Iglesia ni Cristo

Isa sa pinakamalaking denominasyong pang-Kristiyano sa Pilipinas.
(Idinirekta mula sa Iglesia ni Kristo)

Iglesia ni Cristo[3] binibigkas na [ʔɪɡˌlɛː.ʃɐ nɪ ˈkɾiːs.to] (Ingles: Church of Christ; daglat INC) ay isang denominasyong Kristiyano na nagmula sa Pilipinas noong 1914 sa pangunguna ni Felix Manalo,[4][5][6] ang kinikilala ng Iglesia ni Cristo na sugo ng Diyos sa mga huling araw.

Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ)
Watawat ng Iglesia ni Cristo
Klasipikasyon Independent Church
Lugar na sakop 164 mga bansa at mga teritoryo[1]
Nagtatag Felix Y. Manalo (nagpatala sa Pamahalaang Pilipinas)
Lugar ng Pagtatag Hulyo 27, 1914 (pagkakatala sa Pamahalaang Pilipinas)
Punta, Santa Ana, Maynila, Pilipinas
Mga Simbahan 8,500 in 2022 name="Introduction to INC">"Introduction to INC". Iglesia Ni Cristo (Church of Christ). Inarkibo mula sa orihinal noong Nobiyembre 23, 2013. Nakuha noong Marso 6, 2014. {{cite web}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)</ref> noong Marso 2014
Bilang ng Kasapi walang opisyal na bilang
Bilang ng Ministro 7,205[2]noong 2009
Kawanggawa Felix Y. Manalo Foundation, Inc
Unlad International, Inc
Mga Dalubhasaan New Era University
College of Evangelical Ministry
Opisyal na Websayt www.incmedia.org www.iglesianicristo.net

Si Felix Manalo ang unang tagapamahalang pangkalahatan at nagtatag ng Iglesia ni Cristo.

Nagpapakilala ang Iglesia ni Cristo bilang nag-iisang tunay na iglesya at nagsasabing sila ang muling pagbangon ng orihinal ng iglesya na itinatag ni Hesus at ang ibang simbahang Kristyano.[5][7] Sinasaad ng doktrina ng INC na ang opisyal na pagkakatala ng iglesya sa pamahalaang Pilipinas noong 27 Hulyo 1914 sa pamamagitan ni Felix Y. Manalo na kinikilala nilang Huling Sugo ng Diyos. Naniniwala ang mga kaanib nito na ang iglesyang ito ang katuparan ng mga hula ng Bibliya na ang iglesyang itinatag ni Kristo ay muling babangon sa Malayong Silangan [8][9] at ang pagsapit ng Ikapitong Tatak ay hudyat ng mga huling araw ng daigdig.[10][11] Isinasaad sa bibliya na kung sino ang papasok sa kanilang sambahan ay maililigtas sa pagdating ng paghuhukom.

Noong si Manalo ay sumakabilang-buhay noong 1963, ang Iglesia ni Cristo ay isa nang pambansang simbahan na mayroong 1,250 kongregasyon, at 35 malalaking konkretong katedral.[12] Ang kaniyang anak na si Eraño Manalo ang sumunod na tagapanguna ng simbahan at nanguna sa kilusang pagpapalaganap sa buong mundo hanggang siya ay pumanaw noong 31 Agosto 2009,[13] ang kaniya namang anak na si Eduardo V. Manalo ang humalili sa kaniya bilang tagapamahalang pangkalahatan.[14] Noong 2000, ang senso ng Pilipinas mula sa National Statistics Office ay nakapagtala ng 4.02 bahagdan ng populasyon na nagpapakilalang mga kaanib sa Iglesia ni Cristo. Dahil dito, ang INC ang sinasabing pangatlong pinakamalaking samahang panrelihiyon sa Pilipinas kasunod ng Simbahang Katoliko (80.6%) at ng Islam (5.6%).[15][16]

Noong Hulyo 2, 2014, idineklara ng pamahalaan ng Pilipinas ang taong 2014 bilang "Taon ng Sentenaryo ng Iglesia Ni Cristo" sa bisa ng Proklamasyon Blg. 815. Inilabas ang proklamasyong ito upang "palawigin ang kabatiran ng mga tao" sa mga naiambag ng INC sa pambansang pagsulong.[17]

Kasaysayan

baguhin
 
Larawan ni Felix Manalo sa pabalat ng Pasugo. Si Manalo ang pinaniniwaláang hulíng propetang ipinadala ng Diyós.

Ang nilalaman ng kasaysayan ng Iglesia ni Cristo ay nakasalalay at umiikot sa ikadalawampung siglo, na makikilala sa pagbangon ng mga kilusang laban sa kolonyalismo sa mga kanayunan, na kadalasan ay may temang panrelihiyon. Sa panahong ito, ang mga misyonaryong mula sa Amerika ay nagpakilala sa kulturang Pilipino ng mga mapagpipilian sa Katolisismo na siya namang pamana ng mga Kastila.[18]

Sa kaniyang pagsasaliksik sa katotohanan mula pagkabata, si Felix Manalo ay nagpalipat-lipat sa iba't ibang samahang panrelihiyon. Naging bihasa siya sa mga turo ng kanyang nasamahang relihiyon subalit sa bawat isa ay mayroon siyang nakitang mga kakulangan. At sa ganitong pagkabigo ay sinubukan din niya ang mga samahang ateista at agnostiko. Subalit maging ang mga ito ay hindi napunan ang kaniyang pangangailangang espiritual. Isang araw, gamit ang mga panitikang naipon niya mula sa mga relihiyong kanyang nasamahan, at dala maging ang bibliya, siya ay nagkulong sa isang silid at doon sinimulan niya ang pansariling pagsasaliksik sa tunay na relihiyon. Pagkatapos ng tatlong araw at gabi, lumabas siya dala ang mga aral na siyang magiging saligan ng mga turo ng Iglesia ni Cristo.[9][19][20][21]

Nagsimula ang INC sa kakaunting kaanib nuong Hulyo 27, 1914 sa Punta, Santa Ana, Maynila na ang punong ministro ay si Manalo. Ipinalaganap ni Manalo ang kanyang mensahe sa kanyang pook at unti-unti niyang napalaki ang Iglesya. Ipinagwalang bahala ito ng Iglesya Katolika sa paniniwalang ito ay lalagpak. Inakala nila na ang paglaki ng Iglesya ay dahil lamang sa ito ay isang bagong bagay, gaya ng Protestantismo. Naniwala sila na hindi makakatindig si Manalo sa mataas ng uri ng kaalamang pangteologo ng Katoliko. Subalit nagpatuloy ang paglaki ng Iglesya maging sa gitna ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Noong 2005, pormal na kinilala ng Iglesya Katolika ang pagiral ng Iglesya ni Kristo at binansagan ito na isa sa mga lumitaw na may kapangyarihang pangkating pagrelihiyon. Malayo na ang narating ng Iglesya mula ng kanyang pagkatatag. Ngayon, ang mga ministro ang Iglesya ay kasing bihasa na ng kahit aling mangangaral Kristiano, at kayang makipagmatwiranan sa banal na kasulatan maging sa orihinal ng griego.[22][23][24]

Nang lumalaki na ang bilang ng organisasyon, humirang siya ng mga delegado para magpakilala ng turo ng Iglesia ni Cristo sa iba't ibang lupain, kabilang na ang mga nasa labas ng bansa. Noong namatay si Felix Manalo, taong 1963, ang kaniyang anak na si Eraño Manalo naman ang siyang humalili bilang ehekutibong ministro o Tagapamahalang Pangkalahatan at si Eduardo V. Manalo naman ang "deputy executive minister" o II Tagapamahalang Pangkalahatan.[25]

Umabot na sa limang libo apat na raan (5,400) kongregasyon na kung tawagin ay lokal sa mahigit na 90 na bansa at territoryo sa buong mundo ang inaabot ng Iglesia ni Cristo.[26] Kilala rin ang Iglesia ni Cristo sa Hawaii at California, dalawang estadong kilala sa dami ng imigranteng Pilipino. Bagamat hindi naglalabas ang Iglesia ni Cristo ng tunay na bilang ng kanilang miyembro, ang Catholic Answer ay naniniwala na sila ay maaring nasa pagitan ng 3 hanggang 10 milyon.

Gawaing Pangmisyonaryo

baguhin

Sa Pilipinas, may programang itinatanghal at sumasahimpapawid sa radyo DZEM-AM-954 kHz, DZEC 1062 kHz-AM at telebisyon Net 25, dalawang estasyong pag-aari ng INC at maging sa GEM-TV Channel 49-UHF ng Eagle Broadcasting Corporation.

Sa Hilagang America, isang programang pantelebisyon ang may pangalang "The Message" na produced naman ng Iglesia ni Cristo sa San Francisco Bay Area. Sa kasalukuyan ito ay naisahihimpapawid sa Estados Unidos at Canada at sa ilang bahagi ng Europa. Ang tatlumpong minutong programang ito ay tinatampukan ng ibat ibang pagtalakay ukol sa mga aral na sinasampalatayanang aral ng Iglesia Ni Cristo.

Mayroon ding magasin para sa kongregasyon sa buong mundo na may pamagat na "God's Message" (kilala rin sa dating tawag na Pasugo). Ang God's Message ay naipiprinta sa Tagalog at Ingles na edisyon. Mayroong mga edisyon na parehong may Tagalog at Ingles. Ang magasin na ito ay binubuo ng mga liham sa editor, balita sa mga lokal sa buong mundo, relihiyosong tula, at mga artikulo hinggil sa pananampalatayang pang Iglesia ni Cristo, direktoryo ng mga lokal sa labas ng Pilipinas, at nagpapalabas din ng mga talapalabas ng mga serbisyong pagsamba. May mga pamphlets din na ibinibigay sa mga miyembro na nagpapakilala sa mga paunahing tagapagsalita tuwing mayroong nakatakdang pagsamba.

Mayroon ding gawaing naglalayon nang pagtulong sa mahihirap. Nakapagtatag na sila ng pabahay gaya ng "Tagumpay Village" at nagbibigay ng libreng gamutan at serbisyong dental sa mga proyektong gaya ng "Lingap Sa Mamamayan". Bukod dito, mayroon rin silang mga serbisyong pangkomunidad gaya ng paglilins ng lansangan, pagtatanim (tree planting project) at pag-dodonate ng dugo.

Pag-anib at mga Doktrina

baguhin

Ang pagsapi sa Iglesia ni Cristo ay ibinibigay sa pamamagitan ng bautismo. Ang sinuman na gustong mabautismuhan ay dapat munang sumailalim sa mga Bible study on doctrines, kung saan itinuturo ang dalawampu't lima na doktrina, matapos nito ay susubukin sila sa mga pagsamba na inaabot ng anim na buwan o mahigit pa kung hindi tuloy-tuloy. At kung ang aanib ay nagpasya na at tiyak nang sumasampalataya sa mga doktrina ay saka lamang sila tatanggap ng banal na bautismo. Kapag sya ay nakarehistro na sa kanilang lokal, sya ay binibigyan ng tarheta kung saan ay dapat itaob tuwing sasamba. Sa Estados Unidos, meron tatlong karagdagang aral na itinuturo na karamihan ay naglalaman ng impormasyon ukol sa bahay sambahan at ang pagsisimula nito sa Pilipinas. Ang mga aral na ito ay nakasulat sa libro ng doktrina na isinulat ni Eraño G. Manalo na pinamagatang Fundamental Beliefs of the Iglesia ni Cristo. Ang libro ay ibinibigay sa mga ministro, ebanhelikal na mangagawa, at mga estudyanteng ministro ng INC. Bawat aral ay madalas na nagtatagal ng kalahati hanggang isang oras.

Matapos na marinig ang lahat ng aral, ang mga bagong aanib ay pumapasok sa probisyonaryong period kung saan sila ay obligado na lumahok sa labing limang prayer meeting o panata na ginaganap isang beses sa isang linggo. Dito ay itinuturo sa kanila ang pananalangin at sila ay ginagabayan habang isinasa-ayon nila ang kanilang pamumuhay sa INC.

Dahil kailangan ng sapat na pagkaka-intindi bago sila mabautismuhan sa INC, ang minimum na antas ng edad para lumahok sa bautismo ay labing dalawang taong gulang o kung sya ay nasa ika-anim na baitang. Para sa mga bagong panganak na sanggol, sila ay "inihahandog" habang ginaganap ang pagsamba. Ang pag-hahandog ng sanggol sa INC ay idinadaan sa pananalangin na pinamumunuan ng isang ministro ng INC.

Ang mga myembro na hindi sumusunod sa mga doktrinang itinuturo ng INC ay pinagsasabihan. Kapag nagpatuloy ang paglabag, sila ay itinitiwalag sa pagiging miyembro. Meron mga paglabag na tulad ng pagkain ng dugo o pagpapakasal sa mga hindi myembro ng INC ay maaaring magdulot ng mandatory na pagtanggal kapag napatunayan sa unang pagkakasala, tulad ng Ortodoxong Hudyo.

Central Office

baguhin

Ang pangunahing tanggapan ng Iglesia ni Cristo ay ang Iglesia ni Cristo Central Office; kabilang ito sa isang malaki at nababantayang kompleks na matatagpuan sa Abenidang Komonwelt, New Era, Lungsod ng Quezon, Pilipinas. Isang editoryal sa isyu ng Philippine Panorama Magazine noong 25 Enero 2004 ang naglarawan rin sa kompleks ang mga sumusunod: ang anim na palapag na Central Office Building; ang Central Temple na may 7,000 na upuan; ang Tabernacle; isang multi-purpose na hall; ang Central Pavilion na meron kapasidad na 70,000 upuan; ang College of Evangelical Ministry; ang New Era General Hospital; at ang New Era University. Matatagpuan rin dito ang bahay ng pamilya ng Executive Minister na si Eduardo V. Manalo.

Politika

baguhin

Nakilala ang malakas na impluwensiyang pampolitika ng INC simula noong maging matalik na magkaibigan ang dating pangulong si Manuel L. Quezon at Felix Manalo dahil sa paghingi ng payo ng una sa huli. Marami din ang nakaka-alam ng kanilang pagsuporta sa dating pangulong si Ferdinand E. Marcos hanggang sa maalis ito sa pwesto noong Unang Rebolusyon sa EDSA ng 1986.[27]

Ang mga miyembro ng INC ay kilala sa ginagawa nilang bloc voting sa tuwing sila ay boboto.[28][29][30][31] Malaki ang kanilang conversion turn-out kung saan anim na pu't walo hanggang walumpu't apat na porsyento (68%--84%) ay pumipili ng iboboto ayon sa gusto ng kanilang pamunuan. Ito ay dahil sa kanilang doktrina ukol sa pagkakaisa, na kung saan ang parusa sa hindi pagsunod ay ang pagtanggal sa pagiging myembro. Ilang sa media ang naniniwala na ang INC bloc vote ang nagdulot ang pagkakapanalo sa kandidatura ng pagkapresidente nila Joseph Estrada noong 1998,[27] at ang pagkakahalal muli ni Gloria Macapagal-Arroyo noong 2004.[32]

Ito ang nagbigay sa INC ng malaking impluwensiyang pampolitika sa mga naihalal na opisyal. Ayon sa mga balita sa dyaryo, ang pagpapanatili ng Kongreso sa kanilang pasya na tanggihan ang impeachment complaint kay Arroyo ay apektado ng impluwensiya ng INC. Sa ulat ng isang dyaryo, tinawagan umano ni Erano Manalo ang bawat isang mambabatas.[33] Ito naman ay tinaggihan ni Behn Fer. Hortaleza Jr. Siya ay nagsulat ng isang editoryal para sa The Sun-Star Pangasinan kung saan sinabi nya na si kinatawan Joey Salceda ay nagbalak na ibuno ang INC sa Simbahang Katolika sa pamamagitan ang pagsasaayon nya ng oras ng "balita" ng konggresista sa isang pagbubunyag tungkol sa mga obispo na tumatanggap ng "sin money" mula sa Pagcor para sa kanilang proyekto.[34] Ngunit para sa iba, ang boto ng INC ay mayroon lang kabuluhan sa mga laban na malapit ang pagitan. Kanilang isinaad na natalo ang iba sa mga kandidato na sinuportahan ng INC, tulad ni senador Sergio Osmeña Jr. na natalo noong 1969 kay Marcos at sa mangangalakal na si Eduardo Cojuangco Jr. na natalo kay Fidel Ramos noong 1992.[35]

Hindi lahat ng kandidato ay tinatanggap ang suporta ng INC. Ang ama ni Macapagal-Arroyo na si Diosdado Macapagal ay tumanggi sa suporta ng INC noong sya ay nangangampanya bilang pangalawang pangulo noong 1957 at kandidatura sa paghalal muli bilang pangulo noong 1965 – kung saan sya ay natalo kay Marcos. Ayon sa websayt ni Macapagal, tinanggihan nya ang suporta upang isulong ang pagunlad ng demokrasya sa Pilipinas.[36]. Walang rin nailahad na ebidensiya na nagpapatunay ng impluwensiyang pampolitika sa labas ng bansa.

Kontrobersiya at Kritisismo

baguhin

Ang Iglesia ni Cristo ay naisailalim sa matinding pagbatikos mula sa mga grupo ng apologetics at sa ibang mga relihiyon. Ang madalas na dahilan ng hindi pagkakasundo ay dahil sa mga doktrina at paniniwala ukol sa pagsasalin ng nilalaman ng Bibliya. Sila rin ay binatikos ng mga grupong walang kinalaman sa relihyon ukol sa kanilang impluwensiyang pampolitika at ang ipinalagay na pagpigil ng karapatang pagpapahayag.

Mula sa grupong relihiyoso

baguhin

Inilahad ni Dr. Karl Keating, ang nagtayo ng Catholic Answers, na si Dr. Jose Ventilacion, isang ministro ng INC at isa sa kanilang punong manguguro, ay nilabag ang kasunduan noong 1990 para sa isang one-on-one na pagdebate ng dalawang kapisanan sa National City, California. Sa halip na one-on-one na pagdebate, inilahad ni Keating na si Ventilacion ay mayroong tatlong taong tutulong sa kanya at sila ay sumisigaw sa kanya habang nagdedebate. Kanya ring inilahad na ang God's Message na magasin ay mas nakatutok sa pagbabatikos ng mga paniniwala at doktrina ng Simbahang Katolika at Protestante , sa halip na magpaliwanag ng kanilang position.[37]

Ang Simbahang Katolika ay pinabulaanan ang bansag ng INC sa Santo Papa bilang ang halimaw sa Apocalipsis, na karaniwan ring paniniwala ng ibang relihyosong grupo. Sabi ng INC, ang titulo ng Santo Papa na Vicarivs Filii Dei, isang salitang Latin na ang ibig sabihin ay Vicar ng Anak ng Dyos, ay nagiging 666 na umano ay Bilang ng Halimaw kapag idinagdag ang mga letra ayon sa pagkakasunod-sunod nito sa alpabeto. Sinasabi rin ng INC na ang titulong ito ay naka-ukit sa tiara ng Santo Papa. Ito ay napatunayang hindi totoo[37] at nagi rin itong paniniwala ng ilang mga Sabadista ngunit ngayon ay opisyal ng initatanggi.[38] Sinabi rin ng Simbahang Katolika na ang salitang Vicarius Filii Dei ay hindi kailanman naging "opisyal na titulo" ng Santo Papa.[38]

Pinabulaanan rin ng Catholic Answers ang doktrina ng INC ukol sa paglisan sa unang relihiyosong paniniwala kay Kristo ng Simbahang Katolika. Nininiwala sila na hindi ginagamit ng INC sa tamang konteksto ang mga bersikulong gamit ng kanilang doktrina na nagkasaad umano sa banal na sulat ng kanilang simbahan at ang lubusang pagtalikod ng Simbahang Katolika. Nabanggit rin ng Catholic Answers na mahirap ipag-isa ang iba pang mga bersikulo sa pananaw ng Iglesia ni Cristo.[39]

Binatikos ng Let Us Reason Ministries, isang grupo ng apolohetikong mananaliksik, ang INC sa kanilang paniniwalang bigay sa kanila ng Diyos ang karapatan na ipakahulugan at mangaral ng mga nakasulat sa Bibliya at ang ibang relihiyon ay walang otoridad. Kanila ring inihayag na ang INC umano ay sinasadyang ipaliwanag o gamitin sa maling paraan ang mga bersikulo upang sumang-ayon sa kanilang doktrina at ang gamagamitan umano sila ng nakalilinlang na pangagatwiran laban sa ibang relihiyon,[40] na ayon sa kanila: ""Unfortunately they ignore the whole history of the Church in the zealous rebuttals against Catholicism. Nothing is out of reach of their researchers to demean and belittle. Some of the greatest scholars in languages and history are ignored or misrepresented as they present what they believe is correct. I suspect that many know better in what they teach."[41] Hindi rin nila tinatanggap ang doktrina ng INC na maliligtas ka lamang kung ikaw ay naging miyembro.[42] Ayon naman sa The Bereans Apologetics Research Ministry, ang iba sa paniniwala ng INC ay salungat sa mas laganap na Kristyanismo[43]. Subalit, inihayag ng Iglesia ni Cristo na ayon sa banal na sulat, sila ang napili upang maging "bayan ng Diyos" tulad ng mga Israelita at pinili sila ng Diyos upang maglingkod.

Binatikos ni Dr. Charles Caldwell Ryrie ang INC umanong maling pagsipi nila sa kanilang Ryrie Study Bible ukol sa bersikulo ng Bibliya na Juan 1:1 noong Mayo/Hunyo 1984 na palathala ng Pasugo. Sinagot ni Ryrie sa isang sulat niya kay Robert Elliff, ang may-akda ng Iglesia Ni Cristo: The Only True Church?, nang ganito: "Anyone can look in my Study Bible and see how conveniently this author [the INC] omitted the last phrase in the note of John 1:1."[44]

Ang Members Church of God International (MCGI) ay mayroong matagal nang pakikipagtunggali sa INC ayon sa ipinapakita nito sa kanilang palabas sa telebisyon na Ang Dating Daan (ADD) at Ang Tamang Daan. Si Eliseo Soriano ay nagpalathala ng isang bayad na paanunsiyo sa dyaryo ng Manila Times at inimbitahan nila ang kampo ng Iglesia ni Cristo sa isang one-on-one na pakikipagtalo at pagtatalakay. Sa likod ng maginoong debateng hinihingi ng panig ng ADD ay isinagot naman ng INC na makipagtalo muna siya sa Santo Papa na nakaratay sa mga panahon na iyon at namatay mga ilang araw pagkatapos ng anunsiyo. Isang kapuna-punang insidente ang nangyari sa pagitan ng dalawang grupo noong 28 Abril 2005 nang magkaroon ng bayolenteng pag-aaway sa dapat na mapayapang pag-uusap sa pagitan ng isang miyembro ng Members Church of God International at ng kanyang mga kamag-anak na miyembro ng INC.[45][46] Ayon sa imbestigasyon, sinimulan ng mga miyembro ng INC ang pag-aaway matapos na magsalita ng pasigaw ng isang tagasuporta ng ADD noong nangyayari ang pakikipag-usap sa lokal na himpilan ng pulis ukol sa magiging lugar ng gaganaping usapan.[47]

Kritikang walang kaugnayan sa relihiyon

baguhin

Ang pangunahing paratang ukol sa pagpigil ng karapatang pamamahayag ay nagmula sa pangungunang pagpigil ng simbahan sa paglabas ng librong ginawa ni Ross Tipon na pinamagatang The Power and the Glory: The Cult of Manalo, sa umano'y malubhang kamalian na nakasaad dito.[48][49] Sinabi ng mga kritiko na pinipigilan ng INC ang malayang pananalita sa pamamagitan ng pagbabawal nito nang hindi pa inilalathalang libro, at ayon kay Tipon ay nilalabag ang kanyang karapatan sa malayang pananalita. Si Abraham Espejo, isang abogado ng INC ang nagsabi na: ""The publication of the criminal manuscript will trigger social unrest, Millions of people may come out in the streets and this may lead to violence." Ayon sa INC, sinisiraan ng libro ang kanilang organisasyon at si Félix Manalo. Humihingi sila ng PHP1,000,000 na danyos perwisyos mula kay Tipon at sa hindi pa kilalang tagapaglathala.[48]

baguhin
  • Unique bible study Isang bible study na naglalaman ng tipikal na doktrina ng INC at may tanong at sagot na pagkaka-ayos tulad nang ginagamit ng kanilang mga ministro. Walang malinaw na tukoy sa Iglesia ni Cristo sa website na ito.
  • Truthfinder's INC Page Site ng isang miyembro ng INC: INC profile, mga panimulang turo, kasaysayan, atbp.
  • Food for the Soul Naka-arkibo 2007-03-11 sa Wayback Machine. Mga tula at panibagong limbag ng artikulo ng God's Message
  • The Iglesia Ni Cristo "Read me's Page", blog ng isang miyembro ng INC: tungkol sa INC atbp.
baguhin
  • GEM-tv Naka-arkibo 2007-08-18 sa Wayback Machine. Global Exansion Media Television - Nagpapasahimpapawid ng mga relihiyosong programa maliban sa balita at panlibang. Channel 2068 sa Direct TV.
  • DZEC live audio webcast Naka-arkibo 2007-09-29 sa Wayback Machine. - mga tagalog na relihiyosong programa na isinasahimpapawid tuwing karaniwang araw, 8:00 p.m. hanggang 12:00 ng hatinggabi sa lokal na oras ng Pilipinas.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Ipinapakilala ang Iglesia Ni Cristo". Light of Salvation Christian Readings. Hunyo 2013.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Celerino G. Baclaan (Setyembre 2009). "Finishing His Race Victoriously: The Church from 1963-2009". PASUGO God's Mesage. Quezon City, Philippines: Iglesia ni Cristo. 61 (9): 7. ISSN 0116-1636.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "The official name of the church with upper case I in Iglesia and C in Cristo and lower case n in ni, as it appears on the copyright notice of the magazine Pasugo - Felix' Message". Pasugo - Message. Quezon City, Philippines: Iglesia ni Cristo. 59 (5). Mayo 2007. ISSN 0116-1636.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Quennie Ann J. Palafox. "122nd Birth Anniversary of Ka Felix Y. Manalo". National Historical Commission of the Philippines. pp. 1–2. Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 4, 2013. Nakuha noong 2011-06-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 5.0 5.1 Adriel Obar Meimban (1994). "A Historical Analysis of the Iglesia ni Cristo: Christianity in the Far East, Philippine Islands Since 1914" (PDF). The Journal of Sophia Asian Studies. Tokyo: Sophia University (12): 98–134. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2016-03-08. Nakuha noong 2014-02-26.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Tipon, Emmanuel (Hulyo 28, 2004). "Iglesia ni Cristo celebrates 90th anniversary"(sininop mula sa orihinal noong 2007-10-13). PhilippineNews.com. Hinango noong Agosto 19, 2005
  7. Anne C. Harper (2001-03-01). The Iglesia ni Cristo and Evangelical Christianity (PDF). The Network for Strategic Missions. pp. 101–119. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2011-09-27. Nakuha noong 2011-06-12.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Iglesia ni Cristo - Church of Christ - Official Website". Organization. Iglesia ni Cristo. p. Independent. Inarkibo mula sa orihinal noong Agosto 21, 2012. Nakuha noong Marso 25, 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. 9.0 9.1 Palafox, Quennie Ann J. 'First Executive Minister of the Iglesia ni Cristo (Church of Christ)' Naka-arkibo 2012-02-13 sa Wayback Machine. "National Historical Institute"
  10. Anne C. Harper. "Iglesia ni Cristo" (PDF). StJ's Encyclopedia of New Religious Movements. Sacred Tribes Press: 1–3. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2011-10-05. Nakuha noong 2014-02-26.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Johan D. Tangelder. "Sects and Cults: Iglesia ni Cristo". Reformed Reflections. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-10-03. Nakuha noong 2011-06-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Sanders, Albert J., "An Appraisal of the Iglesia ni Cristo," in Studies in Philippine Church History, ed. Anderson, Gerald H. (Cornell University Press, 1969)
  13. Arlyn dela Cruz (2009-09-02). "Iglesia ni Cristo leader Eraño Manalo dies". Philippine Daily Inquirer. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-02-04. Nakuha noong 2011-06-07.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. Aries Rufo (2009-09-02). "No shifts seen when Ka Erdie's son takes over INC". ABS–CBN News. Nakuha noong 2011-10-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. "Demography". Philippines in Figures (PDF). Manila: National Statistics Office. 2014. p. 27. ISSN 1655-2539. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2014-07-28. Nakuha noong 2014-08-11.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. Philippines Naka-arkibo 2015-07-19 sa Wayback Machine., CIA Factbook
  17. Tan, Kimberly Jane (Hulyo 4, 2014). "PNoy forms task force for Iglesia ni Cristo centennial celebration". GMA News. Nakuha noong Hulyo 4, 2014.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. Partridge, Christopher (Ed.) (2004). Encyclopedia of new religions, new religious movements, sects and alternative spiritualities. (Oxford: Lion Publishing, 2004) ISBN 0-7459-5073-6.
  19. Villanueva, Robert C. The Untold Story of the Iglesia ni Cristo (Philippine Panorama, 1992)
  20. '25 Years in the West, God's Message (Manila: 1993)
  21. Crisostomo, Isabelo T. 'Felix Y. Manalo and the Iglesia ni Cristo', Pasugo (Mayo-Hunyo 1986)
  22. 'Iglesia ni Cristo turns 91 today'[patay na link] Manila Bulletin (27 Hulyo 2005)
  23. Manila Times Editorial Naka-arkibo 2009-10-03 sa Wayback Machine.(MANILA, 27 Hulyo 2004)
  24. Filipino Express, The CBCP recognizes INC, El Shaddai Filipino Express, The (12-11-2005 MANILA)
  25. "'Iglesia ni Cristo 92nd Anniversary" Manila Bulletin Online (27 Hulyo 2006)
  26. 'Who Are They' Let Us Reason Ministries (2002); cited by the Adherents.com religious geography citations database Naka-arkibo 2007-09-30 sa Wayback Machine.
  27. 27.0 27.1 Mangahas, Malou; "Church at the Crossroads Naka-arkibo 2007-10-07 sa Wayback Machine.", Philippine Center for Investigative Journalism, 29 Abril 2002
  28. an article in Pasugo (Manila: Iglesia ni Kristo, 1986) cited by "Pepe" 'Iglesia ni Kristo - religion and politics in Philippine society' Pepeslog (Berkeley: University of California, 21 Pebrero 2001)[patay na link]. Hinango noong 3 Hulyo 2005
  29. 'Indigenous Christian Churches' Philippines: A Country Study, (Washington, DC: US Library of Congress, 1993 4th ed.) A representative of the INC Administration states that this site contains gross inaccuracies.
  30. Tubeza, Philip C. 'SC ruling sought on sects' vote', Inquirer News Service, (Manila: 1 Abril 2004). Hinango noong 6 Pebrero 2006
  31. Jurado, Emil. 'The so-called command votes', Manila Standard Today, (Manila: 7 Marso 2007) Naka-arkibo 13 October 2007[Date mismatch] sa Wayback Machine.. Hinango noong 13 Agosto 2007
  32. 'INC throws support behind Macapagal, De Castro' Inquirer News Service, (Manila: 6 Mayo 2004)
  33. Tubeza, Philip C.; Cabacungan, Gil Jr., 'INC tipped balance for GMA, says solon' Philippine Daily Inquirer (Manila: 7 Setyembre 2005) p. A1
  34. Behn Fer. Hortaleza Jr, 'Hortaleza: Salceda's gambit on Iglesia role' SunStar Pangasinan Naka-arkibo 2008-12-02 sa Wayback Machine. Sun·Star Pangasinan (Sunday, 20 Nobyembre 2005)
  35. Danao, Efren L.; Cruz, Maricel V., 'INC vote may be overrated factor' The Manila Times (Manila: 04 Mayo 2004)
  36. Macapagal, Diosdado 'Autobiography'
  37. 37.0 37.1 Keating, Karl 'Into the Maw of the Cult' This Rock (San Diego: Catholic Answers, Pebrero 1990) Naka-arkibo 2005-02-08 sa Wayback Machine. - Hinango noong 17 Mayo 2006
  38. 38.0 38.1 'Quick Questions' This Rock (San Diego: Catholic Answers, 1992) as cited by NewAdvent.org's Catholic Library
  39. 'Iglesia ni Cristo', Catholic Answers (San Diego: Catholic Answers, Agosto 2004) Naka-arkibo 2011-06-04 sa Wayback Machine.. Hinango noong 5 Hulyo 2005.
  40. Oppenheimer, Mike "How the Church teaches", Let Us Reason ministries (2002). Hinango noong 27 Hulyo 2005.
  41. Oppenheimer, Mike "Who Are They?", Let Us Reason ministries (2002). Hinango noong 22 Setyembre 2006.
  42. Oppenheimer, Mike "Salvation", Let Us Reason ministries (2002). Hinango noong 28 Hulyo 2005.
  43. 'Iglesia Ni Cristo' The Bereans Apologetics Research Ministry Naka-arkibo 2007-03-11 sa Wayback Machine.. Hinango noong 9 Hulyo 2006
  44. Elliff, Robert 'Iglesia Ni Cristo: The Only True Church?' (1989) Naka-arkibo 2007-09-30 sa Wayback Machine. - Hinango noong 10 Setyembre 2005
  45. Isip, Rendy "Religious confrontation gets physical in Apalit Naka-arkibo 2009-01-08 sa Wayback Machine." Manila Standard 23 Abril 2005
  46. Abao, Jane "All Roads Lead to Apalit Mystery of 'Woman in Labor' Revealed Naka-arkibo 2007-10-06 sa Wayback Machine." Believer Magazine Abril 2005
  47. Roxas, Fred "Followers of Dating Daan and INC clash in Pampanga; cops accused of partiality" Manila Bulletin 22 Abril 2005
  48. 48.0 48.1 "Echeminada, Perseus. 'Iglesia seeks TRO vs publication of 'blasphemous' book', The Philippine Star (Manila: 24 Mayo 2005)". Inarkibo mula sa orihinal noong 13 Oktubre 2007. Nakuha noong 6 Oktubre 2007.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  49. Robles, JoJo. 'INC against free press?', Manila Standard Today Online (25 Mayo 2005) Naka-arkibo 5 December 2008[Date mismatch] sa Wayback Machine.. Hinango noong 3 Hulyo 2005.