Wikipedia:Pagpapalit-pangalan ng Wikipedia sa Wikipedya
(Idinirekta mula sa Wikipedia:Wikipedya)
- Ang sumusunod ay ang arkibo ng pagtatalo sa iminungkahing pagpapalit-pangalan ng Wikipedia sa Wikipedya. Pakiusap, huwag baguhin ito. Dapat ilagay ang mga kumento sa usapang pahina. Wala ng pagbabagong magaganap sa pahinang ito.
Nilalaman
Resulta
baguhinMay dalawang sumasang-ayon, isang hindi sumangsang-ayon, isang sumasang-ayon na may kondisyon at dalawang ibang pananaw. (2-1-1-2)
Ang resulta ng pagtatalo ay walang pangkalahatang kasunduan (no consensus). Samakatuwid, magiging status quo o mananatili ang kasalukuyang katayuan.
Paraan ng pagboto
baguhin- [[:WP:Wikipedya]]
Ang pahinang ito ay para sa iminungkahing pagpapalit-pangalan ng Wikipedia sa Wikipedya upang sumunod sa Tagalog na pagbabaybay.
Paalala:
- Kailangan ng panagutan para makaboto.
Paano bumoto:
- Lumikha ng kuwentang pantagagamit . Hindi aabutin ng 30 segundo ang pagpapatala.
- Sa ibaba ay ang talaan ng mga nilalaman, piliin ang tumutugon sa inyong boto.
- Baguhin ang bahaging napili.
- Lumagda, sa pamamagitan ng paglalagay ng # + space + apat na tilde (~) (kadalasan na matatagpuan ang key na ito sa itaas ng tab key sa inyong keyboard)
- Mag-iwan ng komento sa usapan kung nais na ipaliwanag ang inyong boto.
- Maari rin pong magiwan ng pagpuna o tanong para sa boto ng iba sa parehong pahina.
Matatapos ang botohan hanggang 06:23, 11 Enero 2008 (UTC), isang linggo matapos ilagay ang anunsyo sa MediaWiki:Sitenotice.
- Felipe Aira 11:54, 5 Nobyembre 2007 (UTC) Ang Aking paliwanag ay nasasaloob sa usapan ng pahinang ito.[sumagot]
- Tagalog Wikipedia pala ito kaya tama (lang) ang "Wikipedya". Hindi likas sa Tagalog (noon, ewan ko ngayon) ang isunod/mga Tagalog (tulad din sa iba) ang maisunod ang baybay sa katutubong bigkas ng hinihiram na salita (o isinusunod ba sa bigkas ng humihiram ang pagbaybay ng hinihiram na salita?). --Filipinayzd 22:35, 17 Nobyembre 2007 (UTC)[sumagot]
- Tutol – Hindi ako sumasang-ayon sa panukalang ito dahil ang wikang Tagalog ay hindi kasing yaman ng ibang wika tulad ng Pranses at Aleman kaya naman natural na sa wikang ito ang mang-hiram sa ibang wika lalo na sa Ingles at Espanol. Ang mga manggagamit ng wikang Tagalog na marunong mag-internet ay nakakaintindi ng Ingles. Ang botong ito ay may reserbasyon para sa pagpapapasa ng isang mosyon para status quo ante Nobyembre 5, 2007 o sa petsa ng panuklang ito, alin man ang nauna. --RebSkii 03:22, 9 Enero 2008 (UTC)[sumagot]
- Bagaman totoo ngang hindi kasingyaman ng Tagalog ang mga wikang iyon. Hindi naman siguro tama na manghiram na lamang nang basta-basta ng mga banyagang salita kahit mayroong kaalaman ang mga Pilipino sa wikang Ingles. Sa tingin ko mas tama pa ring gamitin ang Tagalog na salin ("Wikipedya" [wiki + {ensiklo}pedya]) kaysa sa wikang Ingles ("Wikipedia" [wiki + {encyclo}pedia]) sa simpleng dahilan, ito ang Tagalog Wikipedya hindi ang Taglish Wikipedia. -- Felipe Aira 09:23, 9 Enero 2008 (UTC)[sumagot]
- Hindi naman tayo nang-hihiram ng basta basta, ang Tagalog Wikipedia ay isang opisyal na kasapi ng pandaigdigang pamayanan ng wikipedia. Paano naging basta basta ang paggamit ng salitang wikipedia, eh isang proyekto ito ng Wikimedia Foundation, ang paggamit ng termino ay opisyal mula nang tanggapin ng wikimedia ang pagbuo ng proyektong ito. Ang Wikipedia ay isang pangngalang pantangi, hindi na kailangang isalin pa ito dahil wala naman talagang ibig sabihin ito sa wikang Tagalog kung Wiki encyclopedia ang pangalan ng proyekto, sa aking pananaw, mas nararapat lamang na isalin, pero hindi. 'nga pala, ito ang Tagalog Wikipedia, ang binanggit mo ay isang panukala pa lamang--RebSkii 03:47, 10 Enero 2008 (UTC)[sumagot]
- Sa tangin ko, ang pagsasalin ng isang pangalang pantangi ay maaaring gawin dito, at ito ay pinapayagan ng Wikimedia. Kaya nga ang mga pinakamalalaking Wikipedya: Pranses, Volapuk, Esperanto at iba pa, mismo ay nagsalin ng pangalan ng "Wikipedia". Kung sinasabi mong mali ang pagsasalin ng "Wikipedia" sa "Wikipedya" ay mali, nangangahulugang mali rin ang ginawa ng mga Wikipedyang iyon, na sa katotohanan ay tama; tama ang kanilang ginawa na sinalin nila ang pangalan ng wiki. Tandaan lamang na ilang ulit silang mas malaki, mas sikat at mas nakatatag kaysa sa atin. Paki tingnan na lamang ang pahinang pang-usapan. -- Felipe Aira 10:01, 10 Enero 2008 (UTC)[sumagot]
- Hindi naman tayo nang-hihiram ng basta basta, ang Tagalog Wikipedia ay isang opisyal na kasapi ng pandaigdigang pamayanan ng wikipedia. Paano naging basta basta ang paggamit ng salitang wikipedia, eh isang proyekto ito ng Wikimedia Foundation, ang paggamit ng termino ay opisyal mula nang tanggapin ng wikimedia ang pagbuo ng proyektong ito. Ang Wikipedia ay isang pangngalang pantangi, hindi na kailangang isalin pa ito dahil wala naman talagang ibig sabihin ito sa wikang Tagalog kung Wiki encyclopedia ang pangalan ng proyekto, sa aking pananaw, mas nararapat lamang na isalin, pero hindi. 'nga pala, ito ang Tagalog Wikipedia, ang binanggit mo ay isang panukala pa lamang--RebSkii 03:47, 10 Enero 2008 (UTC)[sumagot]
- Bagaman totoo ngang hindi kasingyaman ng Tagalog ang mga wikang iyon. Hindi naman siguro tama na manghiram na lamang nang basta-basta ng mga banyagang salita kahit mayroong kaalaman ang mga Pilipino sa wikang Ingles. Sa tingin ko mas tama pa ring gamitin ang Tagalog na salin ("Wikipedya" [wiki + {ensiklo}pedya]) kaysa sa wikang Ingles ("Wikipedia" [wiki + {encyclo}pedia]) sa simpleng dahilan, ito ang Tagalog Wikipedya hindi ang Taglish Wikipedia. -- Felipe Aira 09:23, 9 Enero 2008 (UTC)[sumagot]
- Ako ay sumasang-ayon gayon lamang kung ang bagong magiging pangalang ng Tagalog na Wikipedia ay Wikipidiya. J.J. Nario 13:35, 11 Nobyembre 2007 (UTC)[sumagot]
- Parang pang-waray naman kapag Wikipidiya ang ginamit na pangngalan nito. Pero malapit na rin ito. Salamat sa suggestion. Estudyante 10:09, 7 Enero 2008 (UTC)[sumagot]
Hindi boboto (0)
baguhin- Pwede bang "Wikipidya" dahil ang pagsalita sa "e" sa "Wikipedia" ay "short e", parang ang pagsasabi ng salitang "ingat". Howard ang Bibe 14:43, 8 Nobyembre 2007 (UTC)[sumagot]
- Ayon disksyunaryo ni Leo James English, ensiklopedya ang salin ng encyclopedia. Kung pagbabatayan ito, Wikipedya ang tamang salin ng Wikipedia. --Jojit (usapan) 00:47, 9 Nobyembre 2007 (UTC)[sumagot]
Mas tumpak kung "Wikipidiya" (wikipídiyá). Lilimahing-pantig ang salitang ito.--Filipinayzd 15:40, 8 Nobyembre 2007 (UTC)[sumagot]- Mukhang hindi na naman tayo magkasundo kung ano dapat ang salin ng isang salitang Inggles. Malamang mauwi na naman ito sa status quo at mananatili ang terminong Ingles (i.e. Wikipedia), katulad ng nangyari sa United Kingdom, Chile at United Nations. --Jojit (usapan) 10:29, 15 Nobyembre 2007 (UTC)[sumagot]
- Sana'y mas maging optimistiko naman tayo. -- Felipe Aira 11:42, 19 Nobyembre 2007 (UTC)[sumagot]
- Huwag kang mag-alala, hindi naman 100% na negatibo ang sinulat ko dahil sa salitang "malamang", mayroon pa ring porsiyento na positibo. ;) --Jojit (usapan) 01:31, 20 Nobyembre 2007 (UTC)[sumagot]
- Sana'y mas maging optimistiko naman tayo. -- Felipe Aira 11:42, 19 Nobyembre 2007 (UTC)[sumagot]
- Mukhang hindi na naman tayo magkasundo kung ano dapat ang salin ng isang salitang Inggles. Malamang mauwi na naman ito sa status quo at mananatili ang terminong Ingles (i.e. Wikipedia), katulad ng nangyari sa United Kingdom, Chile at United Nations. --Jojit (usapan) 10:29, 15 Nobyembre 2007 (UTC)[sumagot]
- Sa akin, kung ang Wikipedia ay isang tatak o brand, hindi na dapat ito isalin. --Jojit (usapan) 01:00, 9 Nobyembre 2007 (UTC)[sumagot]
- Maaaring isalin ang mga pangalan ng mga proyektong Wikimedia, ngunit dapat hindi isinasalin ang Wikimedia mismo. --Sky Harbor 00:58, 11 Nobyembre 2007 (UTC)[sumagot]
Interpretasyon (0)
baguhinMatatagpuan ang mga interpretasyon o pananaw sa usapan