WikiPilipinas

ensiklopedya tungkol sa bansang Pilipinas

Ang WikiPilipinas (dating kilala bilang Wikipiniana) ay isang malayang-nilalamang websayt na naglalarawan sa sarili bilang gumaganap na kombinasyon ng "'di-maka-akademikong ensiklopedya", puntahan sa Internet, direktoryo at almanake para sa kaalamang tungkol sa Pilipinas. Tulad ng Wikipedia, naglalaman ito ng iba't-ibang artikulo tungkol sa mga paksang may kaugnayan sa Pilipinas. 'Di-tulad naman sa Wikipedia, marami sa mga artikulo nito ay naglalaman ng mga paksang maaaring ituring na 'di maka-ensiklopedya ng mas mahigpit na Wikipedia. Halimbawa, isinusulong nito ang konsepto ng orihinal na pananaliksik at binabaliwala nito ang simulaing tinging walang kinikilingan ng mas malaking ensiklopedya.

Ibinuo ang ideya ng WikiPilipinas noong 2006 ni Gaspar Vibal, ang may-ari ng Vibal Publishing House na kilala sa paglimbag ng mga araling aklat. Opisyal na naging buhay ang WikiPilipinas (bilang Wikipiniana) noong 12 Hunyo 2007 na may ilang libong artikulo na isinanga (forked) mula sa Wikipediang Ingles. Pinalitan naman ang pangalan nito mula Wikipiniana sa WikiPilipinas noong 7 Hulyo, ilang linggo pagkatapos itong nabuhay. Pormal naman na nailabas na nakilala ang websayt sa ika-28 Pandaigdigdang Peryang Pang-aklat ng Maynila sa huling bahagi ng Agosto sa taong iyon.

Ang kapilas nito sa Filipino ay ang WikiFilipino.

Mga panlabas na kawing

baguhin

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.