Babala

baguhin

Hinarang kita dito sa Tagalog Wikipedia dahil sa mga nagawa mo sa English Wikipedia (tignan dito). Muli kong pinapaalala sa iyo na hindi maaring gumawa ng artikulo para sa iyong organisasyon dahil paglabag ito sa patakaran ng Wikipedia (en:WP:Conflict of interest). Hindi rin maaring gamitin ang Wikipedia para "ipromote" ang mga pansariling organisasyon. -WayKurat (makipag-usap) 14:38, 3 Mayo 2015 (UTC)Reply

pwede po magpatulong sa artikulo kung papano po dapat ang gagawin ko?salamat --Kkpk091811 (makipag-usap) 14:56, 3 Mayo 2015 (UTC)Reply

Pakibasa po itong mga patakaran na ito na nagmula sa English Wikipedia: Wikipedia is not a soapbox or means of promotion at Conflict of interest. Malinaw rin po na kayo ay konektado sa organisasyon na ginagawan ninyo ng artikulo. Ang mga patakarang ito ay ang naging basehan kung bakit kayo naharang sa English at Tagalog Wikipedia. -WayKurat (makipag-usap) 03:21, 6 Mayo 2015 (UTC)Reply

hindi po ako nagtratrabaho sa organisasyon o konektado sa kanila,tsaka yung sinasabi po nila na dalawa ang account ko sa wikipedia,nakalimutan ko kz ang dati kong account at password kaya gumawa ako ulit, pwede po ba patulong?salamat --Kkpk091811 (makipag-usap) 04:38, 6 Mayo 2015 (UTC)Reply

Kung hindi po kayo konektado o nagtatrabaho para sa kanila, bakit ang napili ninyong username ay yung initials ng organisasyon na ginagawan mo ng artikulo? Isa pa, ang ang unang account na ginawa ninyo, ang username nito ay ang mismong pangalan ng organisasyon. -WayKurat (makipag-usap) 05:40, 6 Mayo 2015 (UTC)Reply

kaya po ang initial na napili ko yung sa KKPK dahil hanga po ako sa ginagawa nila sa aming probinsya o sa kapampangan community.lalo na sa mga proyekto po nila dahil nakikita ko pa kasi sa fb at nababasa sa news paper at napanood sa tv patrol pampanga. itatanong ko rin po pwede po ba palitan ang username? pasensya na po medyo matanong po ako --Kkpk091811 (makipag-usap) 08:24, 6 Mayo 2015 (UTC)Reply