Usapang Wikipedia:WikiProyekto Pilipinas
Ito ang Wikipedia:WikiProyekto_Pilipinas, magtanong o magbigay ng opinyon o kumento ukol dito. Mangyaring panatilihin ang kagandahang-asal at iwasan ang paglalagay ng anumang bagay na wala namang kinalaman sa nasabing paksa.
Pakilagay lamang ang inyong mensahe sa ibaba kasunod ng inyong lagda sa pamamagitan ng paglalagay ng apat na bantas (~~~~) kung gagamit ka ng wikitext. Kung hindi ka pamilyar sa wikitext, pindutin na lamang ito para magsimula ng bagong paksang mapag-uusapan. Maraming salamat po. Baguhan sa Wikipedia? Makatutulong sa iyo ang mga pahinang ito: Wikipedia:Patungkol at magtanong upang matugunan. |
Mga Arkibo |
---|
Pananagguni
baguhinKahit wala bang pananangguni (references) ang isang artiklo tinatanggap pa rin ba ito bailang isang napiling artikulo? Kasi ang Digmaang Pilipino-Amerikano ay isang napiling artikulo kahit wala itong talasanggunian. -- Felipe Aira 05:04, 3 Nobyembre 2007 (UTC)
- oo nga, hindi dapat naisama sa napili ang artikulong walang sanggunian, alam kong meron itong batayan pero hindi ito itinala sa artikulong nabanggit (samantalang napakahaba ng references section ng english counterpart nito). --RebSkii 13:07, 3 Nobyembre 2007 (UTC)
Barnstar
baguhinSiguro maaari niyong ibigay ito: sa mga malaki ang naitulong sa proyekto. -- Felipe Aira 12:17, 29 Nobyembre 2007 (UTC)
SOPA
baguhinMga kasama, makikisanib ba tayo sa kilos protesta laban sa SOPA? Kung sakaling mapagpasyahan nating gawin ito, nais kong imungkahi ang pagpapahiwating ng ating protesta sa pamamagitan ng isang bandera. - Alternativity 22:45, 17 Enero 2012 (UTC)
- Maaaring gamitin ang Kapihan o ang Komentaryo (RFC) para sa usapang ito. Salamat po. --Sky Harbor (usapan) 23:11, 17 Enero 2012 (UTC)
- Ah, e ganoon ba? Pasensya na po't medyo nawawala pa ako. Anong URL po ba ang kailangan kong puntahan para diyan? :D Salamat po. - Alternativity 23:22, 17 Enero 2012 (UTC)
- WT:KAPE o WP:KOM. Gumagana rin dito ang karamihan sa mga tuwirang daan (shortcut) ng Wikipediang Ingles. :) --Sky Harbor (usapan) 23:59, 17 Enero 2012 (UTC)
Tariktik
baguhinNapansin kong ang "Tariktik" ay nakatala dito sa tl.wikipedia sa ilalim ng artikulong Dryocopus martius. Siguro nga'y ginagamit ang ngalang ito para sa ibong karpintero. Ngunit nais kong liwanagin ang paggamit din ng ngalang ito para sa Penelopides panini, na sa ingles ay tinatawag na "Tarictic Hornbill". Sa aking pagkakaalam, ang paggamit ng katagang "Tarictic" para sa ibong ito ay nagmula sa pagngangalan ng ibong ito bilang "tariktik" sa wikang Tagalog. Ako ngyayo'y lubos na naguguluhan, bagamat alam kong ang ngalan ng isang ibon sa isang bayan o lugar ay maaaring ipangalan naman ng mga mamamayan ng ibang bayan sa ibang ibon. Ano ba'ng magagawa natin tungkol dito? Salamat! - Alternativity 22:55, 17 Enero 2012 (UTC)