Maraming salamat sa pag-ambag ng mga pahina. Maaari ko bang malaman kung Google Translate ba ang ginagamit mo sa pagsasalin? at direkta itong inililipat dito sa Tagalog Wikipedia? --Mananaliksik (makipag-usap) 17:06, 15 Hunyo 2012 (UTC)Reply

Sa palagay ko, mas mainam kung gagamitin muna natin ang Burador ko, sa mga pahinang ating nililikha, lalo na kung ang salin nito ay hindi pa ganap na wasto, o ang pahina ay hindi pa tapos o nawikify. Ngunit maraming salamat sa pag-ambag. May mga pahina dito na maaaring makatulong sa iyo kung paano ang tamang paglikha ng artikulo (hahanapin ko lang!) =) --Mananaliksik (makipag-usap) 17:42, 15 Hunyo 2012 (UTC)Reply
ito po ang link. sana makatulong. Pagsasalin --Mananaliksik (makipag-usap) 17:50, 15 Hunyo 2012 (UTC)Reply

Google Translate

baguhin

Kamusta? Nasabi mo sa Usapang tagagamit:Mananaliksik na ginagamit ang Google Translate para sa isang kurso? Ang tanong ko lang, anong kurso ito at bakit mo kailangan ang Google Translate? Baka may maitutulong kami (mga contributor)? --bluemask (makipag-usap) 08:07, 16 Hunyo 2012 (UTC)Reply