Paaralang Lourdes ng Mandaluyong
Ang Paaralang Lourdes ng Mandaluyong (Ingles: Lourdes School of Mandaluyong; pina-ikli: LSM) ay isang pribadong Katolikong institusyon na pag-aari at itinatag ng mga Paring Capuchino Order of Friars Minor Capuchin. Ang pagtatag ng paaralang ito ay resulta ng pagnanais na maipalaganap ang ebanghelyo bilang misyon ng mga paring Capuchino sa Pilipinas. Ang Mandaluyong campus ay nasa distritong pang-komersyo ng Ortigas Center, malapit sa mga kilalang malls tulad na SM Megamall , Shangri-La Plaza, EDSA Central, at Starmall. Simula 2002, ang rektor ng paaralan ay sa Rev. Fr. Edmundo Tiamson, OFM Cap.
Paaralang Lourdes ng Mandaluyong | |
---|---|
Lourdes School of Mandaluyong | |
Sawikain | Pax et Bonum Kapayapaan at Lahat ng Kabutihan [ay Sumasainyo] |
Rektor | Rev. Fr. Edmundo A.Tiamson, OFM Cap. |
Principal | Gng. Anna G. Bolinao (GS) Bb. Elizabeth C. Aguilar (HS) |
Lokasyon | Shaw Blvd., Greenhills, |
Kulay | Asul █ at Ginto █ |
Palayaw | LSM |
Websayt | http://www.lsm.edu.ph/ http://www.lsmc.edu.ph/ (Bago) |
Nangangailangan ang artikulo o seksiyon na ito ng pagwawasto sa balarila, estilo, pagkakaisa, tono o baybay. (Hulyo 2009) |
Kasaysayan
baguhinKasaysayan bago sa institusyon
baguhinAng pagkatatag ng paaralang ito ay resulta ng pagnanais ng mga Paring Capuchino (Order of Friar Minors Capuchin; OFM Cap.) , isa sa mga tatlong pangkat ang mga Pransiskano: Order of Friars Minor Observants, Order of Friars Minor Conventual at Order of Friars Minor Capuchin na ipalaganap ang ebanghelyo pari sa Pilipinas.[1]
Nang nangingibabaw ang mga Protestanteng mga nagpapalaganap na sinimulan ni Otto von Bismarck at ng kanyang mga humalili, ang kalaban ng Alemanya, ang Espanya ay nagdesisyong magpadala ng mga magpapalaganap at magpapanatili ng Katolisismo at matanggal ang Protestantismo sa mga sakop ng Espanya na mga Kapuluan ng Mariana, Guam at Palau na pinupuntirya ng Alemanya para sa pagpapalaganap ng Protestantismo.
Naatasan ang mga Order of Friars Minor Capuchin para sa pagpapanatili ng Katolisismo sa mga kolonyang Espanya. Ngunit bago makarating sa Kapuluan ng Marianas, Guam at Palau, dadaaan muna sila sa Pilipinas (na dati'y isang pangunahing tawiran sa Pasipiko at naging maunlad) upang magkarga ng mga kagamitan at enerhiya para sa mga bapor (ang salitang bapor ay mula sa vapor na nanggagaling sa steam mula sa mga steam engine) at may mga paring nanatili sa Pilipinas.
Nang nagkaroon ng mga pangunahing himagsikan, lalo na noong 1896, sa limang relihiyosong orden sa Pilipinas: Dominikano, Hesuita, Agustino, Rekolekto at Pransiskano na may mga kumbento sa Intramuros, nanatili ang mga Pransiskano.
Ang simbahan ng mga Capuchino sa Intramuros ay tinawag na Divina Pastora. Nandito ang imahen ng Mahal na Inang Lourdes.
Noong 1986, nangako ang isang pari na kung sila ay maligtas sa rebolusyon, ang bagong itatayong simbahan ay iaalay sa Mahal na Inang Lourdes.
Nagkaroon ng mga paaralang Capuchino sa Pilipinas: sa Ermita (Paaralang Katoliko ng Ermita), Singalong (Paaralan ni San Antonio) at Santa Mesa (Paaralang Parokyal ng Santa Mesa (Sacred Heart)).
Nang maganap ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, anim na Capuchino ang namatay sa Intramuros at anim din ang namatay sa Singalong. Ang imahen ng Mahal na Inang Lourdes ay dinala sa Simbahan ng San Agustin matapos nito ay dinala naman sa Pamantasan ng Santo Tomas. Nang nasira ang Intramuros, lumipat ang mga Capuchino sa Intramuros sa Daang Retiro sa Lungsod ng Quezon at itinatag ang Paaralang Lourdes ng Lungsod ng Quezon.
Nang hiniling ng Arsobispo ng Maynila ang pagbabalik ng Ermita sa diyosesis ng Maynila, lumipat sila sa Mandaluyong at ang Angkang Ortigas ay nagbigay sa kanila ng lupaing may lawak na 3 hektarya. Ito na ang naging kasalukuyang Paaralang Lourdes ng Mandaluyong.
Kasaysayang pang-institusyon
baguhinMatapos ibalik ng mga paring Capuchino ang parokya ng Ermita sa diyosesis ng Maynila noon taong 1957, ibinigay sa kanila ang bayan ng Mandaluyong kung saan itinatag ang parokya ni San Francisco ng Assisi. Sa kagustuhan nilang maipalaganap ang ebanghelyo sa larangan ng edukasyon at sa tulong ng pamilyang Ortigas, sila ay lumagda ng kasulatan na nagbibigay ng 3 ektaryang lupain sa mga Capuchino na mula sa Pamilyang Ortigas.Isang bagong gusali na may hugis ng titik L, pinagsamang simbahan at paaralan ang naging simula ng paaralang ito. Noong 4 Oktubre 1958, sa araw ng kapistahan ni San Fransisco ng Assisi, ang simbahan ay binasbasan ni Rufino J. Cardinal Santos Arsobispo ng Maynila noon. Ang harapan ng simbahan ay idinisenyo ng arkitekto ng mga simbahan ng Iglesia ni Kristo.
Noong taong panuruan 1996 hanggang 1997, sa tulong ng Parents-Teachers Association ng paaralan, natapos ang dalawang proyekto: ang deep well water project at ang paglalagay ng air conditioner sa mga klase at opisina ng elementarya at hayskul.
At noong 2006, ang departamento ng high school ay nabigyan ng PAASCU ng full accreditation.[2]
Kasalukuyang Kalagayan
baguhinMababang paaralan
baguhinSa kasalukuyan, ang mababang paaralan ay kinabibilangan ng mga pangkat mula Unang baitang hanggang Ika-anim na baitang.
Mataas na paaralan
baguhinSa kasalukuyan, nadagdagan ng ilang mga pagbabago sa mga kagamitan ng paaralan. Isa na rito ang pagtatayo ng panibagong gusali sa hayskul, ang buong gusali ng hyskul ay pinangalanang Gusaling San Lorenzo ng Brindisi, bilang parangal sa isang Capuchinong santo at pantas ng simbahan (Doctor of the Church). Sa naturang gusali, makikita ang mga sumusunod: Ikalawang Palapag - silid-aralan ng 3 - St. Conrad of Parzham (Silid blg. 217), 3 - Bl. Angelo of Acri (Silid bg. 216) , 3 - Bl. Benedict of Urbino (Silid blg. 215) at ang 2 - Bl. Honorat Kozminski of Biala (Silid blg. 214). Ikatlong Palapag - bagong silid-aklatan na para sa kagawaran ng mataas na paaralan na sinasabing gumagamit na ng OPAC, isang pamamaraang awtomasyon ng mga silid-aklatan. Ikaapat na Palapag - bagong laboratorong pang-agham. Samantalang ang dating laboratoryo ay ginawang isang munting tanghalan (mini-theatre) na tatawaging St. Clare of Assisi Mini-Theatre and Audio-Visual Center, bilang parangal kay Sta. Clara ng Assisi, tagapagtatag ng ikalawang orden ng mga Pransiskano at patron ng telebisyon. Ang dating silid-aklatan ay naging bagong laboratoryong pang-kompyuter dalawang taon na ang nakalilipas na may kasamang koneksiyong internet, samantala ang Silid blg. 113 naman ang naging bagong laboratoryo pang-dagisikan. Makikita na rin sa gusali ng hayskul ang silid pang-drafting, silid tugtugin at Conference Room.
Sa katatapos na PAASCU Visit noong Oktubre 19–20,2009, kapistahan ni San Pedro ng Alcantara, isang Franciskanong santo ay nakamit ng kagawaran ang 5 taong akreditasyon.
Noong Pebrero, 2010 ay ipagdiriwang ng buong paaralan ang ika-50 taon ng pagkakatatag na may paksang "Renewing Our Commitment to Holiness, Excellence and Service Through Catholic Education" ("Pagpapanumbalik sa Aming Pangako sa Kabanalan, Kahusayan at Paglilingkod sa Pamamagitan ng Katolikong Pag-aral"). Ang bansag para sa taong ito ay "All is Gold and Blue in 2010" o "Lahat ay Ginto't Asul sa 2010."
Galeriya
baguhin-
Ang football field sa harap ng gusaling Pax et Bonum
-
Ang gusaling Pax et Bonum at ang football field
-
Mga mag-aaral ng paaralan sa intramurals
-
Football field ng paaralan