Silindro (gamit panugtog)

Ang silindro o harmonika[1] ay isang uri ng kasangkapang pangmusika na hinihipan ng bibig habang tinatangan ng mga kamay para makalikha ng tugtugin. Dahil sa isa itong instrumentong pangtugtugin na hinihipan ng bibig, tinatawag din itong "organong pangbibig".[2] Ginagamit ang harmonika sa mga musika blues, tugtuging katutubo o tugtuging bayan (folk), rock and roll, popular (pop), at klasiko.

Isang silindro.
Dalawang uri ng silindro na magkaiba ang laki. May l6 butas ang isa, habang may 10 naman yung isa pa.

Mga katawagan

baguhin

Sa Ingles, tinatawag din ang silindro sa mga bansag na: mouth organ (organong pambibig), mouth harp (alpang pambibig), Hobo Harp (alpa ng mga busabos na walang pirmihang tahanan[3], French harp (alpang Pranses), Reckless Tram ("walang-ingat o padaskul-daskol na galang busabos"), harpoon (sibat pambalyena), tin sandwich ("latang tinapay na may palaman"), blues harp (alpang pang-musikang malungkot o blues), Mississippi saxophone (saksopon ng Mississippi), at harp (alpa).[4]

 
Suklay at dalawang platang-tambo.
 
Ang platang-tambo.
 
Platang-tambo na nakapatong sa ibabaw ng suklay ng isang diyatonikong harmonika.

Bagaman nagmula ang salitang silindro mula sa Kastilang cilindro o tubo, naging iba ang kahulugan nito sa Tagalog. Sa Tagalog lamang natatanging ang terminong silindro ay patungkol sa hinihipang instrumentong kilala rin bilang harmonika (mula sa Ingles na harmonica).[1]

Mga uri

baguhin

Ginagawa ang mga silindro ayon sa iba't ibang mga teklado o key. Karaniwan na ang mga tekladong: G, Ab, A, Bb, B, C, Db, D, Eb, E, F, at F#. Matutugtog ang bawat teklado sa sakop ng maraming mga mababa at mataas na mga nota at eskala.

Kabilang sa mga klase ng silindro ang diyatonika at ang kromatikang harmonika. Mas maraming mga awitin o tugtugin ang malilikha mula sa kromatika kung ihahambing sa mga regular na uri, dahil mas maraming notang matutugtog mula sa mga ito. May buton ang mga kromatikang silindro na nagpapagalaw sa mga dumudulas na mga bara (bar). Kapag pinipindot ang buton, mas malawak ang matutugtog na sakop na mga nota.

Bukod sa diyatoniko at kromatiko, kasama pa sa mga uri nito ang tremolo, orkestral, at baho (o bass).

Mga bahagi

baguhin

Pangkaraniwan

baguhin

Binubuo ang silindro ng limang mga pangkaraniwang bahagi. Kasama rito ang suklay (comb), mga platang-tambo (mga reed-plate), mga platang-pantakip (mga cover-plate), mga pansagip-hangin (mga windsaver), at ang piyesang-pambibig (ang mouthpiece).

Mga aksesoryo

baguhin

Ilan sa mga kasamang-kagamitan ng harmonika ang mga aparatong pang-amplikasyon o pampalakas ng tunog at ang mga pantangan o panghawak (rack o holder) habang tinutugtog ang silindro.

Paglikha ng tugtugin

baguhin

Nalilikha ang tunog sa pamamagitan ng pag-ugoy o pagtaginting ng mga tambo (reed) na nasa loob ng instrumento. Mayroong mga butas na hinihipan ang mga harmonika. Karaniwan sa mga silindro ang mga klase may sampu at dalawmpung tambo na nakatono sa tekladong C (C key). Napapatunog ang mga tambo ng silindro sa pamamagitan ng sapat at normal na lakas lamang ng hangin na katulad sa likas na paghinga ng tao.[2]

Nalilikha din ang tunog mula sa silindro sa pamamagitan ng paghigop ng hangin sa isang giling. Mayroon maraming butas sa isang gilid ng silindro. May iba't ibang mga nota ang bawat butas.

Mga musikero

baguhin

Kabilang sa mga sikat na silindrista o silindrero - tagatugtog ng harmonika - sina Bob Dylan (dekada 1960, folk rock), Willi Burger (musikang klasiko), Neil Young (folk), at Steven Tyler ng bandang Aerosmith.

Sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 English, Leo James (1977). "Silindro". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 "Harmonica, p. 42-43". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. ""hobo."". The American Heritage Dictionary of the English Language, Fourth Edition. Houghton Mifflin Company. 2004. Nakuha noong Hunyo 30, 2008.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. De Guzman, Maria Odulio (1968). "Alpa, harp, walang-ingat, padaskul-daskol atbp.". The New Filipino-English / English-Filipino Dictionary. National Bookstore (Lungsod ng Mandaluyong) ISBN 9710817760.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing panlabas

baguhin
 
Wikibooks
Mayroon aklat sa Wikibooks ng patungkol sa Silindro (gamit panugtog).