna sa kakulangan nito ng mga artikulong may kinalaman sa agham.[27]

Pangalan ng proyekto

baguhin

Sang-ayon sa ibang mga Wikipedista sa Tagalog at Ingles na mga Wikipedia, ang Wikipediang ito'y kumakatawan sa wikang Filipino.[28][29][30] Ayon naman sa Vibal Foundation, isang pundasyon na pinasimunuan ang WikiPilipinas, magkaiba raw ang tinayo nitong wiki na WikiFilipino sa Wikipediang Tagalog dahil gumagamit ang WikiFilipino ng Filipino at Tagalog naman ang Wikipediang Tagalog.[31] Ang pagkakaiba o pagkakapareho ng Tagalog sa Wikipedia ang naging sanhi ng isang pagtatalo ng mga tagagamit sa pangalan ng proyekto. Nabanggit ang pagtatalong ito sa isang artikulo ng DILA (Defenders of the Indigenous Languages of the Archipelago)[32], isang samahan na ipinagtatanggol ang mga katutubong wika ng Pilipinas.

Kumpara sa ibang edisyong Wikipedia sa wikang nakabase sa Pilipinas

baguhin

Mas kakaunti ang mga artikulo sa Wikipediang Tagalog kumpara sa Wikipediang Sebuwano, ang pinakamalaking edisyon ng Wikipedia sa wikang nakabase sa Pilipinas, na may higit sa 6,117,000 artikulo sa kasalukuyan, at ang Wikipediang Waray, na may higit sa 1,267,000 artikulo.[33][34] Ang lalim ng Wikipediang Tagalog ay 147.03 kumpara sa 4.25 para sa Wikipediang Waray at 2.18 para sa Wikipediang Sebuwano, pagsapit ng Nobyembre 5, 2024.[35] Ayon sa aktibong tagagamit, ito ay may 146, kumpara sa 183 sa Wikipediang Sebuwano at 70 sa Wikipediang Waray.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Wikipedia, ang malayang ensiklopedya: Unang Pahina". Tagalog Wikipedia. Wikimedia Foundation, Inc. Hulyo 24, 2015. Nakuha noong Hulyo 24, 2015.
  2. Tagalog Wikipedia, nakuha noong Pebrero 3, 2011
  3. 3.0 3.1 Mula sa Announcements (Mga Paunawa) sa Wikipedia:Tambayan ng Wikipediang Ingles
  4. Tala ng gawain sa Translatewiki.net (Betawiki)[patay na link], noong 6 Pebrero 2009.
  5. Mula sa pahina ng proyektong WikiHistories
  6. Mula sa pahina ng usapan ng Pandaka Pygmaea
  7. Pahina ng usapan ng Silindro
  8. Pahina ng usapan ng Unang Aklat ng mga Macabeo
  9. Pahina ng usapan ng Heriyatriko
  10. Pahina ng usapan ng Anak ng Tao
  11. Pahina ng usapan ng Sky Girls
  12. Pahina ng usapan ng Charlottenburg-Wilmersdorf
  13. Pahina ng usapan ng 1714 Sy
  14. Pahina ng usapan ng Ekonometriks
  15. Vitruvio Pahina ng usapan ng Yu-Gi-Oh! Zexal[patay na link]
  16. Vitruvio Pahina ng usapan ng Lalaking Vitruvio[patay na link]
  17. Pahina ng usapan ng Ḥu_(Ge%27ez)
  18. Mula sa Supnayan ng Tagalog Wikipedia
  19. Wikipedia: Pagbabalik-tanaw sa artikulong Kimika, Marso 25-26, 2008.
  20. Česky. "Mula sa artisbo ng Wikipedia:Mga napiling artikulo". Tl.wikipedia.org. Nakuha noong 2012-02-15.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. Mula sa Supnayan ng Tagalog Wikipedia.
  22. Mula sa pahinang pangkasaysayan ng Suleras ng Alam Ba Ninyo?
  23. Mula sa kasaysayan ng Wikipedia:Mga pangyayari noong unang panahon
  24. Mula sa kasaysayan ng Unang Pahina
  25. Tan, Michael (Agosto 2, 2011). "Pinoy Kasi: 'Utak'". Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong Oktubre 23, 2015.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  26. Francia, Luis (Marso 27, 2015). "The Artist Abroad: Hold up half the sky? Not there yet" [Ang Manlilikha sa Ibayong Dagat: Naghahawak sa kalahati ng langit? Wala pa roon]. Philippine Daily Inquirer (sa wikang Ingles). Nakuha noong Oktubre 23, 2015.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  27. Dimacali, Timothy James M. (Oktubre 5, 2010). "Google Translate spews profanities in Filipino" [Google Translate, nagbubuga ng mga kabastusan sa Filipino]. GMA News (sa wikang Ingles).{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  28. Wikipedia:Pamantayang pangwika ; Wikipedia:Gabay sa abakada at pagbabaybay
  29. Wikipedia:Kapihan: "Filipino Wikipedia (na nasa Wikimedia Incubator)"
  30. Kaugnay: The Filipino Wiktionary Debate (formerly It's official) (WP:Tambay Archive14.)
  31. "WikiFilipino, Isang Pagsusuri". Kristine Mandigma. Vibal Foundation. Nakuha noong 2009-05-15.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  32. "The Subdialect Filipino" ["Ang Subdiyalektong Filipino"] (PDF). Edwin Camaya (sa wikang Ingles). Defenders of the Indigenous Languages of the Archipelago. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2012-01-18. Nakuha noong 2009-05-15.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  33. Mga Estadistika
  34. "MAUPAY: Waray Wikipedia hits more than one million articles" [MAUPAY: Lumagpas sa isang milyong artikulo ang Wikipediang Waray]. InterAksyon. Hunyo 11, 2014. Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 11, 2014. Nakuha noong Oktubre 23, 2015.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  35. Wikipedia article depth [Lalim ng artikulo sa Wikipedia] - Meta

Mga kawing panlabas

baguhin

  Gabay panlakbay sa Filipino phrasebook mula sa Wikivoyage