Usapang Wikipedia:Pagbura ng mga pahina

Latest comment: 6 years ago by Jojit fb in topic Burahin ang Padron

Bakit may suleras at project namespace na kasama dito? Di ba dapat artikulo lamang ang kasama sa "mga artikulong buburahin"? Dapat may katumbas tayo ng en:Wikipedia:Miscellany for deletion o en:Wikipedia:Templates for deletion. --Jojit (usapan) 03:57, 28 Enero 2008 (UTC)Reply

Baka dahil masyadong kaunti lang ang traffic ng dapat burahin sa tl. Siguro gawin na lang natin itong " unofficial xfd", akala ko nga wala tayong afd eh.--Lenticel (usapan) 04:35, 28 Enero 2008 (UTC)Reply

Una, sa tingin ko ang pinakamadaling dahilan diyan ay kung pagkakatihatiin pa natin ang pahinang ito sa "Mga artikulong buburahin", "Mga larawang buburahin", "Mga suleras na buburahin", "Mga pahinang pamproyektong buburahin" atbp., wala nang matitira at magiging aktibo sa mga pahinang iyon. Mas maganda siguro kung ang pamagat ng pahinang ito ay "Mga pahinang buburahin" para masaklaw lahat. Ito rin ang kaso sa mga NA at Larawan natin kung saan sa isang pahina lamang ang mga iyon. -- Felipe Aira 11:18, 28 Enero 2008 (UTC)Reply
Ginawa ko nang "Mga pahinang buburahin" ang mga ibang pahinang maliban sa artikulo pero iyong subpage para sa mga artikulong buburahin ay ganoon pa rin ang titulo. --Jojit (usapan) 01:21, 29 Enero 2008 (UTC)Reply

Ano po ba ang maaari nating gawin sa mga nabura nang mga pahina na nakatala pa rin rito? Maaari na po ba nating tanggalin na lang sila sa pahinang ito tutal burado na naman sila o kailangan pa rin silang itala sa arkibo? Marami pong salamat sa mga tutugon. :) Nickrds09 (Pahina ng Usapan) 14:49, 17 Disyembre 2009 (UTC)Reply

Naglinis na po ako ng pahinang ito. Inilagay ko sa arkibo ang mga nabura ng pahina pati na rin ang mga dahilan kung bakit ito nabura. --Nickrds09 (Pahina ng Usapan) 11:41, 21 Disyembre 2009 (UTC)Reply

Burahin ang Padron

baguhin

dapat isinali niyo yung padron kasi minsan kailangan ko kasi burahin pag hindi na kailangan AJP426 (makipag-usap) 02:13, 14 Abril 2018 (UTC)Reply

Kasama naman ang Padron o template, kung may gusto kang ipabura at ikaw lamang ang nag-ambag, i-blangko mo lamang at puwedeng burahin ito ng isang tagapangasiwa. Kung kailangan ng pag-usapan ang pagbura, puwede rin naman imungkahi gamit ang Padron na {{Mungkahi-burahin}}. --Jojit (usapan) 10:37, 19 Nobyembre 2018 (UTC)Reply
Return to the project page "Pagbura ng mga pahina".