Usapang Wikipedia:Pagsasalinwika
Ito ang Wikipedia:Pagsasalinwika, magtanong o magbigay ng opinyon o kumento ukol dito. Mangyaring panatilihin ang kagandahang-asal at iwasan ang paglalagay ng anumang bagay na wala namang kinalaman sa nasabing paksa.
Pakilagay lamang ang inyong mensahe sa ibaba kasunod ng inyong lagda sa pamamagitan ng paglalagay ng apat na bantas (~~~~) kung gagamit ka ng wikitext. Kung hindi ka pamilyar sa wikitext, pindutin na lamang ito para magsimula ng bagong paksang mapag-uusapan. Maraming salamat po. Baguhan sa Wikipedia? Makatutulong sa iyo ang mga pahinang ito: Wikipedia:Patungkol at magtanong upang matugunan. |
Sinimulan ang pahinang ito ayon sa mga nagiging usapan sa WP:Kapihan, partikular ang nasa mga seksyong Wikipedia:Kapihan#Mga katanungan sa pagsasalin at Wikipedia:Kapihan#WP:SALIN? (Wikipedia:Kapihan#Balangkas at Wikipedia:Kapihan#Usapan hinggil sa balangkas), unang iminungkahi ni User:Lenticel. Maaaring baguhin at dagdagan kung nais o nararapat, o kung anuman ang nangyayari pa sa usapan hinggil sa paksang ito. - AnakngAraw 16:49, 13 Setyembre 2008 (UTC)
- Ipinapahulugan po ba nitong isasarado na natin ang usapan dahil mabisa na ito? Kung ganoon, sumasang-ayon ako sa pagsasara dahil ito naman ang tama, at lubos namang makikitang ito ang sinasang-ayunan ng pamayanan. -- Felipe Aira 04:28, 14 Setyembre 2008 (UTC)
- Para sa akin, maisasara na iyan. Magagawa naman ang mga modipikasyon ayon sa takbo sa paglaon ng ating mga darating pang gawain, habang lumalawig pa ang ating Wiki. Salamat po. - AnakngAraw 17:43, 14 Setyembre 2008 (UTC)
Depinisyon ng salitang 'komunikasyon'
baguhinAng salitang komunikasyon (nagmula sa salitang Latin na ‘communicare’ na nangangahulugang ‘magbahagi’ o ‘umugnay’) ay kadalasang nangangahulugang pagpapadala ng impormasyon. Ang salitang ito ay maaari ring tumukoy sa mismong mensaheng napadala o sa industriya ng pananaliksik sa pag-aaral nang paghatid ng mga mensahe. Gayunpaman, maraming pagtatalo sa eksakto at tiyak na depinisyon nito. Si John Peters naman ay nangatwiran na ang hindi pagkakaunawaan nang pagtukoy ng takdang kahulugan ng salitang komunikasyon ay nanggagaling sa dahilan na 1) ito ay unibersal na penomenon (dahil lahat ng tao ay nakikipag-komunika) at 2) dahil sa partikular na pag-aaral ng disiplina ng akademikong institusyon. Isang stratehiya ay nangangailangang limitahan ang mga nasasali sa kategorya ng komunikasyon (halimbawa, kailangan ng “conscious intent” para manghikayat). Sa pamamaraang ito, isang posibleng depinisyon ng salitang komunikasyon ay ang paglago o pag-unlad ng kahulugan sa mga entidad at grupo sa pamamagitan nang paggamit ng sapat at mutuwal na pagkakaintindihan ng senyales, simbolo, at “semiotic” na kumbensyon. Khloehallare (kausapin) 16:23, 2 Nobyembre 2022 (UTC)